Dave POV
Namasyal kaming tatlo nina Ayen at Rina kahapon.
Nagpapasalamat akong nagkasama kaming tatlo kahapon. At least ngayon alam ko na. Alam ko na kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
Sinamantala ko na ang pagkakataong titigan sya kahapon habang natutulog sya sa kotse ko. Sinubukan ko rin syang pagselosin nung hinalikan ko si Ayen.. Pero sa totoo lang? Siya ang naiisip ko nun. Alam kong nasaktan sya nung hinalikan ko si Ayen dahil nakita kong umiyak sya. Kaya nga bumalik na kaagad ako sa kotse para samahan sya. Hindi ko na muna sya kinausap kahit na gustong gusto ko dahil baka magalit lang sya sakin. Hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sya.
Napatunayan ko rin sa sarili kong hanggang ngayon ay mahal ko pa rin sya. Hindi ko naman ginustong madamay si Ayen dito kasi minahal ko naman talaga sya nung una. Oo mabait sya, maalaga at sobrang masayahin. Pero habang tumatagal na lagi kong nakikita si Rina, unti-unting bumabalik ang pagmamahal na sinayang ko lang noon. Dahil sa katangahan ko ay sinaktan ko sya at pinagtaksilan.
Alam kong masasaktan si Ayen sa gagawin kong 'to.. Pero ayokong umasa sya habang buhay. Ayokong umasa syang mahal ko rin sya.
Kaya mamaya, sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Kahit mahirap kailangan kong gawin to.
Kailangan kong itama ang mga mali ko.
_______________________________________________________________
Ayen's POV
Nandito na ako sa school at hinihintay ko ang pinakamamahal ko.. Si Dave.
Ilang sandali lang ay nakita ko na syang naglalakad papalapit sakin.
"Hi babe!"
Bati ko sa kanya at nginitian sya."Hello b-babe"
Anong problema neto at parang kinakabahan sya?
"Okay ka lang ba?"
"Ahm.. Oo okay lang ako."
"Ah ganon ba? Okay."
"Ayen? Pwede bang..."
Ayen? Bakit hindi nya ko tinawag sa endearment namin?
"Ha? Bakit?"
"Pwede ba tayong lumabas mamayang gabi? M-may sasabihin lang ako. Importante to."
Ano naman kayang sasabihin nya?
"Ay sus! Yun lang pala. Sure. Sunduin mo lang ako mamaya sa bahay."
Sabay ngiti ko sa kanya at ngumiti rin naman sya.
Pagkatapos nun ay nagpaalam sya saking umalis. Hindi ko naman naitanong kung saan sya pupunta kasi nagmamadali sya.
____________________________________________________________
Sabay na kaming nag lunch ni Rina . wala kasi si Dave. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko sya mahagilap kanina. As in, buong araw ko syang hindi nakita. Tinatawagan ko sya pero nakapatay naman ang phone nya.
Hindi ko nalang pinansin at en-enjoy ko nalang ang oras na kasama ko ang bestfriend ko. Sya lang talaga ang kakampi ko. Sya lang kasi ang pinagsasabihan ko ng problema ko. Hindi ko alam ang gagawin kung wala sya sa buhay ko.
Pagkatapos ng lunch break ay sabay kaming pumasok sa classroom namin at pag uwian naman ay sabay rin kaming umuwi.
Nang nasa bahay na ko ay inayos ko na ang sarili ko. Naligo na ako at nagbihis.. Nagpaalam na rin ako kay mama na lalabas kami ni Dave ngayon at pinayagan naman nya ko.
Hinintay ko nalang si Dave sa sala namin ang lamig kasi kung sa labas ko pa sya hihintayin.
Ilang sandali lang ay dumating na sya.
Nagpaalam na kami kina mama at umalis.
Nagdrive na sya at sobrang nakakabingi na ang katahimikan kaya ako na ang unang nagsalita.
"Babe? Saan tayo pupunta?"
"Ahm. Malapit na."
Bakit parang wala syang gana?"Ah. Okay."
Hindi nalang ako nagsalita ulit.
____________________________________________________________
"Andito na tayo."
Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang restaurant. Siguro dyan kami kakain ngayon.
Pumasok na kami sa loob at umakyat sa 3rd floor kung saan wala masyadong tao.
Umupo na rin kami sa isang table at nakita kong nakahanda na ang mga pagkain.
Kumain muna kami. Pero kanina ko pang napapansin si Dave na parang kinakabahan at sobrang tahimik.
"Dave? May gusto ka bang sabihin?"
Tumingin sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Oo Ayen. May sasabihin ako sayo. Sana wag kang mabigla."
Sa tono ng pananalita nya ay nakaramdam ako ng kaba.
"Ano yun Dave?"
"Sana maintindihan mo ko. Pinilit ko namang kalimutan sya ee. Pinilit ko talaga at pinilit ko ring mahalin ka pero, narealize kong niloloko ko lang ang sarili ko."
Awtomatikong napatulo ang mga luha ko sa sinabi nya. Hindi ppa rin ako nagsasalita at nagpatuloy sya.
"I'm sorry Ayen pero sa tingin ko, mahal ko pa rin si Rina hanggang ngayon."
Mas lalo akong naguluhan sa mga sinabi nya. Si Rina? Anong ibig nyang sabihin?
"Oo. Sya ang ex girlfriend ko na mahal ko pa rin hanggang ngayon. Monahal naman kita pero mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa kanya kapag magkasama tayong tatlo."
"Hayop ka! Niloko mo ko! Niloko nyo ko!!! All this time, ginagamit mo lang pala ako para magkabalikan kayo ni Rina?!!!"
Tumayo na ako at sinigawan sya. Wala na akong pakialam sa mga taong nakapalibot sa amin.
Bakit? Bakit ikaw pa Rina? Akala ko ba kakampi kita? Niloko mo ko!
"Hindi totoo yan Ayen. Hindi kita ginamit.!"
"Wag ka ng magsinungaling Dave! Pero itong tatandaan mo. Pagbabayaran nyo to.!!!"
Sana nag enjoy kayo..:)
Kitakits next update.
Votes and comkents po.
BINABASA MO ANG
Once Again
De TodoIt doesn't mean that when the relationship ended, also the feelings did. Destiny will find its way for the two of you to be happy again in each other's arms despite of the struggles and arduous things you might be facing.