Rina's POV
Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga nalaman ko tungkol sa nararamdaman ni Ayen para kay Dave.
Oo, masakit. Sobra.
Habang naglalakad ako papasok ng room ay may napansin akong nag titiliang mga estudyante. Lumapit ako para malaman ang nangyayari. Pero, nanlamig ako sa nakita ko.
Hindi na dapat ako lumapit pa dito.
Sobrang sakit! Napaka sakit na makita ang taong mahal mo na nililigawan ang bestfriend mo. Yung makita kong sinagot na ni Ayen si Dave? Parang nabasag ang puso ko.
Yung pakiramdam na hihilingin mong sana hanggang ngayon kayo pa rin? Sana hindi kami naghiwalay noon...
Tumakbo ako papuntang CR at dun na ko humagulgol ng iyak. Masakit talaga para sakin kasi hanggang ngayon sya pa rin ee.
Pero kailangan kong maging matatag. Malalampasan ko rin to.
Siguro, dapat ko ng tanggapin na kahit kailan ay hindi na magiging kami ulit ni Dave.
Pero, biglang sumagi sa isipan ko ang tungkol sa.. Sa isang lalaking nasaktan ko noon..
Flashback
"Rina, sana mabigyan mo rin ako ng pagkakataon kahit alam kong hindi ako mananalo kay Dave, kahit isang chance lang. Baka sakaling magbago pa ang isip mo"
"Patawad.. Hindi ko intensyong saktan ka.. ayaw ko lang umasa ka sa wala. Sorry talaga, sorry..."
"Okay lang. Wag kang humingi ng tawad. Naiintindihan kong mas mahal mo sya kesa sakin. Pero, wag kang mag-alala, andito lang ako lagi para sa'yo, para bantayan ka.. Sana maging masaya ka sa piling nya at sana rin hindi ka nya saktan."
Kasabay ng pagsambit nya ng mga katagang ito ay ang pag agos ng luha nya. Gustuhin ko mang bigyan sya ng pagkakataon, pero isa lang talaga ang dapat piliin..
------------------end of flashback----------------------------
Kung minsan ay napapaisip rin ako, paano kaya kung sya ang pinili ko? Hindi kaya nya ko sasaktan? Baka siguro hindi ako umiiyak ngayon.
Anywaysss, kailangan kong kalimutan lahat ng to. Hindi na dapat ako nagpapadala sa nakaraan ko.
Lumabas na ko ng CR at naglakad.
Pinilit kong lakasan ang loob ko nang makita kong papalapit sakin sina Ayen at Dave.
"Hi best!"
Masiglang bati sakin ni AyenKahit masakit ay binati ko pa rin sya..
"Hello best"
"May sasabihin ako best"
"Ano yun?"
Hinawakan nya muna ang kamay ni Dave bago sya nagpatuloy sa pagsasalita.
"Kami na na ni Dave.. :)"
Wala akong nagawa kundi ang umaktong masaya para sa kanilang dalawa.
"Ah ganon ba? Mabuti naman. Masaya ako para sa inyo."
Tinignan ko si Dave pero nakayuko lang sya at parang hindi nya ko matignan sa mata.
Bago pa man tuluyang bumuhos ulit ang luha ko. Sinikap kong magpaalam agad sa kanila at umalis na.
"Best. Sabay tayo mag lunch mamaya."
Narinig ko pang sigaw ni Ayen pero hindi na ko lumingon pa.
Eto't umiiyak nanaman ako.
Haay!Naglakadlakad muna ako bago pumasok sa room namin.
Alam ko kasing makikita ko nanaman sila.
Pagkapasok ko ay natanaw ko agad ang dalawa. Magkatabi sila ng upuan. Kaya sa pinakalikuran na ako umupo. Mukhang hindi naman ako napansin ng dalawa.
Pagkatapos ng klase ay lumapit sakin si Dave.
"Rina, okay ka lang ba?"
"Oo okay lang ako"
Kahit hindi naman"Napansin ko kasing tahimik ka. May problema ba? Wag ka ng malungkot. Andito naman kami ni Ayen. Andito naman ako."
Ang kapal ng mukha nyang sabihin sakin yun.
Nginitian ko nalang sya at hindi na nagsalita.
"Best, lika, lunch na tayo."
Hindi ko napansing nasa harap ko na pala di Ayen.
Hindi ko naman sya matanggihan kasi kahit ganun, mahal ko pa rin tung bestfriend kong to.
Tumango nalang ako sa kanya.
"Teka, asan si Dave? Andito lang yun kanina ah?"
"Hindi ko alam. Hindi ko sya nakita."
Maya-maya'y tumunog ang phone nya. Binuksan nya ang message at binasa ito.
"Ayy nagtext si Dave. Antayin nalang daw natin sya dito"
"Okay"
Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin bumabalik si Dave kaya nagdesisyon na akong umalis kasi may gagawin pa akong paperworks. Nagpaalam naman ako ng maayos kay Ayen at naintindihan din nya kaya pumayag na sya.
Pumuta ako sa locker ko upang kunin ang ibang gamit ko. Binuksan ko ito at may napansin ako..
Bulaklak??? Bakit may bulaklak dito? Kailan pa may tumubong rose sa loob ng locker ko?
Kinuha ko ito at napansin kong may nakasabit na papel kaya binasa ko ang nakasulat.
"Wag ka ng malungkot. Please?"
Kanino naman kaya galing to?
Sorry sa late update busy po sa school ee.
Votes and comments po^_^ ^_^
BINABASA MO ANG
Once Again
RandomIt doesn't mean that when the relationship ended, also the feelings did. Destiny will find its way for the two of you to be happy again in each other's arms despite of the struggles and arduous things you might be facing.