Chapter 6

33 7 6
                                    

Alianna's POV



"Where Am I..?" Tanong ko, kahit wala namang sasagot. Hindi ko alam kung nasaan ako. Lagi nalang ako nawawala. (¯―¯٥)

Nasa isang kwarto ako na puno ng libro, babasagin na mga lalagyan ng... potions? Di ko alam ang tawag dun pero parang nasa loob ako ng isang laboratory.

At sa isang mahabang table, may sampung upuan doon at sa kabilang side naman ay may isang upuan. Wala ng ibang mga upuan sa paligid kundi ang labing isa na yon. Ano yun, para sa labing isang katao lang?

Tiningnan ko yung mga librong maayos na nakasalansan sa mga lalagyan nito. Puro iba't ibang klase ng potions na hindi ko naman maintindihan.

Nakarinig ako ng mga paang papunta dito sa kwarto kaya napatingin agad ako sa pintuan. Balak ko sanang magtago pero huli na. Nakapasok na yung sampung mga nasa sampung taong gulang na mga bata at isang nasa mid 30's na lalake.

Hindi nila ako nakita? Teka.. patay na ba ako?! (ToT)

Ay ang OA ko naman yata. Imbis na tumunganga dito sa sulok, ay lumapit ako sakanila tutal hindi naman nila ako nakikita.

Teka, bakit ang labo ng tingin ko sa mga mukha nila? Ano ba meron?! Hindi ko maaninag ang mga mukha nila kahit anong gawin kong pikit at kusot sa mga mata ko.

May pinag aaralan sila dahil may mga hawak silang mga libro pati yung mid 30's na lalaki.

Nadidinig ko sila pero parang echo lang nila ang nadidinig ko kaya parang medyo hindi ko din maintindihan.

Tiningnan ko yung sampung bata na nakaharap sakin ngayon. Mukhang ang gaganda nila at matatalino. Ang astig naman ng eskwelahang to, sampu lang ang estudyante.

Pero may isang bagay akong napansin. May kwintas silang suot suot lahat at iba iba ding hugis at kulay. At nakita ko ang isa sakanila na may suot na kwintas na katulad na katulad ng akin.

Hindi ako nagkamali, magkamukhang magakamukha talaga! Tiningnan ko ng ilang beses ang kwintas na suot ko at suot ng bata para makasigurado pero tama ako!

Tiningnan kong mabuti ang malabong imahe ng mukha ng babaeng to. Hindi ko talaga maaninag ang mukha niya pero may pakiramdam ako na kilala ko sya. Pero bakit?



"Emma!"


Napatingin ako sa babaeng nakatingin sakin, wait nakikita nila ako? At ano daw, Emma?



"Emma tinatanong ka ni Sir Maxon"


Napakunot ang noo ko sa sinasabi nila. Tiningnan ko ang sarili ko at... yung batang tinitingnan ko kanina na may kaparehas ng kwintas ko at ako ay... ay iisa na ngayon?!?!

Bigla akong nahilo sa mga naisip ko. Emma? Yun ang anak ng prinsesa at ng asawa nito na namumuno sa Herabithia diba? Panong magiging ako si Emma?



"Emma okay ka lang?"



Humawak ako sa ulo ko dahil sa kirot ng nararamdaman ko. Napaka sakit na parang hinahati iyon.



"Emma may problema ba?"



Tuwing tinatawag nila akong Emma ay lalong sumasakit at kumikirot ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit. Masyado nang magulo ang utak ko. Parang umiikot na ang lahat.



"Emma nahihilo ka ba?"



"Emma! Sir Maxon, si Emma po may sakit"



Storybrooke: The Hidden WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon