Chapter 1: Me and my Bestfriend

53 3 0
                                    

Rina's POV

Ako nga pala si Rina Rose Villaflor, isang 2nd year college student sa kursong Business Administration.

Ngayon ang unang araw ng pasukan at dahil sa hindi ako masyadong excited, eto, ako yata ang unang estudyanteng pumasok.. Haha.. Ang bait ko no? Napakatahimik ng paligid. Masyado pa kasing maaga. Umupo ako sa isang bench at inilapag ko ang bag ko.

"Huy!"

"Ayy mabait na palaka!!"
Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko. Pano ba naman kasi, ang lakas manggulat ng mokong na to.. Sya nga pala si Ayen Valdez. Siya ang naging bestfriend ko simula nung nag first year college ako.

"Ano ka ba naman Ayen? May plano ka sigurong patayin ako sa gulat noh,?"

"Haha.. Sorry naman best. Nga pala.. Bakit ang aga mo?"

"Wala trip ko lang. Ano bang pake mo?"

"Ansungit ng bruhang to oh. Sus! As if namang hindi ko alam na sobrang excited mo. Palibhasa first day of school ngayon"

"Duh! Ikaw rin naman ah? Excited rin. Anyway, best.. Samahan mo naman ako please?"
Humarap ako sa kanya at nag pacute.

"Saan ba?"

"Sa canteen.. Hindi kasi ako nag almusal ee. Nagugutom ako."

"Ayan kasi! Sa sobrang excited hindi na nag almusal. Lika na nga."
Haha. Narinig ko pang sabi nya.

Pag dating namin sa canteen ay hindi ko inasahan ang makikita ko.

Anong ginagawa nya dito? Dito rin ba sya mag aaral ng 2nd year?

Bakit ganun? Ang sakit pa rin para sakin. Kahit matagal na yun, sariwa pa rin sa puso ko ang mga nangyari.

It's been 2 years since the last time I saw him, it's been a long time since the day we were together loving each other..



Votes and comment guys.

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon