Seven

8 2 0
                                    


(Carlo's POV)

Nakikipag usap ako sa ilang babaeng anak nga mga kaibigan ni tita Sam. Kanina pa sila nag datingan at nagsimala ang pag tugtog ng bandang inupahan ni tita ngunit wala parin si Hanna. Pinakiusapan na ni tita si Harold na sunduin ito sa kwarto nya pero hanggang ngayon ay wala parin sila.

Nag sisimula na akong mag alala, pero pilit kong ikinakalma ang sarili ko dahil wala namang masamang mangyayari sa kanya dito sa loob ng pamamahay nila Harold. Besides, full of security ngayon ang buong bahay dahil nga mayayaman at kilala rin ang ilan sa mga kaibigan ni tita Samantha.

Napatingin ako sa dereksyon ni Franco sa kabilang ibayo ng pool. Kasama nya si Stephanie na nakikipag halubilo din sa ibang bisita. Pansin na pansin ko ang pag linga linga ni Franco. Malamang ay hinahanap nya rin si Hanna.

Luminga linga na rin ako, wala parin silang dalawa. Nag aalala na ako kung bakit ang tagal nilang bumaba.

Ilang sandali pa ng pakiki halubilo sa mga bisita ay nakita kong napako ang tingin ni Franco sa dereksyon ng pintuan papasok dito sa Garden at Pool Area. Sinundan ko ng tingin ang dereksyong sinisipat nya at nakita ko na kung sino ang kinatulalaan nya.



Si Hanna, na seksing sexy at sobrang ganda sa pula nyang tutu dress. Nasa tabi nya si Harold na kinakapitan nya sa braso at inaalalayan sya.



Sorry pero, Tang ina! Ewan ko kung anong hitsura ko ngayon, pero hangang hanga ako sa ganda ni Hanna. Napaka layo nya na talaga sa neneng Hanna na iniwan namin dito sa cavite noon two years ago.

Habang papalapit sa kumpulan ng bisita sila Hanna at Harold, kitang kita ko sa mukha ni Franco ang masiklab na pag hanga sa aming bokalista. Hindi ko mapigilang mapaisip na lalong sobra sobra ang laki ng pagsisisi nya ngayong nakita nya na full grown woman na si Hanna. Kung ako din ang nasa posisyon nya, malamang inuntog ko na ang ulo ko sa lamesa.

Swerte ako, hindi ako kasing tanga nya. Malaki parin ang pag asa ko kay Hanna.

Si Harold lang talaga ang iniisip ko. Hindi ko malaman kung talaga bang hanggang kapatid lang ang tingin nya kay Hanna, o magiging karibal ko rin sya sa pag tingin nito.

Kahit kailan din kasi, hindi manlang namin nabalitaan na may naka relasyon sya o may nagustuhan man lang. May kinalaman kaya ito kay Hanna?

Agad akong nagpaalam sa mga kausap ko at lumakad papunta sa dereksyon ni Hanna. Nakita nya akong palapit at nginitian nya naman ako.

"Wow." Ang biro kong sabi sa kanya habang tinititigan sya mula ulo hanggang paa.

Pabiro akong hinampas ni Harold sa balikat at sinenyasang tigilan ko ang pang aasar kay Hanna. Tumango naman ako at nag seryoso sa pagka usap sa kanya.

"Ang ganda mo. Bagay na bagay sayo." Sabi ko sa kanya habang naka ngiti.

"Sa..salamat.." Nahihiya at naiilang nyang sabi. Namumula ang mga pisngi nya. Ang Cute.

Nag lakad na kami papunta sa karamihan ng tao. Habang nakikipag batian at kamustahan kami sa mga bisita, naka bakod lang kami ni Harold kay Hanna sa magkabila nyang tagiliran. Nakaka sipat kami ng mga lalaking mukhang nagkaka intires sa kanya. Hindi naman sila makalapit dahil agad namin silang tinititigan ng may malalim na kahulugan.

Napansin kong biglang hinila ni Stephanie si Franco papunta sa ibang dereksyon. Sa pagkaka kita ko sa sitwasyon, mukhang nakaka amoy na si Stephanie sa pag titig titig ni Franco kay Hanna.

Masama ito.

----------


(Franco's POV)

Kanina pa ako pa lingon lingon pero hindi ko parin makita si Hanna. Kanina ko pa sya hinahanap, at sa totoo lang, sya lang talaga ang gusto kong makita ngayon gabing ito.

Kanina, nagulat ako ng biglang nag ring ang cellphone ko at number lang ang lumabas. Pero kahit numero lang iyon, alam na alam ko kung sino ang tao sa kabilang linya.

Masaya akong nakausap ko sya kahit sandali lang. Masaya akong marinig muli ang boses nya.

Lalong tumindi ang pagbalik ng mga nararamdaman ko para sa kanya na natagal kong ikinubli sa kaibuturan ng puso ko.

Mahal na mahal ko parin talaga sya. Mula noon hanggang ngayon. Pero imposible na talaga na maging kami pa, kahit ilang ulit pa akong lumuhod at manalangin sa Ama.

Muli kong iginawi ang mga mata ko sa may pintuan papasok dito sa garden area na nasa likod ng bahay at na kita ko na ang kanina ko pa hinahangad na masilayan.

Si Hanna. Naka pula at itim syang bistida na bagay na bagay sa kanya. Lalong lumabas ang ganda nya sa ayos nya.

Hindi ko napigilang paka titigan sya ng husto. Lumakas ang tibok ng dibdib ko na halos sumapaw na sa tugtog ng banda sa gitna ng kasiyahan. Hindi ko mapigilang humanga sa taglay nyang natural na ganda. Matapang ngunit Sweet ang dating nya.

Matagal ko syang pinag masdan, hanggang sa lumapit na si Carlo sa kanila ni Harold at pati ang pag bati nila sa iba pang bisita.

Pinapanood ko lang sila. Gustong gusto kong lumapit, ngunit alam kong hindi ko basta bastang pwedeng gawin iyon.

Nagulat nalang ako ng bigla akong nakardam ng malakas na pag kabig sa braso ko. Napayuko ako at nakita kong nanlilisik ang mata ni Stephanie sa akin. Nagulat ako nuong una pero agad ko namang nakuha kung bakit ako kinalabit ng asawa ko.


"Liking her, eh?" Ang nang iinis nyang sabi. Masama ang tingin nya kay Hanna at Sa akin.

Kumunot ang noo ko. Alam kong mali ako, pero naiinis ako sa inaasal at sinabi nya.

"Masama bang tignan ko ang mga kaibigan kong nagkakasiyahan habang ako nandito lang at di maka sama sa kanila?" Pabalang kong sagot. Nilagay ko sa magkabilang bulsa ng pantalon ko ang mga kamay ko habang naka tingin pababa sa kanya.


Inismiram nya ako at pinamewangan, handa na syang bulyawan ako pero nakita nyang papalapit sa dereksyon namin sila Hanna. Bigla nya akong hinila papalayo, papunta sa kabilang bahagi ng garden.

Hinayaan ko nalang sya gawin ang gusto nya, para hindi na lumala pa ang nagsisimula nyang selos kay Hanna.

----------


(Stephanie's POV)


Hindi ko lang napapansin, Nararamdaman ko pa. Alam kong may kakaiba sa pagitan ni Franco at Hanna.

Alam kong wala akong karapatang mag selos kay Hanna dahil di hamak na mas matagal na nyang kilala ang asawa ko kaysa sa akin, pero hindi ko maiwasan lalo na't simula ng nag kita silang muli ni Franco sa Hype RestoBar, nag simula ng manlamig si Franco sa akin.

Wala akong proof o kahit ano manlang na mag papatibay sa hinala ko, pero sisimulan ko na ngayon ang dapat simulan.


Kaibigan o Kakilala, wala akong pakialam.

Akin si Franco. Sa akin lang sya.


~^•^~


Author's Note

    Okey, this is Chapter 7. Frankly, gusto ko talaga ang part na to ng story, (Tita Samantha's Birthday Party) kasi dito na lumilitaw na ang haba haba ng hair ni Hanna ^_^ ..

     So, sino sa tingin nyo ang makakatuluyan ng ating bida? Sino ang pang bato nyo sa tatlong umiirog sa kanya? Choose your bet!

     Matagal tagal nyo pang hihintayin ang sagot. Sa ngayon, Comment and Vote nyo naman ang story ko paro lalo akong ganahan, hehe .. Salamat!

    See you next Chapter <3

     ~ Anne

HANNAWhere stories live. Discover now