Chapter 7

53 8 2
                                    

Isabella's POV (sya yung matanda na kasama ni Alianna at Arnis)


"Arnis" lumapit agad sakin si Arnis ng binulungan ko sya sa isip.

"Ano po yun Master?"

"Tulog na ba si Alianna?" Sumilip sya agad sa may tabing na naghihiwalay sa higaan ni Alianna at sa higaan ko.

"Opo master, mukhang napagod nanaman sya sa paglalakbay kanina" umupo ako sa aking hihigan pero biglang lumapit ng malapit si Arnis. Pero ng lumiwanag uli ang buong katawan ko ay kinailangan nya uling lumayo dahil sa liwanag ng dulot ng pagpapalit anyo ko. Mula sa matanda, naging isang dalaga ako ng katulad ni Alianna. Eto talaga ang aking tunay na anyo. Nagpapalit lang ako ng anyo na matanda para hindi ako mapaghinalaan ng mga Narnians na naka-anib ako sa Herebithians.

"Master, sa tingin nyo po ba bumabalik na ang alaala nya?" Tumayo ako at saka tiningnan si Alianna na inosente at mahimbing na natutulog. Malakas ang pakiramdam ko na sya na ang matagal naming hinihintay ni Arnis.

"Siguro. Kaya nga mas pinili nating maglakbay sa lugar ng Herabithia para makatulong iyon na maka alala sya. Sa tingin ko at unti unti na iyong tumatalab sakanya" bumalik ako sa aking higaan at saka humiga. Pero si Arnis ay nanatiling nasa tabi ko. Ano ba kailangan nya?

"Pero master, sa tingin mo ba magiging maayos parin ang buong Herabithia kung maka alala sya at malaman ng Hari at Reyna na naririto na ang kanilang..."

Tinakpan ko ang bibig ni Arnis ng marinig kong nagsalita si Alianna. At yun padin ang kanyang sinasabi... Jaybee.

Nang maramdaman ko na bumalik na uli sya sa mahimbing nyang pagkakatulog ay tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig ni Arnis.

"Muntik ka na don Arnis!" Asar na sabi ko sakanya.

"Pero master, bakit ayaw mo manlang ipasabi o kaya iparinig sakanya ang bagay na iyon kung pinapaalala naman natin sakanya ang nakaraan nya?"

"Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin natin sakanya iyon ng diretso. Mas mainam na malaman nya ang lahat sa sarili nyang gawa. Matulog kana din Arnis, mahaba pa ang lalakbayin natin"

"Opo master." Lumabas na sa aming tinutuluyan si Arnis kaya humiga nadin ako.

Alam ko na ito ang tama para kay Alianna. Mahihirapan syang tanggapin lahat ng bagay kung sabay sabay nya itong malalaman.

Alam kong gulong gulo ang isip nya ngayon dahil panigurado ay meron na syang naalala pero ayaw nyang paniwalaan iyon dahil naguguluhan parin sya.

"Jaybee! Jaybee.."


Hindi ko din maiwasan na isipin kung sino yung 'Jaybee' na tinatawag nya. Pero may kutob ako na hindi ko maipaliwanag tuwing babanggitin nya ang pangalan na iyon. Pero wag naman sana ang iniisip ko.



Alianna's POV


"Jaybee?"

Tiningnan kong mabuti ang likod ng lalaking nasa harap ko ngayon. Medyo malayo sya sakin at sa kinatatayuan nya ay pinapaligiran ng madilim, ligaw na hayop, at mga patay na halaman at puno. Kumikidlat at kumukulog ang langit sa lugar na kinatatayuan nya.

Samantalang ako, naka isang simpleng gown ako na kulay silver at puting rosas na nakapaligid sa bandang saya ko. Ang buong paligid ay makukulay at masaya tingnan. May rainbow sa langit na parang kumakaway sakin. Parang langit kung iyong titingnan.

Tumingin uli ako sa lalaking nasa kabila. Para kasing si Jaybee na nakatalikod sakin pero imposible. Parang may dark aura na nakapaligid sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Storybrooke: The Hidden WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon