Chapter Four

1K 29 5
                                    

Tama nga sila. Parehas lang ang mga lalake. Tipong papa-ibigin ka sa simula, kakausapin hanggang sa papaibigin ka at iiwanan. Akala ko iba si Bryan pero mukhang nagkamali ako. Parehas lang rin pala ito sa iba niyang mga kauri. Hindi lang nagparamdam ng konti, big deal na. Ang masama pa roon, iyon pa ang gagawin nilang katwiran para magmukhang malinis sila, Napaka impokrito!

"Hey, ayos lang 'yan. Makakahanap ka ng mas better kesa dyan kay Bryan." pampalubag-loob sa akin ni Kharu. Buti pa siya, may boyfriend at talagang mahal na mahal siya. Samantalang ako, ayun iniwan pagkatapos pagsawaan.

Tandang-tanda nga ko ang pag-uusap naming dalawa ni Bryan. Tanda ko iyon kahit mag-dadalawang taon na kaming wala.

"Baby! I missed you." Niyakap niya ako ng mahigit at saka ko naramdaman ang labi niya sa aking noo. Gustong-gusto ko talaga na ginagawa niya sa akin ito. Pakiramdam ko, ang taas ng respeto niya sa akin.

"I miss you too, Mz. How was your day? " nakangiti niyang tanong sa akin. Tila nawala ang pagod na naramdaman ko buong magdamag. Makita ko lamang siya na nakangiti sa akin, lumiliwanag na ang madilim kong isipan.

"Nakakapagod nga po. Fifteen hours kasi ang duty ko sa ospital ngayon. Idagdag mo pa na maraming pasyente ang pumunta dahil  bagong taon. Marami ang naputukan. Nakakaawa nga yung iba, kailangang putulan ng daliri. Ang sakit pa naman 'nun. Kaya ayokong nagpapaputok eh. Pero ngayon,  ayos na ayos na ako. Makita lang kita at makasama, ayos na ako. Ayos na ayos." Niyakap ko siya pagkatapos at sa pagyakap ko ay parang may naramdaman akong hindi maganda. Nilayo niya ako at saka direktang tumitig sa akin.

"Mz, I need to tell you something ." Kinakabahan ako pero hindi ko pinapakita sa kanya. Baka hindi naman totoo ang naiisip ko. Baka gawa-gawa ko lamang iyon.

"Hmm. What is it?"

" I am so sorry."

"For what? E ako nga dapat ang humingi ng tawad kasi unti-unti na akong nawawalan ng time. Hindi na tuloy tayo makapagbonding.''

Isa iyon sa mga nakakalungkot kapag nasa medicine ka. Tipong mawawalan ng oras. Yung nakita ko na picture noon na most of the events halos wala ang mga nag-aaral o kaya nasa field ng medisina. Inilalaan kasi namin ang mga oras na iyon para pagserbisyuhan ang iba. Isang nakakalungkot na katotohanan.

''I fell out of love, Mz. I don't love you anymore.''

''Nagbibiro ka lang hindi ba? Bryan! Hindi magandang biro iyan.''

Sana nagbibiro na lamang siya. Sana sabihin niya na joke lang iyon. Hindi ako prepared. Paanong?  Naiiyak na talaga ako.

''Mz...''

''Bryan. Tingnan mo ako sa mata. Sabihin mong... n-nagbibiro ka lang.'' Hindi ko na mapigilang hindi mapiyok. Yung luha ko, umaagos ng lubos. Hindi ko na nga makita siya ng maayos. 

''Mz. I don't love you anymore.''

Napaupo na lamang ako sa sahig. Hindi ko na kaya. Iyon lang ang huling katagang sinabi niya at saka siya tumalikod sa akin at lumakad palayo. Bryan Ryan Mancilla, paano mo nagawa sa akin ito? Anong pagkukulang ko? 

''Mz.'' 

Napatigil na lamang ako sa pagbabalik-tanaw ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni Kha.

Binabangungot na naman ako ng nakaraan ko. Dapat ibinabaon ko na iyon sa limot. Hindi maganda ag magiging kahinatnan nito sa akin kung alalahanin ko lamang ito at sa bandang huli, luluha. 

''Mukhang naalala mo ulit siya.''

Ngumiti lamang ako ng tipid at saka ko kinuha ang coat ko na nakasabit. May duty pa ako.

''Kailangan ko naman siyang ibaon sa limot. At tsaka, nakaraan na iyon. Hindi na magbabago ang nakaraan.''

Kita ko sa mata ni Kharu ang awa. Ayokong kinakaawaan ako. Lalo na ngayon at isa na akong doktor, may pinag-aralan, mataas ang ranggo at tinitingala. 

''Kha, ano, halika rounds na tayo?''

Lumapit siya sa akin at saka niya pinisil ang pisngi ko. Mukhang pinaglilihian niya ata ako. Panigurado, maganda o gwapo ang anak nito. Ako ba naman ang paglilihian. 

''Sure, Doctor Arevalo. halika na!''

****

It is good to be back. After that tiring flight, I finally can have a decent sleep. 

''Captain Mancilla, what are your plans for today?'' Mark asked.

I just smiled at him and put my aviators. Mahirap na baka pagkaguluhan na naman ako. Habulin pa naman ako hindi lang ng babae pati ng press.

''The usual... Magtatago sa kanila.''

Tinawanan niya lamang ako at saka niya ako inakbayan. Kung hindi ko lang talaga ito kilala ng matagal baka napagkamalan ko na isa ito sa may gusto sa akin. 

''Hanggang ngayon ba naman ganyan ang routine mo. Man, kung ako sa iyo let's hang out! Next week pa ang next flight natin.''

It is really tempting. Matagal na rin nung huli akong mag bar. Well, iyon naman ang tinutukoy na hang out ni Mark. 

''Wala akong pera.''

Tinawanan lang niya ako at ang lakas pa. Yung mga stewardess na kasama namin sa flight, nakatingin na. 

''Ikaw? Walang pera? You really are kidding me. Man, alam naman nating dalawa na kaya ka lang naman nagtatrabaho ay dahil sa gusto mo. Kahit hindi ka na nga magtrabaho, may pera ka na. Kung gugustuhin mo nga, kaya mong bilhin ang anumang gusto mo. Kaya kung ako sa iyo, mag resign  ka na. Para ako naman ang captain.''

Binatukan ko nga ito. May balak pa itong demonyohin ang isipan ko. Anong resign? Pinapatawa talaga siya nito. 

''Tumigil ka nga dyan. Alam ko na  alam mo ang usapan nating dalawa. May airline na ba ako? Wala pa hindi ba? May asawa na ba ako? Wala pa. Man, I am free. Fucking free!'' 

''You have this order with women that 'no strings attached'. Kaya malamang free ka. You,  Captain Bryan Ryan Mancilla.''

"Well, that's me.'' 

Tumawa na lamang ako Ganun naman kasi talaga ako. I am committed with a no strings attached relationship. Kaya nga siguro karma ko na ang nagbigay sa akin ng leksyon noon. I don't deserve to be loved. Lalo na yung pinakamamahal ko, iniwan at sinabihan ko ng masamang salita.

Well, if I can turn back time, I will.

 It's been two years. Panigurado ay may iba na itong boyfriend. For sure proud na proud yung lalake sa kanya. Matalino, mabait, hindi makabasag pinggan. 

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hangang sa may nakita akong isang poster doon sa may malapit sa may monitored flights.

''Mz...''

Siya iyon... Hindi ako maaaring magkamali. 

Billionaire's karmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon