Two

19 1 0
                                    



Hinawakan ni Harold ang katawan ko at binitbit upang maalis ako sa pagkakayakap kay Franco. Para akong bata na inalis nya sa pagkaka kunyapit sa laruang ayaw ibili sa akin. Gusto ko mag reklamo sa ginawa nya. Sa pagkaka alam ko, alam nilang dalawa na may gusto kami ni Franco sa isa't isa, dati pa, ngunit nakaka gulat lang na ngayon eh parang diring diri silang makitang niyayakap ko si Franco.

Mag sasalita na sana ako upang magalit nang biglang may tumawag kay Franco mula sa counter.

"Franco!" Malambing na banggit ng babae sa pangalan nya habang papalapit sa amin.

Nilingon namin sya ng sabay sabay. Naka ngiti silang tatlo habang ako clueless kung sino sya. Maganda sya, sexy, at halatang mayaman.

Lumapit sya kay Franco at inilapag ang kamay nya sa balikat nito. Napa kunot ako ng nuo ng hawakan ni Franco ang kamay nung babae sa balikat nya at ibaba ito upang hawakan ito ng mas mabuti.

"Hanna, I want you to meet Stephanie. Stephanie, this is Hanna, ang vocalist ng banda naming Hype." Pakilala ni Franco sa babaeng ka holding hands nya.

Inilahad naman ni Stephanie ang kamay nya, inabot ko ito upang makipag shake hands.

"Nice to meet you." Ang bati ko sa kanya habang naka ngiti.

Ngumiti rin sya sa akin ng matamis bago nya ako sinagot.

"Nice to finally meet you, Hanna. My husband told me a lot about you."

Nanigas ako bigla sa sinabi ni Stephanie. Parang nabingi ako bigla at parang nanlamig ako ng di oras.

"Pa- pardon?" Nasabi kong nauutal dahil sa gulat.

Biglang hinawakan ni Carlo at Harold ang balikat ko. Napa bitiw naman ako sa kamay ni Stephanie. Nilingon ko silang dalawa at nagulat ako ng nagtataliman ang mga mata nila habang nakatingin kay Franco.

"Mauuna na kami. Kita nalang tayo next time." Paalam ni Carlo.

Hinila nila ako palabas ng HYPE restaurant. Isinakay nila ako muli sa back seat at pina harurot ang kotse palayo.

Biglang bigla parin ako sa pangyayari. All I knew, nasa America si Franco, then makikita ko sya dito, owning a restaurant na naka sunod sa pangalan ng banda namin. At si Stephanie. Sino si Stephanie?

"Oo. Asawa sya ni Franco." Biglang nag salita si Carlo mula sa passenger seat. Pareho silang hindi naka tingin sa akin pero pareho kong tinitignan ang mga likuran nila.

Bakit hindi nila sinabi sa akin bakit kung kelan masaya akong nakita ko n sya muli, tyaka naman ibabasag sa mukha ko ang pangyayaring ito?

"Bakit hindi nyo sinabi? Kailan pa?" Tanong ko sa kanila habang nag pipigil ng luha. Bakit sya nag asawa? Bakit di nya sinabi sa akin. Ano na lang ba yung mga pinag samahan namin noon? Lokohan lang? Ako lang pala itong umasa?

"Dinala ka namin doon dahil nangako syang sya mismo ang mag papaliwanag sayo. Kahit kami mismo nagulat. Pero di nmin akalaing nandoon pala yung asawa nya. Sana di ka nalang namin doon dinala." Biglang sagot ni Harold. Halata sa boses nya na naiinis din sya sa nangyari.

Habang binabaybay namin ang isang mahabang highway, tumunog ang telepono ni Harold. Pinagawak nya ito kay Carlo at pina loud speaker.

"Pre, pasensya na---" hindi pa nakatapos mag salita ang nasa kabilang linya, nag salita na agad si Harold.

"Putang ina, pare! Akala ko ba usapan na nating hindi mo isasama jan ngayon yang asawa mo para ikaw na ang mag explain kay Hanna nang naging sitwasyon mo?" Galit na sabi ni Harold habang naka focus lang sa pag mamaneho. Inilapit lang ni Carlo sa kanya ang telepono nya.


HANNAWhere stories live. Discover now