Chapter 3: Coincidence

35 2 0
                                    

Rina's POV

Umupo na kami ni Ayen sa isang table at umorder na.

Sinilip ko si Dave sa kabilang mesa. Busy sya sa pakikipag usap sa kaibigan nya. Mukhang hindi naman nya ko napansin kanina. Mas mabuti na siguro to.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa matapos na kami. Nagpaalam muna ko kay Ayen na mag c-cr lang.

pumasok ako sa isang cubicle na may salamin. Tiningnan ko lang ang sarili ko. Kinapa ko ang dibdib ko at dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi pwede tong nararamdaman ko. Kailangan kong itigil to dahil ako lang ang masasaktan.

"Iniwan ka na nya noon. Hindi ka na nya mahal! Wag kang tanga."

Kausap ko ang sarili ko.

Huminga ako ng malalim bago ko lumabas ng cr.

Nang nasa labas na ko.

Hindi ko napansin na may natapon pa lang tubig sa sahig dahilan para madulas ako.

Akala ko mapapahiya nanaman ako. Akala ko babagsak na ko. Pero, hindi. Hindi ako bumagsak dahil may sumalo sakin.

Nang tinignan ko sya.

O.o

Napa nganga ako nang makita ko ang mukha nya na malapit sa akin.
Yung puso ko pabilis ng pabilis ang kabog. pakiramdam ko anytime lalabas sya sa katawan ko.

"D-Dave?"
Utal kong tanong

"Long time no see Rina"
At bahagya syang ngumiti

Agad naman akong humiwalay sa pagkakakapit sa kanya.

"Ahm.. Anong ginagawa mo dito?"
Tanong ko.

"Mag c-cr. Bakit?"

Oo nga pala, ang tanga ng tanong ko ..magkatabi ang cr ng lalaki at babae. Nagkataon lang na papunta sya dito. Masyado naman akong Assuming na sinusundan nya ko.

"Rina, okay ka lang?"

Natauhan ako nang magsalita sya ulit

"Ah-eh.. Oo. Okay lang ako. Salamat nga pala,. Sige.. Una na ko. May gagawin pa kasi ako"

Nagmadali na kong maglakad papalayo sa kinaroroonan nya.

Bumalik na ko sa canteen kung saan kami umupo kanina ni Ayen.

Ano kayang nangyari sa bruhang to? Ba't nakangiti to mag isa?

"Ayen.! Okay ka lang?, anong nangyari sayo? Ba't para kang lutang dyan?"

"Eh kasi best. May lumapit sakin kanina. Tapos ang gwapo nya best! Nakipagkaibigan nga sya sakin tapos hiningi nya yung number ko"

"Ahh. Ganon ba? Tapos? Binigay mo naman?"

"Oo. Kinikilig ako best!"

"Tss. Ewan ko sayo. Lika na nga"

Umalis na kami sa canteen at pumasok na kami sa classroom namin. Syempre, magkaklase kami dahil parehas yung schedule na kinuha namin.

Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang I.D ko. Tinanggal ko kasi yun kanina nung kumakain kami.

Pero, wala.. Ha? Nawawala ang I.D ko. Naku naman..! Ang malas ko naman ngayong araw nato! Urrgggh!

Sinubukan kong bumalik sa canteen para hanapin ang I.D ko. Pero wala ee kaya pumunta naman ako sa cr baka sakaling nahulog yun dun kanina.

Hinanap ko ng paulit ulit pero, hindi ko talaga makita.

Di bale na nga lang. Kukuha na lang ulit ako ng bagong I.D bukas.


Pumasok na ko sa 1st subject namin ni Ayen at magkatabi kaming ng upuan.

Hindi pa dumadating ang teacher namin kaya naghintay kami saglit.

Napalingon ako sa pintuan nang may biglang pumasok na eatudyante. Parang tumigil ako sa pag hinga nang makita ko si Dave na pumasok.

Magkaklase kami? Sheyts naman!





5 votes guys  bago ako mag update.

Kaya ba?

Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon