CHAPTER THREE

3.1K 54 0
                                    


CHAPTER THREE

MADALAS na makita ni Saskia si Ryder na sinusundo ang nakababatang kapatid nito. Naging libangan na nila ni Daphne ang tumambay sa may founder's monument para lagi nilang makikita si Ryder sa tuwing susunduin nito si Eira. Nakaupo sila sa pinakamalapit na concrete bench na naroon.

"Hay naku, ano kaya kung kaibiganin natin si Eira? Mukha naman siyang mabait eh. Para naman may koneksyon ka na sa kuya niya." napapailing na wika ni Daphne. Sabay nilang hinatid ng tanaw ang papalayong motorsiklo ni Ryder habang nakaangkas ang kapatid.

"Ayoko nga, kuntento na akong tinitingnan siya." she let out a deep sigh. Crush niya si Ryder, iyon lang. Wala siyang planong magpapansin o kaya magpakababa sa harap nito at magmukhang desperada para lang mapansin nito. Tama na sa kanya na kilala na siya nito at sana natatandaan pa siya ng binata. Wala sa kanyang mga priorities ang lovelife, she was just nineteen at dapat sa mga kaedad niya siya tumitingin. Maraming nanliligaw sa kanya kaya lang wala talaga siyang magustuhan. Siguro dahil gusto niya ang lalaking mature mag-isip. Maybe like Ryder Alcover, pero hindi naman isang tulad niya ang mapapansin nito.

"Sabagay, sa itsura pa lang niya imposibleng walang girlfriend 'yon. Kahit siguro sampung babae pa walang magrereklamo. Guwapo, mayaman, mabait----talagang yummy!" kinikilig na anas ni Daphne.

Tiningnan niya ito ng masama, "Akin siya, okay?" tinaasan niya ito ng kilay. Namilog naman ang mata ng kaibigan. "Hindi ko naman inaagaw sa'yo. Masama bang kiligin?" pagtatanggol nito sa sarili, "Besides may plano na akong sagutin si Neil." Dagdag pa nito. Ang tinutukoy ng kaibigan ay ang manliligaw nitong kasali sa basketball varsity team ng unibersidad.

Ngumiti si Saskia, "Mabuti naman, as if naman mapapansin ako ng tulad ni Ryder."

"Kaya nga huwag umasa dahil baka masaktan ka lang. Tama na 'yong humahanga ka lang sa kanya. Normal naman 'yan," Tumayo ang kaibigan at tumingin sa relong pambisig, "After ng klase natin kailangan kong pumunta sa bangko. Inutusan ako ni Mommy na magbayad ng bills."

"Sige, samahan na kita. Huling subject na naman natin kaya puwede na tayong maglakwatsa." Tumayo na rin siya at sabay nilang tinungo ang classroom para sa huling subject nila sa araw na iyon.

Madaling natapos ang isang oras na klase nila at sabay nilang tinungo ang bangkong pupuntahan ni Daphne. Malapit lang iyon sa unibersidad na pinapasukan kaya naglakad na lang sila. Sinamahan niya ang kaibigan sa loob ng bangko at hinintay niyang matapos ang transaction nito. Kailangan din niyang makauwi ng maaga sa bahay dahil may dadaluhang convention ang kanyang ina at isang linggo itong mawawala. Tutulungan niya itong mag-ayos ng mga dadalhing gamit.

"Mabuti na lang at naabutan pa nating bukas ang bangko," anang kaibigan nang makalapit ito, "Tara na girl, I'm done. Sabay na tayong umuwi." yakag ni Daphne. Tumayo siya mula sa kinauupuang couch at sumabay dito palabas ng pinto. Natigil siya sa paghakbang nang mapansin niya ang mahigpit na paghawak ni Daphne sa kanyang braso.

"Bakit?" bigla siyang nagkunot ng noo. Nanlalaki ang mata nito at inginuso ang isang lalaking pababa ng motorsiklo. Naramdaman naman niya ang biglang pagsikdo ng kanyang dibdib lalo na ng tanggalin ng lalaki ang suot nitong helmet at tumingin sa gawi nila.

"Shit, si Ryder nga." She was suddenly uncomfortable as if there were butterflies flying inside her stomach. Papalapit si Ryder sa gawi nila at nakangiti ito.

"Hello, girls!" magiliw na bati ng binata.

"Hey, Ryder. Anong ginagawa mo dito?" nakangiting sabi ni Daphne. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil hindi niya magawang magsalita.

Dirt Riders Club 4: Ryder Alcover (Fate's Backflip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon