Chapter 6 - Bad Day

294 9 4
                                    

Dedicated ko po itong chapter ko kay "FrustratedGirlWriter". Gustong-gusto ko ang mga stories nya. Kaya nga Excited ako lagi sa update nya.. heheheh. Ang gaganda kasi ng mga stories nya.

 Para po sa iyo ito, sana po magustuhan nyo. @FrustratedGirlWriter

Short update lang po ito.

Enjoy reading guys!!!

Janine POV

I looked at the people I bump into.

I was petrified.

 Ang lakas ng tibok ng puso ko……

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako masyadong makahinga. Is this one of my hallucination again?

“H…hon ko----------“

Then everything was black………..

Nagising ako sa isang kwarto. Puro puti ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may nagbukas ng pinto.  

Napatingin ako sa taong pumasok. Isang matangkad na lalaki ang nakita ko.

Napatingin ako sa mukha nito. He had a dark eyes, matangos din ang ilong nito. Tinignan ko ang kabuuan nito. Tama lang katawan nito na kahit nakawhite na T-shirt lang, pero ang lakas ng dating. Napahawak ako sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit nagrambulan nanaman ang tibok ng puso ko. Naputol ang pagtingin ko sa kabuuan nito ng magsalita ito.

 “Are you satisfied?” Mariin itong nakatingin sa akin.

“Huh?” napabalik ang tingin ko sa mukha nito

He smirked. “Im asking, did I satisfy you? Kasi kung makatingin ka parang gusto mo akong kainin ng buo.”

Namumulang napayuko ako. Ganun ko ba syang tinignan.

“Are you actually fainting kapag nakakakita ka ng sobrang gwapo?” Umiiling na sabi nito.

Napatingin ako dito. Masyado naman yatang bilib ang lalaking ito sa sarili nya. “Excuse me Mister it’s not wh-----“

“It’s Joseph.” Putol nito sa sasabihin ko sana. “You don’t have to explain yourself woman, sanay naman na ako sa ganyang tingin ng mga babae…. Anyway it’s not important anymore. Pero sana hindi ka nakaistorbo ng ibang tao because you’ve been negligent to yourself.  

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

“The doctor said you need some rest. Maaaring kulang ka raw sa tulog or masyado kang pagod. I think you should know how to take care of yourself." Tumingin ito sa table na katabi ng kama ko. "Nandun na lahat ng gamot na dapat mong inumin. Hinintay lang talaga kitang magising. But i have to go now, so, iiwan na kita dito.  Tumalikod na ito sa akin at papaalis na….  Ng humarap ulit ito sa akin.

“And oh by the way, you don’t need to worry about the bill. I paid it already. You don’t have to pay me back, isipin mo nalang na tulong ko na sayo iyon.” Saka ito umalis ng tuluyan.

Nakanga-ngang naiwan ako mag-isa sa loob ng kwarto. Nakakainis yung lalaking iyon. Napakayabang nya. Kala mo naman kung sinong gwapo. Anong akala nya sa akin pulubi. Haysssstttt…..

Napatingin ako sa nilabasan nito. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng puso ko ng makita ko sya. It's was like a... same feeling when I met Nathan. Erase... Erase.. Erase... Napapiling ako sa iniisip ko.

Siguro dahil kulang lang ako sa tulog kaya ganito nalang ang tibok ng puso ko ngayon. Siguro nga ganun iyon.

Hindi ko na rin naman makikita pa yung lalaking mayabang na iyon. Sana nga…….

------------------

“Ui Janine nalaman mo na ba ang balita?” Tanong sa kin ni Amity.

Napakunot naman ako ng noo. “Balita? About san?”

“Sabi kasi ng iba na papalitan na ang CEO. At ang sabi bata pa raw at ang pogi.” Kinikilig na sabi nito

I smiled. “Baka naman mukhang bata Lang pero matanda na pala ang edad. Alam mo naman ngayon nadadaya na minsan ang mukha.”

Sumimangot naman itong bigla. “Grabe ka naman, basta pag pogi ang CEO aakitin ko iyon. Natatawang sabi nito

Napatawa nalang din ako sa kalokohan nito. Nakarating na rin naman sa kaalaman ko na papalitan na yung CEO. Kaya yung ibang empleyado ay kinakabahan syempre kasama na ako dun. Hindi kasi namin alam kung magtatangalan ba. Ang alam lang namin ay walang nakuhang project ang kompanya. Sana lang yung papalit na CEO ay mabait.  Wala sanang matanggal na empleyado.

----------

Ngayong araw ang dating ng bagong CEO, lahat ng empleyado ay busy. Yung mga babae nagpapaganda, kasama na dun si Amity. Yung mga Manager naman ng bawat department ay todo prepare sa kanilang presentation. Gusto lang naman nilang magpa-impress.

“Janine, nandyan na raw yung CEO.” Excited na sabi ni Amity

Nangingiting umiling nalang ako dito.

Hindi nga nagtagal ang department na namin ang pinapakita ng aming HR Manager. Nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang bagong CEO.  

Mataman itong nakatingin sa akin… then he smirked…..

Patay na ako…. :'(

Author’s note:

Try to vote and comment po.

Godbless!!! 

Heart of EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon