Alianna's POV
"Liaaaaaaan!"
"Ano ba Jaybee?! Sigaw ka ng sigaw!" Singhal ko. Kay laki laki kasi ng bahay e kami lang namang dalawa nakatira dito.
"Eto naman kay aga aga ang init ng ulo. Kakain na" bumaba na ako sa hagdan at pumunta na sa kusina.
"Ayan! Para naman lumamig lamig yang ulo mo! Pinagluto kita ng paborito mong ulam!" Kumislap kislap naman ang mga mata ko ng makita ko ang adobong nasa harap ko. Ay hinde! Dapat pala galit ako. Galit ako kanina kaya daoat galit din ako ngayon.
"Masarap ba yan?! Ikaw ha! Baka nilagyan mo ng lason yan naku lumagot ka sakin" natawa naman sya sa naging reaksyon kuno ko.
"Ano ka ba Lian? Ang tagal tagal na nating magkasama at ako ang taga-luto tapos pinagdududahan mo ako?" Umirap nalang ako sakanya atsaka kumuha ng plato at kumuha ng pagkain.
Ako si Alliana. Wala akong apelido kasi lumaki na ako ng walang magulang. Lumaki ako na kasama si Jaybee.
Bata palang daw ay magkasama na kami. Nakita daw ako ng mga magulang nya sa harap ng bahay nila na nakahandusay at walang malay. At nung wala daw naghanap sakin noon, kinupkop na nila ako.
Wala daw akong kibo nung nagising daw ako at wala daw akong maalala. Kaya di din nila alam kung saan ako noon ibibigay dahil walang naghanap na magulang sa akin.
Kung tatanungin nyo ang magulang ni Jaybee ngayon, wala na sila. Yun lang ang kwento sakin ni Jaybee. Wala din naman akong maalala sa pagkabata ko kaya wala akong alam sa nakaraan ko.
"Lian. Aalis nga pala ako mamaya, bibili ako ng makakain natin. Wag kang aalis dito ha? Baka kung saan ka magpunta e di mo naman kabisado ang lugar sa labas." Mukhang ewan tong si Jaybee. Ni-hindi nga nya ako pinapayagang lumabas e.
Lumaki ako na hindi lumalabas ng bahay. Wala akong alam sa labas. Wala akong ibang kilala kundi si Jaybee lang. Lagi nyang sinasabi na delikado daw sa labas at maraming masasamang tao. Kaya di nya ako pinapalabas ng bahay.
"Oo na. Kelan pa ba ako lumabas ng bahay" hindi tanong yun. It was a statement. Totoo naman kasi e. Kahit isang beses, hindi ako lumabas. Buti nga hindi naninilaw ang balat ko e.
"Good. Don't worry, I'll be quick so you wouldn't wait for too long." Nginitian nya ako pero di ko sya pinansin. Sa totoo lang, malaki ang utang na loob ko sa pamilya ni Jaybee. Kasi kundi dahil sakanila, baka wala na ako ngayon. Kaya kahit ganito ako makitungo sakanya, alam naman nyang lubos akong nagpapasalamat sakanya araw-araw.
Lalabas na sana sya pero nagsalita ako. "Teka, kumain kana ba?" Tanong ko kasi hindi nya ako sinabayan kumain.
Ngumiti sya sakin bago sumagot. "Oo naman. Nauna na ako sayo kumain kanina. Sige, alis na ako" umalis na sya at sinarado na ang pintuan kaya bumalik na uli ako sa pagkain.
**
Nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan kaya agad agad ako lumabas ng kwarto para salubungin si Jaybee. Kaso paglabas ko, madaming lalaki na nakaitim na suot ang nasa loob ng bahay namin.
Tinakpan ko agad ang bibig ko kaso huli na ang lahat dahil nakagawa na ako ng boses kaya agad silang nagtinginan sakin.
"Pare may tao!"
Omaygaaad papunta na sila sa akin ngayon!
"Si-sino kayo? Ano gi-ginagawa nyo dito?!" Pasigaw kong tanong sa kanila pero hindi sila nagsalita at hinabol ako. Agad naman akong nakalusot sa pag sunggab nila sa akin kaya nakatakas ako.
Lumabas ako ng bahay at nagtatakbo palayo. Tumingin ako sa likod ko pero nakasunod parin sila sakin! Ano ba kailangan nila sakin?!
Naka mask sila kaya di ko din makita ang mga mukha nila. Gusto kong humingi ng tulong pero wala naman kaming kalapit na bahay na pwede kong hingan ng tulong kaya tumakbo ako papuntang gubat.
Wala akong alam dito sa labas pero naniniwala akong maililigaw ko sila pag sa gubat ako nagpunta. Ang masama, pati ako ay maligaw. Harujusko!
Nagkakasugat nadin ang mga braso at binti ko dahil sa paghawi ko sa mga sanga at halaman na siguro ay may madadalang na tinik. Pero wala na akong pakialam!
"A-aray!" Daing ko ng madapa ako. Ang sakit kasi puro bato ang nadapaan ko. Tiningnan ko ang tuhod ko at nagdudugo na ito. Tumayo ako at tumakbo uli ako ng tumakbo palayo.
Alam kong hinahanap na din ako ni Jaybee anumang oras ngayon. Mag gagabi na kasi at wala ako sa bahay. Mahigpit pa naman nya akong pinagbabawalang wag umalis ng bahay.
Pero pano gagawin ko e may pumasok na mga lalaking di ko naman kilala sa bahay?! Damn!
Sandali akong huminto at umupo sa lupa para makapag pahinga. Gabi na at hindi ko na talaga alam kung nasaan na ako ngayon. Wala na yung mga lalaki na humahabol sakin. Naligaw ko kaya sila? Kasi ako naliligaw na e. (ToT)
Tumakbo uli ako ng tumakbo pero nawawala na talaga ako. Where in the world am I now?! (T_T)
Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo ulit ng tumakbo hanggang sa may nakita akong, isang napakahabang tulay?
Unbelievable! Meron bang ganito kahabang tulay? Ngayon lang ako nakakita ng ganito kahaba!
Tumingin tingin ako sa paligid pero mukhang ang tulay na ito na lamang ang tanging daan. Wala namang masama kung tatawid ako diba?
Humakbang na ako sa tulay at sa di ko malaman ay nakaramdam ako ng kakaiba sa buong katawan ko. Arrrghh gutom na siguro ako.
Tumingin ako sa ilalim at... harujusko lecheng patay na pusa! Napaka lalim nito! If I jump from here to there, I am surely will die! Medyo nanginginig na ang mga paa ko sa paghakbang pero pinagpatuloy ko nalang ang pagtawid.
Kung ano man ang nasa kabila nito, hindi ko talaga alam. Ngayon lang talaga ako nakapunta dito. At mukhang wala pang nakakapunta dito kasi sa layo ba naman ng lugar na to mula sa bayan.
Nang makatawid na ako, maraming halaman ang nakaharang sa harap ko. Hinawi ko ito ng hinawi hanggang sa bigla nalang nagliwanag ang buong paligid kaya napapikit ako.
At sa muling pagdilat ko... hindi ko akalain at lubos maisip na...
Wala na pala ako sa totoong mundo ko.
Someone's POVNakarinig ako ng ingay sa kapaligiran kaya naging alerto ako. Di kalayuan ay nakakita ako ng babaeng taga bayan kaya sakanya ko tinuon ang mga nata ko.
Patawid na sya sa tulay kaya balak ko sana syang pigilan pero nagulat ako ng makita na pag apak nya sa tulay ay nag ilaw ang tinapakan nya.
Lumapit ako sa may hangganan ng tulay at tiningnan mabuti ang misteryosong babaeng ito. Patuloy parin ang pag ilaw ng inaapakan nya.
Dumating na sya.
-xx-
BINABASA MO ANG
Storybrooke: The Hidden World
FantasíaWhat will happen if a normal human girl accidentally entered that hidden world? A world where humans DON'T EXIST. A world where humans are not ALLOWED. A world that doesn't have exits. How could you escape? "Welcome to Storybrooke." -- Date started:...