CHAPTER FOUR

3.4K 64 15
                                    


DUMATING ang araw ng intramurals. Kasali si Saskia sa volleyball team ng College of Business and Accountancy. Si Daphne naman ay bihira na niyang makasama dahil sinagot na nito ang manliligaw na si Neil. Hindi niya inaasahan na magkakasundo sila ni Eira kaya madalas silang magkasama kapag magkatugma ang libreng oras nila. Tinigilan na niya ang pagsunod-sunod kay Ryder dahil sumasama lang ang loob niya kapag naiisip na nagmumukha siyang tanga. Alam naman niyang hindi siya papansinin ng binata. Kuntento na siyang kaibigan ang bunsong kapatid nito. Katunayan pareho silang kasali sa volleyball team ng kanilang departamento.

"Hey, Saskia! Gusto mo bang sumama sa akin sa bahay ngayon? Napagod ako sa game natin kanina. Doon na lang tayo magpahinga." ani Eira habang nagpupunas ng pawis gamit ang puting face towel.

"Ha? Ah, ano kasi---" ilang ulit na siyang tumanggi dito na sumama sa bahay dahil natatakot siyang magkrus ang landas nila ng nakatatandang kapatid nito. "Ano eh, may kailangan pa akong puntahan." Nagbaba siya ng tingin. Ayaw naman niyang makahalata ito na sinasadya niyang umiwas sa tuwing magyayaya ito.

Bumakas ang pagkadismaya sa magandang mukha nito, "Sayang naman. Wala naman kasi akong kasama sa bahay, si Kuya kasi nasa isla pa baka matagalan pa 'yon bago makabalik." Nagbuntong-hininga ang babae.

Bigla naman siyang nag-angat ng tingin dahil sa narinig, "Okay, sige na nga! Sasamahan kita." Ngumiti siya. Wala naman pala siyang dapat na ipag-alala dahil wala naman si Ryder sa bahay at hindi niya ito makikita.

"Are you sure? Ipapahatid na lang kita sainyo pag-uwi mo. Don't worry, kahit sa amin ka matulog walang problema. Sa susunod na araw pa naman ang next game natin."

Tumango si Saskia, "Sige na nga!"

"Great! Let's go, naghihintay na si Mang Ricardo." Nagmadali itong ayusin ang mga gamit at sabay nilang tinungo ang kinaroroonan ng sundo nito.

"You know what, kung hindi busy si Kuya lagi niya akong susunduin sa school." Nanulis ang nguso ni Eira. Tahimik lang si Mang Ricardo sa pagdrive.

Alam ko. Ngiti lang ang isinagot niya sa sinabi nito.

"Naiinis nga ako dahil imbes sa akin na lang ang natitirang free time ni Kuya nakikihati pa si Natalia." Umismid si Eira at bumakas ang disgusto sa mukha nito.

"Sinong Natalia?" her forehead crumpled.

"Natalia is my brother's girlfriend, and I don't like her." Prangkang sabi nito. Tumango lang siya. Gusto niyang segundahan si Eira sa sinabi nito pero pinili niyang huwag kumibo. Baka magtaka ito at makahalata pang may gusto siya sa kapatid nito.

Dumaan ang sandaling katahimikan hanggang marating nila ang bahay ng mga Alcover sa kalagitnaan ng malawak na lupain ng mga ito. Inilibot niya ang paningin at nakakalula ang laki ng bahay.

"Nasaan ang mommy at daddy mo, Eira?" tanong niya sa kaibigan. Panay mga kasambahay ang nakikita niya at bumabati sa kanilang dalawa.

"They're in Australia right now, kaya kami lang ni Kuya ang nandito sa Pilipinas. Tara na sa loob at magbihis na tayo," niyakag siya nito sa second floor ng bahay at pumasok sa kuwarto nito.

"Wow! Ang laki naman ng kuwarto mo, parang buong bahay na namin 'to." Napapailing na saad ni Saskia. Masasalamin ang karanghiyaan sa kuwarto ni Eira. Mula sa mga mamahaling muwebles at mga paintings na nakasabit sa dingding. Mayroon ding grand piano sa dulong bahagi ng silid nito. Kulay pink ang pintura ng dingding pati na rin ang kulay ng bedsheet ng kama ay pink din.

Dirt Riders Club 4: Ryder Alcover (Fate's Backflip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon