Chapter 3 - The Confrontation

384 3 0
                                    

Dedicated ko po ito kay "RainbowColoredMind", kasi ang galing nyang writer. Isa ang mga stories nya ang inaabangan ko ang update.

Enjoy reading guys...

Janine POV

Lumipas ang isang linggo simula ng magpropose sa akin si Nathan. Naging Masaya ang mga sumunod na mga araw namin. Kung minsan ay napag-uusapan namin yung tungkol sa pagpaplano para sa kasal namin kahit wala pa kaming exact date. Ngayon ngang araw na ito ay papunta ako ng mall para sana magtingin-tingin.

Papalabas na ako ng apartment ng bigla akong matigilan. Isang babae ang nasa harap ko ngayon. For me, she’s one of a gorgeous woman and she’s so elegant. Makikita mo talaga sa kanya na maykaya sya sa buhay. And I know her. She's Krisha Estrada.

“Your Janine right?” Tanong ng babae sa akin.

Tumango lang ako bilang sagot.

“Pwede ka bang makausap?”

“O-ok lang.” parang may bara sa lalamunan ko.

Pumasok na kami sa loob at pinaupo sya sa sofa. “Kuha lang ako ng maiinom natin?”

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng juice. I don’t know what she wants from me. Kinakabahan ako sa maaaring kapuntahan ng pag-uusap naming dalawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako bumalik sa sala. Pagkatapos kong ibigay ang juice nito ay umupo ako sa upuang katapat nito.

“Siguro kilala mo na ako.” Simula nito. Actually hindi ako nandito para manggulo or awayin ka.” Mataman itong nakatingin sa akin.

“Kung ganun, ano ang kailangan mo sa akin? Gusto mo bang hiwalayan ko sya?” May katigasang tanong ko sa kanya. May inabot itong envelop sa akin. Nagtataka man ay kinuha ko ito at binuksan. Napakunot ang noo ko sa nakita. It was our picture when the time Nathan proposed to me. “Pinapasundan mo ba kami?” nakatinging tanong ko sa kanya.

Umiling sya. “When I saw that picture, feeling ko napawalang kwenta kong asawa, since Nathan was very happy in that picture. Hindi ko pa sya nakikita na ganyan kasaya simula ng ikinasal kami.” Malungkot na sabi nito . “Even that our marriage is just an arrangement because of business but it doesn’t mean that I don’t love him. I love Nathan even before our marriage. High school palang ako mahal ko na sya. Kaya mas nauna akong mahalin sya kesa sayo.”

“P-pero ba----“ pinutol nito ang sasabihin ko.

“Akala ko kapag kinasal na kami matututunan nya rin akong mahalin. Hinintay ko ang pagkakataon na iyon, but I was wrong.” Mapait itong napangiti. “Mukhang hindi na yata darating pa yon dahil nandyan ka na. I know he loves you so much and it hurts me a lot.” May lungkot sa mga mata nito.

“So-sorry!” nakayukong sabi ko. Iyan lang ang masasabi ko sa kanya ngayon dahil kahit anong mangyari hindi ko hihiwalayan si Nathan.

She sighed. “Wala naman na akong magagawa eh. Mahal ka na ni Nathan." She paused. "Pero ikaw may magagawa ka pa.” Mataman itong nakatingin sa akin.

Napakunot ang noo kong tinignan sya. “Anong ibig mong sabihin?”

“Kung si Nathan ang kakausapin ko para layuan ka nya, alam kong hindi nya gagawin iyon.” Diretsang sabi nito.

 “Ha? Pero paano ka naman nakasisiguro na lalayuan ko si Nathan?” Nagtatakang tanong ko dito.

“Dahil dito.” Inabot nito sa akin ang isa pang envelope. Nanginginig ang kamay kong kinuha iyon. Natatakot akong buksan iyon but I need to. I stiffened when I open the envelop.

Heart of EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon