Eight

18 2 0
                                    



     Habang nakikipag usap sa mga kakilala nila na bisita ng may kaarawan na si tita Samantha, napansin ni Carlo at Harold ang pabalang na paghila ni Stephanie sa kaibingan nilang si Franco nang makita nitong papalapit na silang tatlo sa direksyon kung saan sila unang nakatayo. Kitang kita ng dalawa ang pagkainis sa mukha ni Stephanie, bagay na ikinabahala ng dalawang binata na nasa tabi ni Hanna.

     Nagkatinginan si Harold at Carlo lingid sa kaalaman ni Hanna. Nagtama ang mga mata nila at nagtanguan sa isa't isa, senyales na nauunawaan nila ang ibig sabihin ng tingin ng bawat isa. Kailangan nilang iiwas si Hanna kay Franco, lalong lalo na kay Stephanie upang maiwasan ang pag laki ng gulo.

     Agad na dumeretso ang tatlo sa dereksyon kung saan naka pwesto ang improvise stage at naka ayos ang lamesa para sa celebrant at pamilya nito. May dalawa pang upuan na naka laan para kay Harold at Hanna sa tabi ng magulang nilang sila Samantha at Jude.

      Humalik lang sa pisngi ni Tita Samantha at nagmano kay Tito Jude si Carlo bago nito iwan sila Hanna at Harold na umupo na sa bakanting upuan. Bumaba na sya ng stage upang pumwesto sa upuang nakalaan sa kanya. Sa bilog na lamesa ay katabi nya sila Franco, Samantha, at ilan pang anak ng mga kaibigan ng celebrant.

       Habang patuloy ang masayang tugtugan ay may mga nag sasayaw na sa paligid ng banda, may iba naman na patuloy sa pag pila sa buffet at pagkain sa kanikanilang lamesa. Patuloy din ang kwentuhan at tawanan nila Harold at Hanna habang nakikipag usap sa mag asawa sa tabi nila. Sinisipat sipat parin ng tingin ni Harold ang lamesa nila Carlo at nakikita naman nitong nakikipag usap na sa kanya ang mag asawa. Naisip siguro ni Franco na hindi makakatulong sa kanya ang pag hanga nya kay Hanna habang katabi nya ang asawa nya.

     Ilang sandali pa ay pinakiusapan ni tita Samantha ang isang security na naka tayo sa likuran nila na bulungan ang banda na ihinto muna ang pag tugtog. Tumayo ang apat mula sa lamesa nila at naglakad papunta sa gitna ng stage upang lumapit sa mikropono. Nag bigay atensyon naman ang mga bisita sa selebrante bago ito mag salita. Nasa tabi nya tin ang kanyang pamilya.

     "Good evening, ladies and Gent's. I am very thankful to all of you who came here to celebrate with me tonight." Panimula ni Tita Samantha. Nagsimulang maglakad ang mga Waiter at Waitresses na. May dala dalang mga champagne sa champagne glass at isa isang pinakuha ng mga bisitang nasa garden at pool area. Inabutan din nila ang pamilya ng celebrant na nasa stage pati na ang mga staff ng party organizer at security team.

      "I also want to thank my son, Harold, for making me a proud mother. My unico hijo, he's our pride and joy. Sya ang rason bakit umabot ako sa edad na ito na masaya at kuntento. Hindi kami nabigo sayo anak. We are so proud of you." Hinawakan ni tita Samantha si Harold sa Kamay at hinalikan ito sa pisngi. Maiyak iyak sa galak ang ina nito ng halikan siya ng anak sa pisngi at bulungan rin ito ng pasasalamat.

      Bumaling naman si tita Samantha sa kanyang anak anakan na si Hanna. Hinawakan nya ito sa kamay at nginitian din ng matamis. "Hanna, oh my little girl." Umpisa nito. Nangiti ang mga tao sa itinawag nito sa dalaga. "Alam mo kung gano rin ako ka proud sayo. Salamat sa pag punan mo ng kagustuhan kong magkaron ng anak na babae. I know that your parents are so proud of you more than I do. Alam na alam kong masaya sila sa langit, knowing that you grew up into a strong and beautiful woman. Thank you for coming to my life, to our family." Nangilid ang luha ni Hanna sa narinig sa nanay nanayan. Nag hagkan din sila sa isat isa at nagpasalamat nag marami si Hanna sa maraming taon na inalagaan at sinuporrahan sya nila Samane at Jude.

     "And lastly, My amore, My life, My Jude." Nag hawak ang mag asawa ng kamay at nag titig sa mata ng bawat isa. Kapwa kinikilig sa tabi nila si Harold at Hanna, at ganun din ang mga bisita. "My Love, thank you for loving me, for staying by my side through all this years. Thank you for a Wonder child. Thank you for the life I've been living all this years. Thank you for everything. I love you." Nag bulong ng 'I love you more' si tito Jude bago silang nag bigay ng maikling halik sa labi sa isa't isa. Pumalakpak ng mga tao sa paligid nila sa tuwa at galak. Humarap na ang mag asawa sa kumpulan ng tao sa ibaba ng stage at ngumiti.

HANNAWhere stories live. Discover now