CHAPTER SEVEN

2.3K 54 13
                                    


CHAPTER SEVEN

NAGULAT si Saskia nang makita ang hitsura ni Ryder habang papasok ito sa loob ng silid nito. Pulang-pula ang mukha nito at gulong-gulo ang buhok. Pupunta sana siya sa silid ni Eira pero si Ryder ang agad na tumambad sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ng dalaga nang makalapit sa binata. Amoy alak ang hininga nito. Hinanap nito sa bulsa ang keycard at agad na idinikit sa keycard lock sa gilid ng pinto para bumukas iyon. Binuksan nito ang switch ng ilaw.

"I'm fine," pagak na natawa si Ryder at pumasok sa loob. Napangiwi naman si Saskia dahil bigla itong nawalan ng balanse at lumagabog ang katawan sa carpeted na sahig. Hindi siya nagdalawang isip na sundan ito at tulungan itong makatayo.

"Lasing na lasing ka. Bakit ka naman uminom na parang wala ng bukas?" napapailing na wika ni Saskia kahit hirap siyang tulungan itong makatayo.

"Natalia cheated on me, how cool is that huh?" marahang natawa si Ryder at pasuray-suray itong naglakad patungo sa mahabang sofa habang nakalalay siya. Hindi niya makuhang magsalita dahil sa sinabi nito. Sa paanong paraan kaya ito niloko ni Natalia? Naawa siya sa binata. Kaya siguro ito naglasing dahil kay Natalia. Napakasuwerte talaga ng babaeng iyon at ang kapal ng mukha!

"Magpahinga ka na, itulog mo na lang 'yan." Nakahinga ng maluwag si Saskia nang humiga ito sa mahabang sofa.

"Sa tingin mo ano ba ang mali sa akin?" hinila siya nito kaya bigla siyang napatili. Sumubsob ang mukha niya sa dibdib nito.

"A-ano bang ginagawa mo?" nagkandautal siya at biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at tumitig sa kanyang mukha. Namumungay na ang mata nito dahil sa dami ng nainom. Alam niyang may mali sa nangyayari pero hindi niya magawang pumalag. Inayos nito ang nagulo niyang buhok at isinabit sa magkabilang tainga. Ano ba ang maaari niyang gawin para maibsan ang paghihirap nito ngayon? Hindi niya napigilan ang sariling hawakan ang makinis nitong pisngi.

"Matulog ka na." sinikap niyang tumayo ngunit kinabig nito ang kanyang bewang.

"Dito ka lang Sassy, samahan mo ako." Ipinikit nito ang mata habang nakayakap ang kamay sa katawan niya. Napatitig siya sa mapupulang labi nito, ilang ulit siyang napalunok dahil sa tumatakbo sa kanyang isip. Hindi na niya halos mabilang kung ilang ulit niyang inisip kung ano ang pakiramdam ng halikan ng mga labing iyon. She wanted Ryder to be her first kiss—in her dreams.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha sa binata at walang pagdadalawang isip na idinampi ang labi sa labi ng binata. Nagmulat ng mata ang binata at bahagyang nagulat sa kanyang ginawa.

"What are you doing?" humawak ito sa kanyang balikat. Hindi na niya inisip ang hiya, ngumiti siya, "Lie back and enjoy it, it's just a kiss." Muli niyang inilapit ang labi rito pero agad din siyang natigilan dahil biglang natawa si Ryder.

"Is that what you called---kiss?" bigla itong pumihit sa pagkakahiga hanggang pumaibabaw ito sa kanya, "Wrap your legs around me." He whispered. Ginawa naman niya ang sinabi nito. Nanlaki pa ang kanyang mata nang maramdaman ang biglang paninigas ng pagkalalaki nito. Manipis ang suot niyang pajama kaya pakiramdam niya tumatagos iyon sa balat. Walang pasabing hinubad nito ang suot na t-shirt at itinapon iyon sa tabi. Hinawakan siya nito sa magkabilang pisngi at unti-unti nitong inilapit ang mukha sa kanya. Napapikit siya nang lumapat ang labi nito sa kanya. Puno iyon ng pagsuyo at pag-iingat. Naglalaro ang dila nito sa loob ng kanyang bibig. Ramdam niya ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Handa ba siya sa maaaring maganap sa kanila? Siya ang nagsimula nito at kung hindi niya tinukso ang binata hindi sila aabot sa ganito.

Dirt Riders Club 4: Ryder Alcover (Fate's Backflip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon