Chapter 2: The past

34 2 0
                                    

Rina's POV

Sobrang miss na miss ko na sya:( .. Ang tinutukoy ko ay ang ex bestfriend ko na naging ex boyfriend ko, si Alzter Dave Dela Rosa.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga naging ala ala namin noon.

FASHBACK

4th year high school kami noon nang ligawan nya ko

"Rina! May sasabihin ako sayo!" sigaw nung isa kong kaklase

"Ha? Bakit Joseph? Ano ba yang sasabihin mo at para kang natataranta dyan?"

"Kasi, emergency lang.! Tungkol sa bestfriend mong si Dave.. Pinapapunta ka ni ma'am Torres sa music room."

Emergency? Si Dave? Bakit sa music room ako pinapapunta? Bahala na nga.

"Ha?! Ah.Okay sige. Pupunta na'ko!"
Dahil sa sobrang taranta ko, nakarating ako agad sa music room in 2 minutes lang.

Pumasok ako sa loob upang hanapin si ma'am Torres pero wala talagang tao ee. Nagpalinga linga ulit ako at nagulat nalang nang biglang may tumugtog ng gitara. Nung tinignan ko ang tumutugtog ay nakita ko ang prinsipe ko. Choss! Haha. Si Dave kumakanta habang nag gigitara? Wow! Bakit hindi ko alam yun? Pero infairness.. Ang gwapo nya ngayon. At ako naman, sobrang haggard! Ikaw kayang tumakbo ng napakalayo in 2 minutes?

I can feel the butterflies inside my stomach while he's going nearer to me.

"Rina, m-may gusto a-akong sabihin sayo"

"Ano yun Dave?"

Hinawakan nya ang kamay ko at nagpatuloy.

"M-mahal kita. Noon pa. Matagal na. Ikaw lang ang laging hinahanap ko. Sa'yo lang umikot ang mundo ko. Kaya, maaari mo ba kong bigyan ng pagkakataon? para mapatunayan ko sa'yo kung gaano kita ka mahal"

"Ah-eh.. Kasi...,."

"Pero, kung ayaw mo .. Okay lang. Maghihintay pa rin ako sa'yo. Bestfriend pa rin naman tayo diba?"
Yumuko sya at nakita ko ang pagkalungkot sa mukha nya

"Kasi, OO. Mahal din kita Dave kahit nung una pa kitang makilala, minahal na kita. "
He looked at me and smile was drawn on his face.

"Talaga? Totoo ba yan? So tayo na?"

"Oo na."

"YES!!!! Maraming salamat. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihan to beh"

"Beh? At kailan pa naging beh ang pangalan ko ha?"

"Hehehe.. Beh. Kasi ikaw ang baby ko na mahal na mahal ko."

----------------------------------------------------------------------

Nagising ako sa realidad nang biglang sumigaw si Ayen.

"Uyy best ano ba,!? Kanina ka pa nakatulala dyan ee. Nagsasalita ako dito hindi ka naman pala nakikinig. Tong bruhang to oh. Akala ko ba nagugutom ka?"

"Ayy sorry best. Hihi. Pasensya na, may naalala lang ako. Lika na. Umupo na tayo"

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon