Naglakad-lakad muna ako rito sa park. Matagal na rin akong hindi nakakadalaw rito gawa maraming ginagawa sa ospital. Minsan kasi kahit hindi ko naman duty may mga seminars na kailangan at palagi akong pinapatawag ng senior namin. Buti na lang talaga at maayos ang gawa ko kaya hindi gaano napapagalitan kaso, tambak nga lang sa trabaho.
"Hi doctora!" bati sa akin nung batang babae. Nginitian ko ito at saka ko inilagay ang buhok niya sa likod ng tenga nito.
"Hi baby girl. How are you?"
Umupo ako para magkatapat kami at saka ko hinawakan ang kanyang mga kamay.
"I am good po. Alam niyo doctora, gusto ko ring magsuot ng ganyan." tinuro niya ang stethoscope na nasa bulsa ng uniform ko.
Kinuha ko iyon at saka ko isinuot sa kanya. Wala namang masama kung maranasan man lang ng bata na makasuot nito. Tsaka malay natin na dahil natupad ang kagustuhan niya talagang magiging isang doktor siya balang araw. Hindi naman natin masabi kung ano ang mangyayari sa atin.
Itinapat ko ang dulo ng stethoscope sa dibdib ko para may marinig siya. Kita ko sa kanyang mukha ang pagkamangha. Nakakatuwa naman.
"Wow! Ayun oh. Dug. Dug. Dug... Natunog doktora." manghang sabi niya. Nginitian ko lamang siya at saka ko inalis ang earpiece sa tenga niya para marinig niya ang sasabihin ko.
"Ang tawag sa tunog, heartbeat. Iyon yung tunog na nanggagaling sa heart natin. Dito." tinuro ko ang left side ng chest niya at saka niya ako biglang niyakap. Nagulat ako pero mas nanaig sa akin ang tuwa kaya niyakap ko lang siya pabalik.
"Ang cool pala ng heart natin! Kaso, hindi ba napapagod ang heart natin sa pagtibok? Tunog siya ng tunog o."
Natuwa naman ako sa tanong niya. Ang mga bata talaga, matatanong.
"May times na napapagod si heart. Syempre nakakapagod namang tumibok ng tumibok hindi ba? Tsaka minsan may mga pagkakataon na kahit mabilis yung pintig ng puso natin, masaya pa rin tayo."
"Po?"
"Alam mo kasi baby girl, kapag inlove ang isang tao mabilis yung heartbeat niya. As in mabilis. Dug.Dug.Dug.Dug.Dug. Ganoon. Pero hindi napapagod si heart kasi masaya siya." paliwanag ko.
Napakamot naman ang bata at saka niya muli sinuot yung earpiece at inilagay sa tenga. Kinuha niya rin yung bell na siyang dulo ng stethoscope. Itinapat niya iyon muli sa dibdib ko.
"Ay! Ang bilis ng sa inyo doktora! Inlove ka po!"
Napatawa na lamang ako at saka ko kinuha ang stethoscope sa kanya. Itong batang ito talaga. Anong inlove. Hindi ano.
"Hindi baby. Hindi inlove si doktora."
"Bakit naman po?"
"Kasi..."
Teka paano ko ba sasabihin sa bata na iniwan kasi ako ng boyfriend ko at sinabing hindi na niya ako mahal. Ang hirap naman nun.
"Kasi?"
"Kasi... Hindi ko pa nahahanap si prince charming." nginitian ko na lamang siya at saka ko siya isinama papunta sa swing.
Doon na ako palagi natambay at hindi na sa may puno. Maraming memorya ang naaalala ko kapag doon ako nagpapalipas ng oras. Binibisita ko na lamang iyon at ang palaging pumapasok sa isipan ko ay ang salitang tanga. Tanga na minahal ko siya. Na minahal ko si Bryan. Ako na ang tanga. May pa only you pa ako nalalaman. Haha.
"Oh? Parehas pala kayo ni kuyang gwapo!"
Ha? Ano raw.
"Ha?"
"Doktora may kuyang gwapo po ang naroroon! Kanina pinuntahan ko siya at tinanong tapos... Tapos wala na raw siyang princess. Hindi na raw niya makita."
Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko. Hindi naman halatang madaldal ang batang ito. Nakakatuwa na hindi rin. Mamaya sabihan ko ng secret, ipagkalat niya. Pero di ba mas kapanipaniwala ang mga bata dahil hindi raw sila nagsisinungaling.
"Baby, may mga tao kasi na talagang itinakda upang maghintay at makasama natin. Tulad na lamang ng mga prince. Hindi ba bagay sila sa princess. Yung king, sa queen lang di ba? Ganoon rin siguro kay kuya gwapong sinasabi mo. Baka hindi naman talaga niya princess yun kaya hindi na ulit sila nagkita."
Parang kami lang. Hindi para sa isa't-isa.
"Sayang naman po yun kung ganun doktora. Eh di mali po palagi si cupid?"
Napatawa ako sa sinabi niya. Paanong nadamay naman si cupid at ang bata niya pa para malaman ito. Baka maguluhan lang ang bata.
"Sabihin nating kailangan ni cupid ng salamin. Hahaha."
Sabay kaming tumawa pero bigla na lamang akong hinatak nung bata at sumunod lang ako sa kanya. Gusto kong pigilan yung bata dahil yung daang tinatahak namin pamilyar sa akin. Ito yung...
"Pero doktora, tulungan mo si kuya oh. Mukha siyang sad. Diba doktor ka. Kaya mo siyang gamutin! Para happy na siya ulit. Ba-bye!"
Iniwan na lang ako nung bata basta kaya tiningnan ko na lamang ang lugar hanggang sa may natanaw akong lalake na nakasandal sa puno.
Hindi naman sana siya. Hindi pa ako prepared na makita siya muli. Ayoko pa.
Pero dahil mausisa pa rin ako, lumapit ako hanggang sa bigla na lamang tumingin sa akin yung lalake. Nagkatitigan kami at hindi ko alam kung sino ba sa aming dalawa ang unang iiwas ng tingin. Ako ba o siya?
"Mz..." "Bryan..."
Halos sabay naming bangit tila nawala lahat ng mga gusto kong sabihin pagnakita ko siyang muli. Instead, nanumbalik ang sakit sa puso ko. Yung pag-iiwan niya sa akin..
Lumapit ako sa kanya habang yung kamay ko nangangating masampal siya. Yung katawan ko nanginginig dahil sa galit at lungkot. Wala naman kasi siyang rason na binigay noon kung bakit niya ako iniwan. Kung sinabi niya lang siguro, sana naintindihan ko at hindi ganito kasakit ang nararamdaman ko.
"Mz.. Sorry." yumuko siya at n "Mz.. nanginginig ang balikat niya. Umiiyak siya. Siguro kung ako pa ang dating Mz na nakilala niya, yayakapin ko siya at tatanungin kung bakit siya naiyak kaso wala na ang dating Mz. Winasak na niya ito. Patay na ang dating ako.
"Sorry? Sorry! Come on Bryan! Sorry? Yan lang ang masasabi mo? You're a shit!"
"Mz. I am sorry. Sorry kung iniwan kita. Pinagsisihan ko talaga iyon."
Tiningnan na niya ako at sa pagtingin niyang iyon ay ang pagsalpak ng palad ko sa pisngi niya."You should! Bryan! All this time humihingi ako ng reason kung bakit yet you still don't give me one. Instead, you just ran away. Daig mo pa ang mga runaway bride kung ganun." sabi ko sa kanya halatang may galit at disgusto.
"I want to give you the reasons, Mz. But please, hear me. Please." he pleaded. Wala naman akong magagawa. Kailangan ko na ring sigurong malaman ang rason. Para maghilom na ang sugat ko galing sa kanya or... Hindi dahil magiging sariwa lang muli ito.
"Mz.. I thought I am Rye's...father.''
Rye? Sino naman ito.
BINABASA MO ANG
Billionaire's karma
RomantikI never thought that love would make me realize how magical it is. I walked away, you do. Now that we were even, would we make things work out? If we really do love one another. Mz met Bryan in not so called romantic way for they started from a co...