Chapter 3

46 9 0
                                    

Alianna on the top! ⬆ Vote and comment please! I need it. (^o^) Enjoy!

@nrqzprk

Unknown's POV


"Hindi ko na po sya nahanap, pero-- ouch!" Napaluhod ako sa biglang kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Walangya.

"Walang kwenta" unti unti akong tumayo sa pagkakaluhod para harapin ang magaling kong ama.

"Paano ka magiging hari kung ganyan ka? Napaka hina mo. Ang simple simple lang ng ibinilin ko saiyo, binigo mo pa ako." Napayuko nalang ako sa narinig ko. Lagi naman e. Masasanay din ako.

"Ibalik mo si Alianna sa mundo ng mga tao! At sa pagkakataong ito, kapag binigo mo pa ako, tandaan mo. Hindi na kita anak." Tumango ako at lumabas na sa lugar na to.


**


Alianna's POV


"Liaaaaaaan!" Nadinig ko nanamang sumisigaw si Jaybee. Lumabas ako sa kwarto at pinuntahan sya. Napaka bungangero ng lalaking to kahit kailan.

"Ano nanaman problema mo ha? Napaka ingay mo." Sigaw ko sa harap nya pero naguluhan ako ng nilagpasan nya ako at tumagos sya sa katawan ko. Teka.. ano ibigsabihin nito?

"Alianna! Nasaan kana ba?" Tumingin ako kay Jaybee na palayo na sakin at paulit ulit na tinatawag ang pangalan ko. Hi-hindi nya ba ako nakita?

"Ihaaaaa!"

Napabangon ako bigla sa malakas na sigaw na yun. Paniginip lang pala yun. Buti naman.

"Ayos ka lang ba iha? Sumisigaw ka kaya agad kitang pinuntahan. Ano ba ang iyong problema?" Naiyak nalang ako bigla. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa panaginip ko. Ayokong nakikita si Jaybee na nag iisa at pilit tinatawag ang pangalan ko.

Kahit naman ganoon ako makitungo sa kanya, sya padin ang kasama ko simula pagkabata ko at ayokong napapahamak sya o kaya'y nakikitang nahihirapan. Sya na kasi ang tumayong kuya ko maliban sa magulang ko.

Sya lang ang meron ako. Sya nalang ang natitira. At ako nalang ang natitira sakanya. Pag nawala ako sa kanya, mag iisa sya. Kailangan ko ng makabalik, ngayon na.

Tiningnan ko ang matandang may magic chu-chu. Kailangan ko na talaga umalis sa ayaw at sa gusto nya.

"Lola, kailangan ko na po talaga umalis. Nag aalala na po talaga sakin yung kasama ko. Please po payagan nyo na akong umuwi. Gusto ko ng umuwi." Naluluha nanaman ako pero pinahid ko agad ang mga luhang nagbabadya ng tumulo. Bumuntong hininga ang matanda at tiningnan ako.

"Iha, hindi ka na maaring makabalik sa mundo nyo. Dito kana--"

"Hindi! Hindi pwede! Kailangan ko ng umuwi!" Agad akong lumabas sa tinutuluyan nya atsaka bumalik sa dinaanan ko kahapon papasok dito. Nangnyenyebe padin ang paligid.

Hinawi ko uli ng hinawi ang mga halaman at dahon na naka harang sa daraanan ko. Nang mahawi ko iyon, halos maiyak na nanaman ako sa nakita ko.

Wala na akong nakitang tulay na dinaanan ko kagabi papasok dito. Isang matibay na pader na lamang ang nandito at ito na ang hangganan. Ano ba talaga tong mundong pinasukan ko?!

Naisip ko si Jaybee habang nakatingin ako sa pader na nakaharap sakin. Sigurado akong nag aalala na sa akin yun. At nalulungkot ako na hindi na kami muling magkikita pa.

Wala akong ibang nagawa kundi ang bumalik sa pinaroroonan ng matanda ng may luha saking pisngi. Pano na si Jaybee?

"Sinabi ko naman sayo iha, hindi kana makakabalik sa mundo nyo. Pero nagpumilit ka padin." Naiyak na ako dahil sa mga iniisip ko. Kung titingnan nyo, parang maliit na dahilan lamang ito para i-iyak ko, pero di nyo alam yung saloobin ko!

Gusto kong pasabugin tong mundong to ngayong oras mismo na to. Lungkot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Bakit ganito ang binigay na buhay sakin? Ano ba ginawa ng mga magulang ko para danasin ko ang ganitong buhay?

Nawalan ako ng pamilya. Yung bagong pamilya ko nawala nadin. Si Jaybee na nag iisang kasama ko sa buhay, nawala nadin. Lahat na nawala na sakin! Gaano ba kalaki ang kasalanan ko para danasin ko ito? Hinarap ko uli ang matanda.

"Sabihin nyo sakin, may sumpa ba tong mundo nyo? Ano mga nakatira dito? Mga demonyo? Mga baboy na tumitilaok? Asong lumilipad? Manok na tumatahol? Ano?! Bakit ayaw nyo ko palabasin? Buong buhay ko nakulong na ako! Hindi ko manlang nakita ang buhay sa labas! Bakit ha?! Sabihin mo tutal may kapangyarihang kulto ka rin naman!" Sigaw ko. Wala na akong pakealam kung nababastos ko na sya dahil ang kailangan ko ay makalabas sa impyernong to.

"Iha wala akong alam sa mga sinasabi mo." Mas lalo akong naasar sa sinabi nya.

"Ano ba ang kailangan kong gawin para makalabas dito? Yun lang naman ang gusto kong sagutin nyo e."

"Iha kahit ako hindi ko alam ang daan para makalabas ka muli dyan. Tanging ang nakatataas lamang ang nakakaalam noon"

"Pwes, dalhin nyo ako doon" desidido kong sagot. Bigla namang sumulpot uli yung trunk ng puno na nagsasalita kaya napaatras uli ako kahit nakita ko na sya kahapon.

"Hindi ka pwede doon. Ang mga taong katulad mo ay mahigpit na ipinagbabawal sa lugar na iyon. Buti nga kami pa ang nakakita sayo ng mawalan ka ng malay kahapon, kung hindi, baka wala kana ngayon."

Sandali akong natahimik ng magsalita ang matanda.

"Sige. Bukas na bukas, maglalakbay na tayo papunta sa kataas tasaan." Napatingin agad ako sa matanda atsaka ngumiti ng wagas. Nayakap ko sya ng mahigpit.

"Talaga? Salamat po! Maraming salamat po!" Tuwang tuwa kong pasasalamat. Bumitaw na ako sa yakap ko ng medyo matauhan na ako at naisip na hindi pala kami close. Hehe sorry feeling close.

"Kaya maghanda ka na, araw ang aabutin natin para makapunta doon." Nanlaki naman ang mata ko. Teka, maglalakad lang kami? Hindi ba may kapangyarihan sila? Hindi ba nila kaya yung teleportation ganon?

"M-maglalakad tayo?" Tanong ko.

"Oo naman. Bakit? May problema ba?" Napalunok naman ako sa sinabi nya. Aabutin daw kami ng araw? Bakit, gano ba kalayo yon mula dito? Hindi ba talaga pwedeng mag teleport nalang? Haaaaay lakwenta.

"Teka teka, wala ba kayong kapangyarihang telepor--"

"Ang mga ganoong kapangyarihan ay hindi tinataglay ng mga Class C- hindi katulad ng mga Class AB+. Kami ay Class B- lamang kaya hindi kami nagtataglay ng mga matataas na kapangyarihan. Sa susunod na namin ipapaliwanag sayo ang ibang mga impormasyon dahil hindi mo makakayang makuha lahat sa ngayon." Mahabang paliwanag nung puno. Omaygaaaad hindi parin ako makaget over dito. (ToT) Tapos may class-class kuno pa?!

"Kaya magpahinga kana ngayon dahil bukas na bukas, tayo'y magsisimula ng maglakad para makapunta agad tayo roon bago mag isang linggo." Nagtaka naman ako sa sinabi nya. Bakit kailangan makapunta kami doon bago mag pitong araw?

"Bakit naman po?" Takang tanong ko.

"Basta. Sa ngayon, magpahinga ka na. Mamaya na tayo mag plano sa pagpunta natin roon. Ipapaliwanag naman namin sayo lahat at sasagutin namin ang iyong mga katanungan."

Tumango nalang ako imbis na mangulit sakanila. Baka makulam pa nila ako ng wala sa oras. Magkasamang kaba, takot at excited ang nararamdaman ko sa paglalakbay namin. Hindi ko alam kung ano ang totoong itsura ng mundong to. Kung may nagsasalitang puno, hindi imposibleng may tumatahol na baboy diba? Pero isa lang ang alam ko sa ngayon..


Gusto ko ng umuwi at umalis sa mundong to.


-xx-

Storybrooke: The Hidden WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon