Chapter 4 - The Decision

294 6 0
                                    

Dedicated ko to kay bebe Cathy ko na busy sa Zumba at Yoga.. hahaha Love you bebe.. :)

Actually nag-gagawa na rin sya ng story nya.  Lakas kong makaimpluwesya... hehehe

Goodluck "pinchmecathy" sa iyong story. AJA!!!

Habang binabasa nyo ito, try nyong pakinggan yung kanta na “Breath Again” ni Sara Bareilles.

Nakakaiyak yung kanta na iyon.

Enjoy reading guys!!!

Quote:

Sabi nila ang PAGMAMAHAL daw ay parang laro. Kahit TALO ka na pipilitin mo pa ring lumaban…. Pero paano kung alam mong sa simula pa lang wala ka ng laban? Pipilitin mo pa rin bang lumaban kahit wala ka naman dapat ipaglaban?

------------------

Janine POV

Kinabukasan, kahit mugto ang mata ko ay pinilit ko pa ring pumasok. Ayokong magmukmok sa bahay at umiyak lang ng umiyak.

Nakapagdesisyon na ako….. Gagawin ko yung alam kong tama.

Pagbukas ko ng pinto isang boquet ng roses ang bumungad sa akin. Napakunot noo ako. Isang nakangiting Nathan ang tumambad ng alisin  nito ang roses na nakatakip sa mukha. “Goodmorning Hon ko”. Masayang bati nito.

“Na-Nathan!!!” Gulat na sabi ko.

Nawala ang ngiti nito ng Makita ang mata ko. “Bakit mugto ang mata mo?”. Nakakunot ang noong tanong nito.

“A-ahmm… pinanood ko kasi ulit yung One More chance kagabi.” Palusot na sagot ko.

Nagsalubong ang mga kilay nito. “Talaga???”

“Oo nga!”. Alanging ngiti ko dito.

“Okey, sabi mo eh. Here For you.” Iniabot nya yung bulaklak sa akin at hinawakan nya ang mukha ko. “I miss you so bad.” Saka ako hinalikan sa labi.  Ang lambot ng labi ni Nathan. Matagal bago bumitaw sa halik si Nathan halos kapusin kami ng hininga. Dinikit nya yung noo namin sa isat-isa. “I Love you”.

Napangiti ako. “And I love you more Hon ko.”

Nagnakaw pa ito ng isang halik bago hinawakan ang kamay ko papunta sa kotse nito. Pinagbuksan nya ako ng pintuan saka inayos ang seatbelt ko. Pumunta na ito sa driver seat, pero hindi pa rin nya pinapaandar ang sasakyan. Tumingin muna ito sa akin.

“Mamaya susunduin kita ah. I want to try the new restaurant that I know.”

Tumango lang ako dito at tumingin sa labas ng bintana.

Napabuntong hininga ito. “May problema ba?” 

Napatingin ako dito. Hinawakan ko ang pisngi nito. “Wala,, napuyat lang ako kagabi dahil sa One More Chance.” Nangingiti kong sabi.

“Ouch..” Pinisil kasi nito ang ilong ko.  

“Masyado ka kasing seryoso. O baka naman nabitin ka lang sa kiss ko sayo..” kumikindat pa nitong turan.

Namula ang mukha ko.

“Ui namumula ang hon ko,” panunukso nito sa akin. Saka tumawa ng malakas.

“ARAY!!” Hinampas ko nga sa braso. “Ito naman hindi na mabiro. Lika na nga yakapin na kita.” Niyakap ako nito ng mahigpit.  “Hmmmm ang bango talaga ng Hon Ko.” Inaamoy-amoy nito ang buhok ko. “Wag ka ng malungkot. Yaan mo mamaya mas tatagalan ko pa ang kiss ko sayo.” Bulong nito, saka tumawa ng malakas.

Heart of EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon