Maaga siyang naalimpungatan dahil sa sinag ng araw na tumatagos sa kurtina. Umupo siya at saka sumandal sa headboard ng kama. Damn! Ang ganda ng panaginip niya. Parang totoong-totoo ang mga nangyari. Simula sa pagha-hangout nilang dalawa ng kaibigan niyang si Kha hanggang sa misteryosong lalake na nagpaligaya sa kanya. Ang saya! Tipong siya yung bida sa mga erotic novels na nababasa niya. Napangiti na lamang tuloy siya.
"Good morning!'' rinig niyang may bumati sa kanya at ganoon na lamang ang paglalaki ng kanyang mata. Siya ang lalake sa panaginip niya! Paanong? Fuck!
"What's with that look?" tanong nito sa kanya. Hindi pa rin siya sumagot sa halip ay unti-unti niya nang naaalala ang nangyari.
"Fucking... Shit." mahinang mura niya at saka naman tumawa ang lalake at tumabi sa kanya.
''I love the way you curse, baby. But you know, I want it better when you curse me when we do our thing'' ngumisi pa ito sa kanya na siya namang lalong nagpagigil sa kanya.
''Tangina mo po.'' mura niya rito pero sabi nga ng magulang niya dapat maging magalang sa iba kaya ayun, dinuktungan niya ng po.
''What's with the po?'' tanong nito sa kanya na may halo pa ng ngisi at saka inilapit nito ang mukha sa balikat niya. Ramdam niya ang hininga nito. Idag-dag mo pa ang mabangong amoy nito dahil nakapaligo na ito.
''Sign of respect.''
''Hmm...'' lalo pang inilapit nito ang mukha at siya naman ay napapaatras at konti na lang ay mahuhulog na siya sa kama. Dead End na!
''Ang bango mo, babe.'' sabi nito sa kanya na siya namang nagpanindig sa balahibo niya. Nabuhay kasi ang sensasyon ng alak sa kanya. Kung alak nga ba 'yon pero hindi. Presensya kasi iyon ng binata.
''Tumigil ka nga po.''
''Mz, I know you what you want.''
Idinampi nito ang labi sa kanyang balikat at hnahalikan na siya nito. He started nipping her skin, which made her body shiver. Napapamura na talaga siya. Bakit ba ganito ang nararamdaman niya sa binata?
''Tumigil ka po.'' inilalayo na niya ang ulo nito sa kanyang katawan at saka niya hinigpitan ang hawak niya sa kumot at saka siya agad na tumayo. Kailangan niyang makalayo rito. Iba ang pakiramdam niya sa tuwing malapit ito at ayaw niya iyon. Nawawala siya sa tamang katinuan.
''Okay baby, I will.'' ngumiti pa ito sa kanya at saka nito kinuha ang pagkain na dala nito kanina.
''I know na pagod ka. Don't worry. Makakapaghintay naman ako. Tsaka, hindi ako ang namimilit ng ayaw. I respect your decision.''
Unti-unti siyang lumapit rito at saka nito inayos ang tray. Pagkaupo niya ay inilait nito sa kanya at saka siya nito sinubuan.
''Salamat.''
Iyon na lamang ang sinabi niya rito. Kahit papaano may maipagpapasalamat siya. Kung siguro wala ito roon sa bar baka kung sinong lalake na ang kasama niya. Ang masama pa roon ay baka pinatay na siya. May napapanood siya na pagkatapos lasingin ang babae ay ginagahasa muna ito at saka pinapatay. Yes, naroroon na nga na 'parang' ginahasa siya dahil nakuha nito ang pinakakaingatan niya pero, ginusto rin naman niya iyon. Hinayaan niya ang lalake na dalhin siya sa panibagong mundo na kung saan puro sarap at tamis ang naroroon.
''Bryan Mancilla. That's my name. Baka nakalimutan mo.'' paalala nito sa kanya at saka siya muli sinubuan ng pagkain. It is just hotdogs, fried eggs, and rice. Iyon ang niluto sa kanya. Ayos na para sa kanya dahil gutom na gutom na siya.
''Thank you, Bryan.'' ngumiti siya rito at saka naman inayos nito ang buhok niya at pinony. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang panali pero isa lang talaga ang masasabi niya tungkol rito. He is such a boy scout. Always ready.
''There.'' ngumiti ito sa kanya na siya namang ikinapula niya. Ang gwapo kasi ni Bryan lalo pa at ngumiti ito.
''Maligo ka after mo kumain. I-aabot ko na lang sa iyo ang damit.'' tumayo na ito at saka naman siya hinalikan sa pisngi bago umalis.
''Ayusin ko lang yung kusina.'' paalam nito at saka na tuluyang umalis.
Ano nga pa nga ba ang masasabi niya sa binata? Well, Bryan Mancilla has this aristocratic nose, gray eyes, chiseled face, broad eye brows, and rosy lips. He looks extremely majestic. Parang Diyos na bumaba sa lupa.
Hindi na siya magtataka kung bakit siya bumigay despit the fact that she was drunk last night! Kahit ngayong nahihimasmasan siya talagang naaakit siya rito. Ngayon lang ba talaga niya nakilala at nakita ang lalakeng ito?
Inayos na muna niya ang higaan at saka siya dumiretso sa banyo. Nagbabad muna siya sa ilalim ng shower at saka siya nagsabon. Amoy Bryan ang loob at nahuhumaling siya. Nakakaloka.
''Mz, here is the towel and the clothes. Labas ka na lang pagkatapos. I will wait for you.'' sigaw nito sa likod ng pinto ng banyo. Napangiti ulit siya. Napakamaala-lahanin naman ni Bryan. Hindi niya talaga mapigilan na hindi niya ito magustuhan lalo.
BINABASA MO ANG
Billionaire's karma
RomanceI never thought that love would make me realize how magical it is. I walked away, you do. Now that we were even, would we make things work out? If we really do love one another. Mz met Bryan in not so called romantic way for they started from a co...