CHAPTER FIFTEEN

2K 33 26
                                    


CHAPTER FIFTEEN

NAGISING si Saskia kinabukasan dahil sa mahinang pagtapik ni Declan sa kanyang pisngi. Tinatamad siyang bumangon. May dala ang binata ng isang tray na may pagkain.

"Good morning, babe! Breakfast in bed." Nakangiting anas ni Declan. He looked fresh mukhang nakapaghanda na ito.

"Why so early?" reklamo niya.

"I think you better hurry up. Napagkasunduan ng ilan na sasama kina Pres sa Zambales. Sabi ko count us in, gusto kong makapunta doon habang hindi pa busy sa trabaho." anang binata na hindi naitago ang excitement. Para namang nawala ang antok niya dahil sa narinig mula rito. Sasama sila sa hacienda nina Ryder sa Zambales? Hindi pa siya nasisiraan ng bait para muling bumalik doon.

"Ayoko, babe. Hindi ako sasama. Kailangan ko ng makauwi sa bahay." Nag-iwas siya ng tingin. Hindi talaga siya papayag na sumama doon. Ngayon nagsisisi na siya kung bakit hindi niya sinabi ang totoo dito tungkol sa nakaraan nila ni Ryder. Dahil kung alam iyon ni Declan tiyak na hindi siya nito kukulitin at maiintindihan siya nito kung bakit ayaw na niyang balikan ang lugar na iyon.

"Actually, naisip ko na 'yan kaya nga tinawagan ko si Tita Ava. Sabi niya mag-usap daw kayo pag-gising mo."

"Sige," mabilis niya tinapos ang agahan na dinala nito at bumaba naman ito pagkatapos niyang kumain dala ang mga pinagkainan niya. Binigyan siya nito ng panahon para makapag-ayos ng sarili. Agad niyang tinawagan ang tiyahin bago siya nagpasyang maligo.

"Mabuti naman at napatawag ka, hija. Ipinagpaalam ka sa akin ni Declan na tutuloy daw kayo sa Zambales. Wala naman sanang problema sa akin pero sinabi kong kakausapin muna kita." ani Tita Ava sa kabilang linya.

"Bakit, Tita? May sasabihin ka po ba?" kunot noong tanong niya. Hindi naman ito mahigpit dahil nasa tamang edad na siya.

"Mukhang hindi mo talaga alam. Mamaya ang dating ng Papa mo kasama si Amara. Uuwi ka ba o tutuloy kayo ni Declan sa Zambales?"

Saglit siyang natigilan. Ano nga ba? Ayaw talaga niyang balikan ang hacienda Alcover pero ayaw din niya munang makita ang ama at ang madrasta. Kailangan niyang mamili sa dalawa. Alinman ang piliin niya ay nagbabadya iyon ng tensyon. Kung hindi siya tutuloy sa Zambales ay wala siyang nakikitang idadahilan kung bakit ayaw muna niyang magpakita sa ama.

"Tutuloy po kami sa Zambales. Uuwi na lang po ako pagkatapos. Hindi ko lang alam kung magtatagal kami doon."

"Sige. Sabihan ko ang Papa mo pagdating."

"Okay po. Bye." Nawala na ito sa kabilang linya. Bahala na kung anong mangyari sa Zambales. Tiyak naman na makakagawa siya ng paraan para maiwasan ni Ryder.

SUMAMA kay Ryder sina Yuri at Satoaki. Maging ang mag-asawang Aven at Skyler ay sumama rin. Hindi rin nagpaiwan sina Saskia at Declan. Ang iba niyang kasamahan ay hindi na sumama at sila na ang bahala sa mga gamit pabalik ng Manila. Nagtaka pa ang binata dahil inaasahan talaga niyang hindi gugustuhin ni Saskia na muling balikan ang hacienda ngunit sumama pa rin ito.

"Guys, feel at home." aniya sa mga kaibigan. Tinulungan naman siya ng bunsong kapatid na estimahin ang kanyang mga bisita. Binigyan nila ito ng tig-iisang guest room baka sakaling magtagal ang mga ito doon. Agad na nagpaalam sina Yuri at Satoaki na tingnan ang race track sa hacienda. Samantalang pinili nina Aven at Skyler ang magpahinga muna.

"Gusto ko din sanang makita ang track dito sa hacienda." ani Declan.

"Okay. Ililibot ko kayo mamaya. Pumili din kayo ng dirt bike sa garage dahil susubukan natin ang trail. May hinihintay lang akong tao." wika ni Ryder sabay tingin sa relong pambisig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dirt Riders Club 4: Ryder Alcover (Fate's Backflip)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon