Chapter 9
Nakaupo kami ngayon sa hapag kainan, buti na lang wala si kuya kaya yung upuan na dapat para sakanya ay inuupuan ni Rence ngayon, ang totoo dapat katabi ko siya pero dahil hindi kami bati, pinaupo ko sa upuan niya si Harry, maliit lang kasi ang pamilya namin kaya six seater ang kainan namin, additional lang si Rence na feeling part of the family for 10 years.
"Ano nga ba ang pangalan mo iho?" tanong ni mama
"Harry po, Harry Lee"
"Lee? kaanu-ano niyo si *** Lee?" tanong naman ni papa
"Uh sorry po h-hindi ko po kilala" pilit na pagtatagalog ni Harry
"Pa! Korean si Harry, at lumaki siya sa States, ka-apelyido niya lang yang binabanggit niyo" sina papa kasi, porke't may kakilala silang kapareho ng apelyido feeling nila magkakilala o kaya magkapamilya na, nakakahiya tuloy kay Harry.
"Koreano? Ah kaya naman pala gusto ka ni Erik--"
"Ma!" Ugh! pinagsisisihan ko tuloy na niyaya ko si Harry dito.
"Asus! Nahiya ka pa" Waaa! si mama talaga ang hilig ipahiya ang sarili niyang anak, pero kailan ko pa sinabing gusto ko si Harry?!
"Korean ka kuya?" napatingin naman kami kay Jino
"Oo" nakangiting sagot ni Harry
"Si ate kasi mahilig sa mga Koreano, dun sa kwarto niya nga marami siyang picture ng mga lalake na nakadikit sa pader! tapos yung mga kanta nil--"
"Jino! diba magpapatulong ka kay ate sa assignment mo sa math?" at binigyan ko siya ng manahimik-ka-kung-ayaw-mong-gawin-ang-homework-mo-ng-mag-isa-look.
Tumango siya bilang sagot at nagpatuloy na lang sa pagkain..
Ughhh!!! pati ba naman ang bunso kong kapatid nakikisali?!
"So you like Kpop?" biglang tanong ni Harry
"Uhh.." tumango ako bilang sagot, hindi naman sa kinakahiya ko ang pagiging fan ng kpop at korean dramas, pero kasi sawang-sawa na ko sa mga taong hindi matanggap ang music genre na gusto ko.
"That's nice" napatingin naman ako kay Harry, for the first time may nagsabi sakin niyan!! Si Lizzy na korean ayaw niya sa kpop, sina mama akala nila hindi pa ko nakakamove-on sa F4 fever nung panahon pa ng Meteor Garden, sina kuya naman tinatawag na mga bakla ang iniidolo ko, pero si Harry! Ang bait niyaaaa!
"G-gusto mo rin ang kpop?" tanong ko
"I'm not a huge fan but I like it" Haaaaarry!!!!
"Boring" agad naman akong napatingin kay Rence
Tiningnan niya ako pero inirapan ko siya! Papansin!!!
Bat ba kasi nandito yan?! Akala niya ba mababaw ang dahilan kung bakit di ko siya pinapansin?! tch.
"Harry, alam mo bang bukod kay Terrence eh ikaw ang unang lalakeng kaklase ni Erika na pumunta dito?" nagulat naman ako sa sinabi ni mama
"Really? wow" nakangiting sabi ni Harry
"Ma!" Natural! wala naman akong ibang friends eh! kasi naman inaaway sila ni Rence, si Lizzy lang nga ang nakapasa kay Rence eh, at napilitan pa since sobrang kulit ni Lizzy.
"Akala ko nga hindi magkaka-boyfriend tong anak ko--"
"aasdgdhfhenj!!!!" sabay-sabay naman kami nina Papa at Rence na kamuntik nang maibuga ang kinakain dahil sa sinabi ni mama.
Naubo ako at uminom ng tubig..
"Ma! hindi ko siya boyfriend! at hindi siya nandito para manligaw!" ughh napatingin ako kay Harry
BINABASA MO ANG
Inevitable Love
RomanceErika Santos, isang simpleng estudyante na naghahangad lamang ng payak at matahimik na school life. Terrence Lloyd Sandoval, ang taong sumira sa hangarin ni Erika sampung taon na ang nakakalipas. In a master-slave relationship, yan ang relasyon ng d...