Chapter 8 - Better Late Than Never

221 5 0
                                    

Dedicated ko po itong chapter na ito kay “jonaxx”. Ganda po ng mga stories nya. Isa ang mga stories nya ang hinihintay ko ang updates.. hehehehe

Sana po magustuhan nyo itong chapter na ito, kahit madalian lang.

Enjoy reading guys!!! ^____^

Janine POV

Lumipas ang isang buwan na naging busy ang lahat dahil na rin sa adjustment sa bagong CEO. And speaking of CEO, halos laging wala ito sa office, maybe because busy ito sa mga meetings and also ginagawa nito ang lahat para maisalba ang kompanya.

Pero sa ngayon, kailangan ko ng magmadali dahil late na ako. Kung bakit naman kasi tinanghali ako ng gising. I don’t understand myself kung bakit naglalaro sa isip ko kagabi si Brent. Hayyy, kung bakit naman kasi nakita ko pa yung lalaki na yon. Nagulo tuloy ang nanahimik kong mundo.

“Goodmorning Janine.” Bati ng guard sa akin.

“Goodmorning manong, una na po ako late na.” sabi ko na tumatakbo papunta sa elevator. Pasara na sana ang elevator ng harangin ko ito, buti nalang nakaabot ako. “Oooowww, thanks.” Nakangiting sabi ko dun sa operator. Hiningal ako sa pagtakbo tas nagulo pa ang buhok ko. I was fixing my hair when I heard a voice from my behind.

“Goodmorning Ms. Bernardo!” Kahit hindi ako lumingon kilala ko kung kaninong boses iyon. Hindi ko sila napansin kanina pagpasok ko dito sa elevator, dahil na rin siguro sa kamamadali ko.

Alanganing lumingon  ako sa likod ko at inihanda ko na ang fake smile pagharap sa kanya. “G-goodmorning S-sir.” bati ko kay Brent Joseph. Sa dami ba naman ng pwede kong makasabay ito pang hambog na lalaki na ito.

Mataman lang itong nakatingin sa akin. “Marlon what time is it?” Tanong nito sa Assistant nya.

“It’s already 8:35am Sir.” sabi ni Marlon

“Tell to Mr. Ryu to come to my office and also you Ms. Bernardo.” His voice was cold.

 “O-ok sir.” nauutal na sabi ko dito. Patay nanaman ako nito. Bakit kasi ngayon pa ako tinanghali ng gising.

Tahimik na kami habang lulan ng elevator although nararamdaman kong nakatingin sa likod ko si Brent. Ng makarating na sa floor namin, nagpaalam na ako dito.

“I’m expecting you to my office.” Pahabol na sabi ni Brent.

Hindi na ako nakasagot dahil sumara na ang pinto ng elevator. Ng makarating ako sa table ko, agad na lumapit si Amity. “Bakit ngayon ka lang?”

Tumingin ako dito.” Tinanghali ako ng gising eh.” Then I pout.

“Hinahanap ka ni Mr. Ryu, mukhang galit. Pinapatawag yata sya sa office ng CEO.”

Bigla akong napatayo. Oo nga pala pinapapunta ako sa office ng CEO.  “Mauna na ako Amity ha?” Nagmamadaling umalis ako ng upuan ko

Pagkarating ko sa palapag ng opisina ng CEO ay sumalubong sa akin ang secretary nya na si Lalaine. “Naku Ms. Janine, kanina pa po kayo hinihintay ng CEO.” Parang kinkabahan na sabi nito. Pinapasok nya ako agad.

“I don’t like my people will come here at late. They should know their working hours.  Now I know kung bakit bumagsak ang kompanyang ito, because of those irresponsible employees who came here late.”  Sigaw ng Brent ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto.

Napatingin sila pareho sa akin.”Oh, you’re here Ms. Bernardo. Have a sit.” Painsultong sabi nito.

Nakayukong umupo ako sa upuang nasa harap ng table nito. Katapat ko si Mr. Ryu at nakikita kong masama ang tingin sa akin.

“Now Mr. Ryu, report to me the attendance of all the employees for this month. You may leave now.” Using his authoritative voice.

Tumayo rin ako pagkatayo ni Mr. Ryu ng magsalita si Brent. “Only Mr. Ryu will leave, Ms. Bernardo you will stay here.”

“O-Ok sir.” I said nervously. Umalis na si Mr. Ryu at naiwan akong mag-isa na nakaupo sa harap nito.

Pinaglalaruan ko ang kamay ko habang naghihintay sa sasabihin ni Brent. Pero lumipas na ang limang minuto ay hindi pa rin ito nagsasalita. Ng tignan ko ito ay mataman lang itong nakatingin sa akin na parang inaalisa ako. Nag-iwas ako ng tingin dito at yumuko.

Narinig kong bumuntong hininga ito. “Palalampasin ko ito sa ngayon Ms. Bernardo, but you have to make sure that it will not happen again. Is that clear? “

“Ok sir.” Nakayukong sabi ko dito.

“Now, I want you to fix your things, because starting tomorrow you will replace Ms. Lalaine as my secretary.”

Napatingin ako dito. “Po?”

“Do I need to repeat myself?” Medyo tumaas ang boses na tanong nito.

“Pero si----“. Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ito.

“I spoke to Mr. Ryu about this matter.” Tumigil ito saglit.” Why Ms. Bernardo, are you objecting my decision?”

 “Hindi naman po sa ganun sir, pero parang biglaan naman po yata at marami naman pong mas deserving maging secre--- “

“Pinapangunahan mo ba ako Ms. Bernardo? I’m the CEO here, so kung ano man ang desisyon ko iyon ang masusunod.” Galit na sabi nito.

Wala na akong sinabi, tumahimik nalang ako at wag na itong patulan. Alam ko rin naman na wala akong magagawa.

“I’ve decided, you will be my secretary starting tomorrow.” Mariing sabi nito.  Pumunta ito sa likudan ko then he leaned forward.

I gasped as I felt his breath on my ear. “Don’t worry Ms. Bernardo, hindi naman ako nangangain.”  

Author’s Note:

Magsisimula na ang war between Janine at Brent. Abangan…..

Ang saya lang, kasi wala kaming pasok ng tatlong araw.. Yeheeeyyyy ^____^

Try to vote and comment po.

Godbless!!!

Heart of EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon