Rina's POV
Umupo sya sa harapan malapit sa pintuan.
Tiningnan ko si Ayen at hindi ko maintindihan kung bakit parang nakakita ng multo tong babaeng to.
Hindi ko na lang sya pinansin..
Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating na ang prof. Namin kaya nagsi upuan na ang lahat at nanahimik.
Habang nagsasalita ang prof. namin.. Hindi ako nakikinig.
Wala sa lesson namin ang utak ko dahil may iniisip na naman ako.iniisip ko si Dave.
Bakit ba ang lakas pa rin ng epekto nya sakin? Ako na nga ang nasaktan diba? Ako na nga ang iniwan pero bakit ganon? Sa tingin ko, mahal ko parin sya hanggang ngayon. Kailangan kong sabihin kay Ayen to.. Baka sakaling matulungan nya ko.
_____________________________________________________
"Best! Best!" Tawag sakin ni Ayen
"Oh bakit best?"
"Best yung tungkol dun sa guy na sinabi ko sayo? Kaklase natin sya best.. At inaya nya kong mag lunch kasama yung kaibigan nya. Sabi pa nga nya, isama ko raw bestfriend ko. Kaya Halika na. Samahan mo ko."
"Naku best, sorry ah.. Hindi muna 'ko makakasama sayo ngayon. Pinapauwi kasi ako ni mama. Sa bahay na lang daw ako mag lunch kasi umuwi yung pinsan ko ee.. Sorry talaga.. Di bale.. Saka nalang tayo mag usap Pagbalik ko. May sasabihin din ako sayo"
"Ahh.. Ganon ba best? Sige okay lang. Oh panu ba yan? Alis na 'ko may date pa ko ee..haha"
"Haha.. Loka loka!"
___________________________________________________
Pagdating ko sa bahay, nakita ko si mama at yung pinsan kong si Queenie.. Super close kami neto kasi sya lang naman ang ginawa kong diary nung mga panahong broken hearted ako kay Dave..
"Oh anak, nandyan ka na pala.. Halika na kumain na tayo.."
"Opo, andyan na"
Nag beso kami ni Queenie tapos ay kumain na kaming lahat.
_____________________________________________________
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na 'ko kaagad sa school.
Hinanap ko kaagad si Ayen at nakita ko sya sa isang bench malapit sa canteen..
"Hi best" bati ko sa kanya
"Oh.. Andito ka na pala best"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Hinihintay ko lang sya.. Nag cr lang. I mean yung ka date ko kanina."
"Ahh.. Ganon ba? Ahm best.. May gusto sana 'kong sabihin ee"
"Ano yun?"
"Naalala mo yung ki-nwento ko sayong ex boyfriend ko?"
"Oo best. Alam ko na 'yan. Sinabihan mo na 'ko ee. Iku- kwento ko muna yung nangyari kanina okay? Tapos mamaya na yang sayo"
Itong babaeng to oh. Nakakainis. Kung kailan may sasabihin ako, saka pa isisingit yung ka-churvahan nya.
"Okay sige na nga."
"Best, pakiramdam ko, inlove na ko sa kanya ee. Kasi ang bait nya. Gentleman tapos hindi boring kasama. Tinanong nya nga ako kung ano mga favorite ko at kung ano mga hilig kong gawin. Tapos marami pa kaming napag kwentuhan, kasama rin namin yung bestfriend nya ee..
Pano kung ligawan nya ko best okay lang kaya?"
"Ahh.. Ganon ba? Mabuti naman. Mukhang mabait nga yan best. Kung saan ka masaya, susuportahan kita."
"Talaga best?"
"Oo naman."
"Thank you best. I love you."
"I love you too."
At nagtawanan kaming dalawa.
Ilang saglit pa ay may nakita akong lalaki na papalapit sa amin. Mukhang pamilyar sya ee. Tinitigan ko nang husto at nang nasa malapit na sya ay napagtanto kong si Dave pala ito. Lumapit sya samin at nagsalita.
"Ayen, pasensya na natagalan ako."
"Okay lang 'yan. Nga pala best ipapakilala ko sayo si Alzter Dave. Sya yung sinasabi ko sayo"
Halos tumigil ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ni Ayen..
Ano? So ibig sabihin.. Si Dave at yung Guy na tinutukoy nya ay iisa? Ibig sabihin may gusto si Ayen kay Dave? Ganon din kaya si Dave kay Ayen?
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung Magiging masaya ba ko para kay Ayen. O masasaktan dahil yung taong mahal nya ay ang taong minsan ko na ring minahal...
... Votes and comments guys....^_^
BINABASA MO ANG
Once Again
AcakIt doesn't mean that when the relationship ended, also the feelings did. Destiny will find its way for the two of you to be happy again in each other's arms despite of the struggles and arduous things you might be facing.