Six

14 2 0
                                    

Six


(Hanna's POV)


Narinig ko na dating na sila Harold, Carlo, Franco at Stephanie after 30 minutes. Hindi parin ako lumalabas ng kwarto ko dahil sa damit na pilit ipinasuot sa akin ni tita Samantha.

Sobrang nahihiya ako sa suot ko. Syempre, semi formal ang theme ng party ni tita kaya expected na na mag dre-dresa ako, pero imbis na ang binili kong simpleng black knees length drrss na fit sa katawan ko ang isusuot ko, pinilit ako ni tita na isuot ko daw itong binili nyang damit para sa akin.

Kumatok si Carlo kanina para kunin ang bag nya sa kwaro ko pagka dating nila pero imbis na pag harapin ko sya ay bahagya ko lang binuksan ang pinto at inihagis palabas ang bag nya. Nagalit sya pero agad ko lang syang pinag sarhan ng pinto.

30 minutes na nga ang nakakalipas ng makatapos akong mag bihis. Kinakabahan talaga akong lumabas. Honestly, natatakot ako sa suot ko, hindi naman kasi ako sanay mag suot ng ganitong kagarbong damit. Okey na sana sa akin yung turtle neck na dress na binili ko, kaso si tita talaga ang kulit.

Ilang beses ko ring pinag masdan ang sarili ko sa salamin sa loob ng kwarto ko at kahit anong ikot ko, napapa iling at buntong hininga parin ako. Ayoko na talagang lumabas. Hay nako.

Maya maya, may kumatok nanaman sa kwarto ko. Pinaglagkitan ako ng pawis aa noo, kung si tita man ang nasa pinto, tapos ang maliligayang araw ko.

"Hanna, hinahanap ka na ni mom. Hindi ka pa daw ba bababa?" Si Harold, sya ang kumatol sa kwarto ko.

Hindi ako sumagot. Ayoko talagang lumabas. Gusto ko nalang magkulong dito kaysa lumabas at pagtinginan ng mga tao dahil sa damit na 'to.

Muling kumatok si Harold mula sa labas, pero ngayon ay mas malakas na at may pag aalala na sa boses nya.

"Hanna?! 'di ka pa ba lalabas? Bakit di ka sumasagot diyan? 'Wag mo hintayin basagin ko ang pintong 'to!" Medyo malakas na pagkakasabi nya habang pinipihit pihit ang doorknob ng pintuan ko na naka lock.

Napa balikwas ako mula sa pagkakatayo sa harapan ng salamin at napa lapit ng mabilis sa likod ng pintuan. Kahit sabihin na close kami ni Harold, nirerespeto ko parin sya bilang nakakatandang kapatid, at isa pa, takot ako sa kanya kapag nag simula na syang mag sungit dahil ang lalim at sobrang lalakeng lalake ang boses nya.

"Hanna!" Ulit nyang tawag habang kinakatok ang pintuan mula sa labas.

"Teka lang! Heto na!" Mahina kong sabi. Marahan kong binuksan ang pintuan ngunit naka tago parin ang katawan ko sa likod nito. Tanging ang ulo ko lang ang nakikita ni Harold.

"Ano ba kasing ginagawa-- teka? bakit ka nag tatago?" Ang sabi ni Harold, naputol nyang sabi dahil napansin nyang naka silip lang akp aa kanya.

"Kasi.. Ano.. Si tita kasi.. Ano.." Nauutal kong sabi. Hindi ko mapigilang mamula habang di ko masabi ang problema ko sa kanya.

"Ano nga?!" Iritang sabi nya. Nakatingin lang ako sa sahig habang mukhang tanga na naka tago sa likod ng pintuan ang katawan ko. Nakita kong nag tatapik ang kanang sapatos nya sa sahig, senyales ng kawalang tyaga sa paghihintay ng sagot ko.


"Tita Sam gave me a dress and force me to wear it. Ayoko talaga sya, pero nahihiya ako kay tita." Sabi ko sa kanya, dahan dahan kong inangat ang tingin ko at nakita ko syang naka deep blue na long sleeve polo. Inirolyo nya ang mangas noon hangang sa siko nya. Naka itim din syang tailored pants at itim na pointen leather shoes.

Ang gwapo nya. Naka dagdag pa ang itim nyang salamin sa kakisigan ng tindig nya. Mature na mature na talaga si Harold. Hindi nakakapagtakang maraming nagkaka gusyo sa kanya.

Pakiramdam ko, lalo akong namula ng pagmasdan ko sya.

"Ano ba kasing pinasuot sayo ni Mom? Patingin nga!" Sabi nya at bigla nyang kinabig pabukas ang pinto.

Napa atras naman ako at nawalan ng balanse dahil sa pagkakatama ng pintuan sa akin. Hindi ko alam ang uunahin ko sa sobrang gulat. Kung tatakpan ko ba ang mukha ko, ang damit ko, o isasanggalang ko ang kamay ko para hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig.

Mabilis ko namang nakita si Harold na kumilos papasok bg kwarto upang isalba ako sa napipinto kong pag hampas sa sahig ng kwarto ko...

-------

(Harold's POV)


"Ano ba kasing pinasuot sayo ni Mom? Patingin nga!" Ang sabi ko kay Hanna. Agad kong itinulak ang pinto ypang makita ang suot nya.


Napalakas pala ang pagkaka kabig ko. Mabilis kong nakita si Hanna na nawalan ng balanse dahil sa pagkaka tama ng pintuan sa kanya.

Sa isang iglap, hinawakan ko ang kamay nyang naka turo sa dereksyon ko at hinila sya pataas upang hindu sya tuluyang bumagsal sa sahig. Tumama ang katawan nya sa akin at agad ko namang sinalo ang likuran nya para sa balanse.

Naka yuko ako sa kanya habang tinitignan ko syang naka pikit sa dibdib ko. Pinagmamasadan ko syang maigi. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero may naramdam akong kakaiba habang naka yakap kami sa isat isa. Hindi ko mapigilang titigan sya, hindi ko maalis ang mga maya ko sa kanya.


Unti unti syang nag dilat ng mata, unyi unti nya ring itinaas ang mukha nya upang tigna ako. Namumula sya. Ang pisngi at tenga nya, parang uusok na.

Nagka titigan kami ng mga dalawang sigundo bago kami nag bitaw at nag layo. Pareho kaming napayuko sa sahig. Napakamot ako ng ulo habang sya nman ay napa hawak sa mga siko nya.

Sandali kaming nanahimik bago ko sya muling tinitigan. Naka yuko parin sya at mejo natatakpan ng bangs nya ang mukha nya.

Pinag masdan ko ang damit nya.

Naka pulang pula syang dress. Sleeveless yun, at heart shaped yung banda sa dibdib, tapos may itim na laso sa kanyang bewang na naka laso banda sa tagiliran. Tung palda nya ang naka baloon, parang tutu dress ng mga ballerina. Naka itim sya na gwantes at itim din na 3 inch heels. Naka lugay lang ang buhok nya, prroeron syang itim na laso sa ulo na nagsisilbing headband nya. Meron fin iyong pulang rosas banda sa kanan.

Sobrang ganda nya. Kitang kita ang ganda ay hubof ng katawan nya. Nalaman ko narin ang dahilan bakit sya nahihiya sa suot nya. Ito ay dahil kita ang collar bone nya, at ang cleavage nya. Alam ko manipis at maikli sya manamit pag pang bahay, pero ibang usapan na kapang party ang pupuntahan.

Nag angat sya ng ulo at agad kong inalis ang mga mata ko sa pag tingin ng hubog ng katawan nya. Tumingin ako sa kanya ng mata sa mata. Namumula parin sya.

How cute.

Hinintay ko syang magsalita pero walang lumabas sa bibig nya, kaya naman ako na ang bumasag sa katahimikan.


"Magnda ka sa suot mo, Hanna. Bagay sayo." Naka ngiti kong sabi sa kanya.

Nakita kong nagka ningning ang mga mata nya. Natatalot siguro syang maliitin ng mga anak ng mga bisita ni mama na nasa ibaba na, kaya ng narinig nya ang compliment ko ay nabuhayan sya.

"Halika na. Hinigintay ka na sa baba." Aya ko sa kanya. Inilahad ko ang kamay ko upang alalayan sya at samahan sya sa pag baba nya sa pool area.

Ngumiti sya sa akin at inabot ang kamay ko. Inilagay ko iyok sa bandang siko ko at sabay na kami naglakad ng maisara na nya ang pintuan ng kwarto nya.

Tinititigan ko sa habang nag lalakad kami sa pasilyo palapit sa hagdan. Kita ko parin ang kaba sa mukba nya. Kaya naman hinawakan ko ng magigpit ang kamay nya na nag dulot ng muli nyang pag tingala sa akin.


"Akong bahala sayo, Hanna". Saad ko, habang naka ngiti ng sinsero sa kanya.

HANNAWhere stories live. Discover now