Alianna's POV
Dumito muna kami sa minagic chuchu na bahay nila sa isang tabi para magpalipas ng gabi. Grabe hindi ko rin talaga maiwasang mamangha sa lugar na to.
Nandito pa din kami sa Maztica at pansamantalang magpapalipas ng gabi. Ang sabi ni Lola kanina, mapanganib daw ang lugar dito dahil kadalasan daw ay may naliligaw na ibang mga nilalang na panigurado ay hindi ko pa nakikita. Kaya wag daw akong aalis at lalayo sa kanila. Aba'y syempre naman. Ano sila, akala nila gusto ko mamatay?
"Alianna. Matulog ka na at mahaba pa ang lalakarin natin bukas, kaya magpahinga ka na."
"Okay po." Nakangiting sagot ko sakanya. Napabuntong hininga ako dahil sa pagod na nararamdaman ko. Grabe hindi ko manlang inexpect to. Pano kasi sa bahay lang naman ako paikot-ikot.
Kinuha ko yung kwintas na nakita ko kanina. Ang ganda nya. (^o^) Huhu baka kapag nakita nila sakin to sabihin nila magnanakaw ako.
Tiningnan kong mabuti yung crystal. Parang may kung ano kasi akong nakikita tuwing tinititigan ko. Hindi ko sure pero lagi syang umiilaw kapag hinahawakan ko sya. Ang weir--
"HUWAAAAAA!" tinakpan ko agad ang bibig ko dahil baka marinig nila ako pero asdfghjkl! Yung kwintas biglang kumabit sa leeg ko! OMAYGAAAAAD! (ToT) Akala ko tao lang ang alien sa lugar na to, pati pala mga bagay ow em ji!
Pilit kong tinatanggal ito sa leeg ko pero hindi ko ito matanggal! Omaygaaaad anong gagawin ko?!
Naghanap ako ng matulis na bagay na pwedeng ipanghiwa sa kwintas pero wala akong makita! Kapag naman hinila ko ito, masasakal naman ako.
Tiningnan ko uli yung crystal. Parang nakita ko na din to e. Pamilyar sakin pero naguguluhan ako. Parang ang labo labo ng mga naiisip ko.
Napagpasyahan ko na magpahinga nalang kesa mag isip ng mga bagay bagay. Kailangan magpahinga na ako dahil mahabang lakaran nanaman to bukas.
Tumagal pa ng ilang minuto bago ako sinumpong ako ng antok at nakatulog.
**
"Alianna gising naaaa!" Okay eto nanaman yung alarm clock ko. Bumangon na agad ako kesa sigawan pa nya uli ako sa tenga kagaya kahapon.
"Hinihintay na tayo ni Master sa labas" halos manlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Arnis.
"Ano?! Hindi ba manlang tayo kakain? Breakfast ganon?" Takang tanong ko.
"Kakain tayo habang naglalakbay para mas mabilis. Kaya halika na kung gusto mo talagang umalis sa mundong to" bumangon na ako at lumabas at inabutan ko doon si Lola na nakatayo at naghihintay na samin.
"Tara na po!" Napatingin sya sakin pero mas napatitig sya sa kwintas na suot ko. Omaygad!
Tinakpan ko agad ng kamay ko ang kwintas pero huli na ang lahat dahil tinititigan na nya ito na parang sinusuri kung totoo bang crystal yun o hindi.
"Ano yang suot mo?" Mas lumapit sya sakin at hinawakan ang kwintas. Bigla nya akong tiningnan matapos nyang suriin yung kwintas.
"Bakit nasayo iyan? Saan mo yan nakita? Saan mo iyan nahanap?!" Hindi ko alam kung galit sya o talagang interisado lang sya doon sa kwintas.
"Uhh ehh-- doon po sa--" nagulat ako ng hinawakan nya ang kwintas ko at hinila.
"Amina yan! Kailangan mong ibigay sakin yan!" Pilit nyang hinihila iyon kaso imbis na makuha nya ay nasasakal lang ako.
"A-aray! Masakit po! Tama na! Nasasakal po ako!" Agad naman nyang binitawan kaya napa atras ako sa pwersa.
"Hindi maalis.. ang ibig sabihin.." napatingin sya sakin ng maigi na ipinagtaka ko naman.
"Ibig sabihin po ano?" Takang tanong ko. Pinasingkit nya lang ang mga mata nya at hindi sumagot.
"W-wala. T-tara na. Malayo pa ang lalakbayin natin." Naglakad na sya nauna sakin. Agad naman dumating si Arnis sa tabi ko. Teka, magkasama kaming lumabas ah?
"Saan ka galing?" Tanong ko.
"Dyan lang, naghanap ng makakain." Tiningnan ko ang hawak nya. At may hawak syang saging! Huaaaa my favorite! *0* Meron din pala nito dito?
"Meron din nito dito?" Kumuha agad ako ng saging at binalatan ito at kumagat. Huaaaaa namiss ko ng kumain nito!
"Hindi. Naghanap ako ng sangkap para maka gawa ako ng pagkain sa mga katulad mo"
"Arnis! Alianna! Halika na kayo! Dapat kanina pa tayo umalis dito"
"Ay! Yes master!" Nauna sakin si Arnis pumunta kay Lola. Tiningnan ko sya at nakatingin din sya saking mabuti. Sumunod na agad ako sa kanila ni Arnis at saka kami umalis palayo sa tinuluyan namin.
**
"Alianna, dito ka lang. Wag kang aalis dito. Hahanap lang kami ni Arnis ng sangkap para sa pagkain natin." Tumango ako sakanya at saka sila umalis ulit. Hayy, naiwan nanaman ako. Bakit lahat sila pinagbabawalan akong umalis? Kahit sa mundo namin.
Naalala ko tuloy si Jaybee. Yung mga ngiti nya. Yung luto nya. Namimiss ko na sya.
Kamusta na kaya sya? Hinahanap nya kaya ako ngayon? Ano kaya ginagawa nya? Nag aalala kaya sya sakin? Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip ko.
Magkikita pa kaya kami?
Gusto ko na kasi sya makita. Gusto ko ng umuwi samin. Sa totoo kong mundo. Pero mukhang magiging imposible yon dahil sa kwento sakin ni Lola.
Maty kumaluskos sa may kaliwang bahagi ko kaya agad ako napatayo sa pagkakaupo sa isang malaking bato at naging alerto sa paligid. Malakas ako sa pandinig at sa pakikiramdam sa paligid kaya agad kong mararamdaman ang kung sino man ang nasa paligid.
Naalala ko yung sinabi ni Lola sakin kahapon. Delikado ang lugar ng Maztica kesa sa Phyrria. Kaya mas mabuti kung susunod ka lagi sa amin.
O M A Y G A D ! Natakot ako bigla sa posibleng makita ko ngayon. Sino ba kasi to? Sino nga ba, o ano?
"HUWAAAAAAAAAAA! (ToT)" natumba ako ng biglang lumitaw yung-- may tatlong ulo ng wolf, at tatlong paa na nilalang! Huwaaaaaaa ano gagawin ko?! Tatakbo ba ako? Tatawag ng tulong? Huaaaaaaa Jaybee tulungan mo ako!
Papalapit ng papalapit sakin yung-- ano ba tawag dito? Habang paatras ako ng paatras ay nakahawak ako ng batong hindi gaanong kaliitan. Kinuha ko agad iyon at binato sa kanya na nasapul ko naman. Tumayo agad ako at tumakbo palayo sa kanya.
"Arnis! Arnis nasaan kayo!?" Sigaw ko pero tumalon sakin yung nilalang na may tatlong ulo at natumba uli ako. Nanggigigil sya sakin at handa na syang kainin ako.
"Wag! Arnis!" Muli kong tawag. Nganga na sya kaya napasigaw uli ako. "JAYBEEEEEEE!" Napapikit ako pero ilang segundo akong naghintay na may kumagat sakin pero wala akong naramdaman.
Dumilat ako at nakita kong ang atensyon nya ay nasa kwintas ko. Tiningnan ko ang kwintas ko na umiilaw. Tumingin uli ako sa kanya pero lumayo sya sakin bigla at tumakbo palayo.
Hindi pa din ako tumatayo dahil sa nakita ko. Recognition. Nakita ko mismo sa mga mata nya ang recognition. Ibig sabihin, kilala ako ng isang hayop?
Pero may iba sa mga mata nya e. May kakaiba na parang.. Hindi ko na alam. Ang sakit sa ulo isipin. Pero siguradong sigurado ako..
Nakita ko na dati yung mga matang iyon.
-xx-
BINABASA MO ANG
Storybrooke: The Hidden World
ФэнтезиWhat will happen if a normal human girl accidentally entered that hidden world? A world where humans DON'T EXIST. A world where humans are not ALLOWED. A world that doesn't have exits. How could you escape? "Welcome to Storybrooke." -- Date started:...