BACKROUND STORY 3

3 2 0
                                    

PANAGINIP

Gabi na at ako na lang ang di kumakain. Wala kasi akong gana. Mag siyasiyam na buwan narin kasi nung namatay si Mom.

"Jeff. Kumain ka na. Kaninang tanghali ka pa di lumalabas ng kwarto mo". Sabi ni Tito at kinakatok ang pinto ng kwarto ko.

Nagugutom narin ako kaya napilitan nakong kumain. Lumabas ako ng kwarto at pumunta kami ni Tito sa Kusina. Kahit na kumain na si Tito. Sinamahan niya parin ako sa pagkain. Naka ngiti lang siya sakin.

"Ano masarap ba?". Tanong niya sakin. "Ako nagluto niyan. Diba favorite mo ang adobo?". Dagdag pa niya at nakangiti parin siya sakin.

"Di mo nasasabi Tito. Magaling ka pala magluto". Sabi ko naman sa kanya at tuloy tuloy pa ako sa pagsubo. Masarap talaga.

"Well. Pa advance happy birthday ko yan sayo". Sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya ng nagtataka. Tumingin rin siya sakin. "Nakalimutan mo?". Tumatawa niyang sabi.

At yun naalala ko nga. Yung day na namatay si Mom, its my birthday. Ang naaalala ko lang kasi sa March 18, ang pagkamatay ni Mom.

"Yeah. I almost forgot. Buti nalang Tito at pinaalala mo". Tumatawa ko ring sabi at napatulala ako at ang saya ay naging lungkot.

"You miss your Mom right? For sure, matutuwa yun at OK ang lagay niyo". Sabi sakin ni Tito at hinawakan niya ang kanang braso ko.

"Thanks Tito". Sabi ko naman at ubos na ang pagkain ko. Naparami ata ang kain ko. Sus, baka bangungutin ako neto.

"Wag nang Tito. Daddy nalang, or Papa. Pwede ring tatay. Basta wag nang Tito". Sabi naman niya sakin.

"Ok". Pagsang ayon ko. Parang daddy ko narin naman na siya. "Dad". Dagdag ko ng nakangiti.

Inilapag ko na ang pinggan sa lababo at umakyat na sa kwarto. At humiga na.

-----------------

Pero di ako makatulog kaya lumabas ako ng kwarto at pumunta muna sa kwarto nila Mom at Dad nung buhay pa sila. Its impossible but I saw Dad writting a new novel. Naka upo lang siya at nagsusulat sa lamesa. Tinawag niya ako. Kaya kahit parang baliw na ako ay nilapitan ko siya.

Totoo ba to? Buhay si Daddy?. Binasa ko ang sinusulat niya. A Dad talking to his Son. Siguro kami ni Daddy yun. Binasa ko iyon.

DAD: Everythings happen for a reason. Just search for that reason. Happy birthday Jeff. I miss you.

Sumagot naman ako sa kanya. Multo ba siya? Pero OK na to. Basta makita ko lang si Dad.

"I miss you too Dad". Bulong ko naman sa kanya.

Bigla nalang lumabo ang lahat at bumangon ako sa madilim na kwarto.

Bumangon? Panaginip lang pala ang lahat. "I really miss you Dad". Bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang oras.

3: 00 na pala. Nauuhaw ako kaya ako bumaba para uminom. Nasa gitna na ako ng hagdan ng may nakita akong isang lalaking nakaitim na maskara. Kaya umakyat agad ako at pumunta sa kwarto. Parang na trauma na ako sa lalaking naka maskara.

Na parang pag nakita ko siya mababaliw ako. Agad kong naisip sina Tito at John. Pero sana walang mangyari sa kanila.

Sana wala.

Pagdilat ko ng mata. Umaga na pala. Iniisip ko parin kung nakita ko nga yung lalaki o panaginip ko rin. Pero parang totoo kasi. Bumaba na ako at nakita ko si John, naka upo at najonood ng TV pero si Tito di ko makita. Wala siya sa sala, sa kusina at sa pool. Asan kaya siya.

"Wheres Tito Ivan?". Tanong ko kay John na nakatutok sa pinapanood na cartoons.

"I dont know. Paggising ko wala na siya ehh". Sabi naman niya at di parin inaalis ang mga mata niya sa pinapanood. Addict siya sa mga cartoons. Namana niya sakin. Pero di na ngayun. Kahit 7 palang ako, mature na ang isip ko.

Siguro dahil sa lahat ng experience ko kahit bata pa ako. Dumaan sa harap ko si Yaya na bitbit ang isang karton. Its cake. Cake ko para sa birthday ko ngayun.

"Manang, wheres Tito Ivan. Umalis po ba siya". Tanong ko sa kanya. Inilapag muna niya ang hawak niyang cake sa lamesa bago sumagot.

"Aahh Oo, pumunta siya ng bayan. May bibilhin daw. Di naman sinabi kung ano". Sagot niya sakin.

Hayy. Buti nalang. Akala ko kasi. Akala lang pala. Well its a party again. Sana walang mangyating masama. Last past parties kasi lagi nalang may bad happenings.

Ngayon wala na. Alam kong wala na.

A/N

PA FOLLOW AT PAVOTE NARIN. TNX SA MGA SILENT READERS. THANK YOU

Battle Of StabsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon