One

18 1 0
                                    



"Hanna!"

Napalingon ako mula sa kinatatayuan ko. Sa wakas, nandito na sila. Ayoko talaga ng pakiramdam ng tumatayo sa isang crowded na lugar gaya nitong stasyon ng MRT, tapos pinag titinginan ako ng mga taong hindi ko naman kilala.

"Carlo! Pusang gala! Ang tagal nyo naman. Inaamag na ko dito!" Bulyaw ko sa kanila habang bumababa ng hagdan para salubungin sila.

"Naiilang ka nanaman ba sa mga tao sa paligid mo?" Bati naman ni Harold sa akin. Wala na syang pinag-bago.

"Ang judgmental kasi ng mga tao dito sa Pilipinas. Hindi nila kaya i-digest ang porma ko." Ang sagot ko.

Halos normal naman na ang ayos ko, white spaghetti strap sando, black leather pants at jacket, spikey chocker at mga bracelet, tag limang hoops na earing sa magkabilang tenga, at dark red na lipatick. Normal na yan para sa akin, dahil mas malupit pa ang suot ko pag tumutugtog kami dati sa pinanggalingan namin.

"Dito sa manila, dapat mong matutunan mag casual. Wag ka mag alala, tulungan ka namin ni Carlo mamili ng damit mo. Pwede mo parin naman magamit yang mga PUNK-kista mong pormahan, lalo na pag tumugtog na tayo uli." Sabi ni Harold pagkatapos nyang kunin ang travel bag ko at iabot kay Carlo ang guitar bag ko kung saan naka lagay ang napakahalagang gitara ng buhay ko.

Mga ka banda ko nga pala si Carlo at Harold nung nasa Cavite pa kaming lahat. Nag aral kami sa iisang College School, Mas matanda nga lang sila sa akin ng dalawang taon kaya mas nauna silang grumaduate at maka hanap ng trabaho dito sa maynila.

Registered Nurse si Carlo at nag tratrabaho sa isang kilalang ospital dito sa maynila, samantalang si Harold naman ay nagtratrabaho sa isang construction firm bilang isang architect.

Two months after graduation, nag desisyon na akong sumunod sa kanila dito. Sa totoo lang, sila lang ang pamilya ko. Ulilang lubos na ako simula Second year highschool. Namatay ang mga magulang ko after ma ambush ang sinasakyan nilang kotse nuong nag punta sila sa isang liblib na bahagi ng Cavite. Chief of police ang Papa ko sa cavite habang abugado ang Mama ko. Papunta sila sa isang kliyente ni mama nang bigla silang tambangan at paulanan ng bala ng mga armadong lalaki.

Ang pamilya ni Harold ang tumingin sa akin habang gumugulong ang imbeatigasyon bilang matalik na kaibigan ni Papa si tito Jude, ang papa ni Harold.

Habang lumalakad ang mga araw, sila Harold, Carlo, at ang isa pa naming kabanda, si Franco, ang naging kasama ko habang pilit kong inilalayo ang sarili ko sa mga naawang mata ng mga tao. Mag kakaibigan na sila nuon pa man, at sa una, inisip ko na naaawa lang sila sa akin kaya nila ako hindi nilulubayan.

Pero buti nalang hindi nila ako sinukuan. Sumampa na silang tatlo ng kolehiyo pero hatid-sundo parin nila ako sa school at sa bahay. Hanggang grumaduate ako ng highschool, sila ang kasama ko. Si tito Jude at tita Samantha ang nag sabit ng mga medalya ko. Pagkatapos na pagkatapos ng graduation ko, lumabas na kung sino ang may sala sa ambush ng mga magulang ko. Nabigyan naman sila ng hustisya dahil najpakulong ang nga may sala at hindi na kami nangangamba na may bumalik pa para tuluyan din ako.


Nakapag patuloy ako ng pag aaral dahil narin sa mga naiwan at naipon ng mga magulang ko. Kumuha ako ng kursong BS Computer Animation, Drafting and Design. Freshman ako samantalang Junior naman sila Carlo, Harold at Franco. Magkakaiba man kami ng kurso at oras, nasimulan parin namin ang pag babanda. Matagal na silang magkakasama at tumutugtog ngunit walang tumatagal na vocalista dahil jinu-jowa ni Carlo, tapos lolokohin kaya nag qui-quit ang mga nakukuha nila. Sa kanilang tatlo kasi, si Carlo ang pinaka gwapo, at un ang excuse nya para mambabae. Simula ng tumungtong ako ng kolehiyo, ako na ang kinuha nilang bokalista. Bukod daw kasi na sanay na sila na ako ang kasama sa jamming nung mga bata pa kami, hindi daw ako tataluhin ni Carlo dahil si Harold at ang pamilya nya ang makakalaban nito.

At duon nga kami nag simula. Lumalaban kami sa mga battle of the band na madalas naming maipanalo o first runner up. Kilala din kami sa buong campus na naging daan upang araw araw kaming makatanggap ng regalo at love letters mula sa mga fan. Dalawang taon din na pinag harian namin ang rock stage ng campus tuwing campus festival at ang stage ng mga battle of the band around cavite, hanggang nga sa grumaduate silang tatlo at naiwan akong mag isa sa school. Nakakatugtog nalang sila nuon kapag nasaktuhang walang silang trabaho sa araw ng school festival.

"Hanna, san mo gustong kumain?" Tanong sa akin ni Harold habang nag mamaneho ng kotse nya. Nasa tabi nya sa passenger seat si Carlo at naka tingin sa akin.

"Nag de-day dream ka nanaman jan." Pang asar ni Carlo. Mukhang kanina pa nila ako kinakausap ngunit tulala ako sa labas ng bintana habang tinitignan ang mga nag tataasang building na nadadaanan namin.

"Ah? Pasesnya na." Ang sagot ko at ibinaling ang tingin sa kanila. "Hindi naman ako pamilyar dito kaya kayo nalang ang bahala." Pag papatuloy ko.

Sumandal ako sa sandalan ng back seat at hinalukay ang bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko para i check kung nag message ba si tita Samantha.

*Nakarating ka na ba, anak? Tawagan mo ako pag nasundo ka na ni Harold* basa ko sa mensahe ni tita.

Agad ko syang tinawagan upang ipaalam na nasa kotse na nga ako ni Harold. Kinamusta nya kaming lahat na nasa kotse bago nagpa alalang mag iingat kami at tsaka nag paalam.

Pag baba ko ng telepono, lumiko na ang kotse sa isang maliit ngunit mukhang mamahalin na restaurant. Ipinarada ni Harold ang kotse sa parking lot at bumaba na kami. Pag pasok namin sa loob, agad kong iginala ang mata ko. Astig ang interior. Punk rock ang dating. May mga nakasabit na electric at bass guitar, meron ding mga drum sticks, at posters ng mga kilalang banda na nakakain na dito. Sa gitna ng kaliwang pader kung saan naka sabit ang mga picture ng mga sikat na kumain na dito ay may pamilyar na larawang naka sabit. Agad ko itong tinitigan habang dahan-dahang nilalapitan.

"Welcome to Hype, Hanna." Sabi ng tinig mula sa counter ng restaurant. Napalingon naman kaming lahat sa nag salita.

Lumapit sya sa amin habang tinatangal nya ang black nyang apron at pinupunasan ang kamay nya. Naka ngitj lang sa akin si Harold at Carlo habang di ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nandito na pala sya ulit sa pilipinas. Hindi ko sukat akalaing nandito sya.

"Miss me?" Sabi nya nang maka tayo na sya sa harapan ko.

Agad ko syang tinalon at niyakap. Wala syang pinag bago. Maganda parin ang pangangatawan nya. Ang tatoo nya sa kanang braso ay astig paring tignan. Halata nga lang na nagpahaba sya ng buhok dahil naka tali ang hangang balikat nyang buhok sa likuran ng ulo nya. At nag ahit na rin sya ng balbas at bigote nya.

"Namiss talaga kita, Franco!" Ang sabi ko habang naka lambitin sa kanya.

Nasilip ko naman sila Carlo at Harold. Nagka titigan silang dalawa at parang may guilt sa mata nila habang niyayakap ko si Franco. Hindi ko nalang sila pinansin dahil masaya akong makitang muli ang taong ito.

Ang taong isa sa naging matibay na sandigan ko nuon. Ang taong nag bigay insperasyon sa akin upang maging maayos ang buhay ko.



Ang taong naging first love ko.

HANNAWhere stories live. Discover now