Chapter Three

1.9K 41 2
                                    

Magkahawak kamay sila habang naghahanap ng damit niya. Kanina lamang, pagkatapos nilang kumain ay naulit muli ang nangyari kagabi. Hindi nga niya alam sa sarili niya kung anong kilig ang naramdaman niya habang hinahalikan siya nito kanina. Ang sarap na hindi niya maipaliwanag. Ewan

''Which one do you like?'' tanong sa kanya ni Bryan habang may hawak itong kulay asul na dress sa kanang kamay at isang peach dress naman sa kaliwa. Parehas na maganda ang hawak na damit nito kaya hindi nya alam kung anong pipiliin niya sa dalawa.

''Blue na lang.'' ngumiti siya rito at saka nito ibinigay ang asul na dress sa sales lady at sinabing kukunin na ito.

Bakit nga ba siya binilihan nito ng damit? Pannong hindi, ang suot niyang polo ay ang polo ni Bryan tapos nakaleggings na lamang siya. Idag-dag pa na nakaflat shoes lang siya kaya, halatang-halata ang malaking diperesya nilang dalawa sa height.

After nilang bayaran ang damit ay nagtungo sila sa comfort room para magpalit. Nagmumukhang alalay na siya nito kahit na naka v-neck t-shirt na kulay puti ito na siyang halata ang matitipunong muscles nito! Grabe! Ulalam! Nag ayos siya ng buhok, sinuklay niya ito at saka nilagyan ng clip ang kanang bahagi. Medyo kulot naman ang buhok niya na siyang nasa bandang dulo at mahaba ito na aakalain mong katulad ng sa sirena. Nagpoloos lang siya at saka naglagay ng lip balm.

Pagkalabas pa lamang niya sa pinto ng cr ay tanaw na niya ang taong nakasandal na parang model. Damn! Ang swerte niya!

''Hi!..'' bati niya at saka ito ngumiti sa kanya.

Hinawakan nito ang pingi niya at saka hinaplos. Napapapikit na lamang siya sa nabubuong intensidad sa kanyang katawan. Inilapit nito ang mukha sa kanya na lalong nagpapabaliw sa katinuan niya. Yung paghinga niya gusto niya pigilan kasi masyado na siyang apektado sa presensya ni Bryan.

''You look beautiful. Every time I looked at you, you take my breath away.'' rinig niya sabi nito at saka niya naramdaman ang pagdampi ng labi nito sa noo, pisngi at sa labi niya.

Hindi niya alam kung ano ang maaari niyang gawin o kaya ikilos. Tuwing nariyan at malapit sa kanya si Bryan tila nawawala siya sa mundo at sarili niya. Ano nga ba kasi ng meron rito?

"Come. We still have..." tumingin muna ito sa relo at saka nagsalita. "6 hours to go bago kita ihatid sa inyo."

Natutuwa siya dahil naisipan nito na ihatid siya pauwi. Sabagay, naiwan niya ang kotse niya sa bar na pinuntahan nila ni Kharu. Babalikan na lamang niya iyon roon pag uwi niya.

Sa anim na oras na iyon ay nanood silang dalawa ng sine. Doctor Strange ng palabas. May powers na mabago ang time ang bida at sana nga meron ganoon. Idagdag mo pa na nakakatuwa ang reaksyon nito. Rinig nga niya ang reklamo ng nasa likod nila. Tapos, nagpunta sila sa bowling alley at naglaro. Halos ibato na niya ang bola kay Bryan dahil sa inis. Di bale, babawi siya. Sumunod naman ay nag ice cream sila sa Cold stone. Iyon yung binabato yung cup na may ice cream. Tuwang tuwa nga siya ng masambot niya ang inorder niyng red velvet sorbet. At ngayon, nasa isang restaurant sila na siyang konti lakad na lamag ay condominium na niya.

"Thank you for this day. "
Ngumiti siya rito.

"No problem. As long as you are happy. I am good."

Kinuha nito ang kamay niya at saka hinagkan. Oh, dear God. What does she have to do now?

"Bryan Ryan Mancilla. I am a pilot, 27 years of existence. Handsome. Ultimate hot." Natatawa siya sa pagpapakilala nito. Yes, alam naman niyang hot yung tao. Stated na.

"Mary Zane Kirth Arevalo. 22, soon to be a good, sexy, alluring, and captivating doctor." She smirk at him at natawa naman siya nang kagatin nito ang ibabang labi.

"My sexy doctor e, wow."

"A sexy and handsome pilot, are you?"

Tawanan lamang sila ng tawanan hanggang sa lumubog na nga ang araw, nagkaroon na ng mga bituin sa langit at nagiba na ang simoy nang hangin.

"Dito ka pala nakatira. Nice. "

Hinatid kasi siya nito sa condominium niya sa Taguig. Ayaw pa nga niya kaso mapilit. Hindi raw kasi siya makakampante na makakauwi siya ng ligtas.

"Thank you. Mukhang living room mo nga lang ang room ko."

Which is exactly true enough. Ang laki kasi ng suite ni Bryan. Kanina nga lamang habang pababa sila ay may sarili itong elevator. Who wouldn't think that it is the penthouse of one of the most exclusive condominiums in Asia? Ang ganda kasi at masyadong magarbo pero not to the point na nakakaasiwa sa sobrang ganda. Ibang ganda, classy, elegant, and modern. Gusto niya ang ganoong klaseng condo.

"No worries about the space. As long as you are comfortable with this room you have, it is still fine with me. Dito ka nakatira e," kumindat pa ito sa kanya.

Ano ba ang gagawin niya sa damdamin niya para sa lalakeng ito? Nahuhulog na siya pero mukhang hindi siya nito kayang mahalin. Ang saklap talaga ng buhay niya

Billionaire's karmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon