Nakakapagod. Kakatapos lang ng operation. Yung patient niya, nanganak na. Nakakatuwa.
''Hey.'' tawag sa akin ni Dr. Kang, one of the obstetric team that I belonged into. Nginitian ko siya at saka ko itinapon ang gloves at face mask na suot ko kanina.
''Ang galing mo kanina.''
''Hindi lang naman ako. You also did well.'' sagot ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at saka kami lumabas ng operating room.
''May naghihintay ba sa iyo?'' I asked
''Ah, yeah. Alam mo naman si Stephan.'' nahihiya pa nitong sabi sa akin.
Hindi ko talaga mapigilang hindi mainggit sa mga kaibigan ko na may mga asawa at nobyo na. Siguro kung hindi nangyari noon, kami pa rin siguro. Pero, pala-isipan pa rin sa akin ang dahilan ni Bryan. To be honest, nag-iisip ako ng pwede niyang dahilan kug bakit humantong kami sa hiwalayan.
Maaaring dahil sa nawalan na ako ng oras sa kanya lalo na nung magsimula na ako sa residency. Pwede rin na hindi ko siya pinansin nung humihingi ito ng tawad dahil sa nangyaring nagselos ako nang pumayag siyang halikan sa labi nung kaibigan niya na nangyaring ex-fling pala niya. Halo-halo na ang nai-isip ko kung bakit ganoon na lamang kami natapos.
''Mz...'' tawag muli sa akin ni Dr. Kang. Palagi na lamang ako natutulala. Malala na ito.
''Ha? Ano ulit iyon?''
''Just what I am saying, alam mo naman si Stephan. Kaya mauuna na sana ako. Mainipin kasi iyon.''
''Sure. Enjoy your date!.''
''Sure.''
Umalis na ito at saka na lamang ako nagtungo sa vending machine. Nauhaw na lamang ako bigla. Pagkatapos ko sa vending machine nakita ko na lamang sa screen ng television kung saan nakalagay roon sa may lobby ang isang taong bumabagabang sa puso at isipan ko. Noon man o ngayon.
''Bryan...''
"Nandito ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap. Sabi nung nurse tapos na raw yung operation. Mz. Nakikinig ka ba?"
Nginitian ko si Kharu at saka ko siya iniharap roon sa screen. Miski siya nagulat. Yes, I know natatandaan niya ito.
"So, bumalik na pala siya. Nice. You will make him pay. Ipaparanas natin diyan sa walang kwenta mong ex ang salitang paghihiganti." sabi niya habang nakatingin pa rin sa screen. Dapat siguro hindi ko na lamang sa kanya ipinakita iyon.
"Maghihiganti? Bale wala rin naman kung maghihiganti ako. Walang mangyayari. Besides, it will not change the past, which made me who I am today. Utang na loob ko pa nga sa kanya ito."
Tama naman. Walang mangyayari. Sabihin nating magkita kami ulit ni Bryan, bale wala dahil nakaraan na iyon. With addition to that, I don't live in the past. I live in the present and for the future ahead.
"Beb, anong utang na loob? Wala kang utang dyan. Kung anong meron ka ngayon iyon ay dahil nagsikap ka. You earned to be one of the highly skilled resident obstretician here in Grey-Trousè Hospital. It is you all alone
Hindi siya. Kaya Dra. Mary Zane Kirth Arevalo tigilan mo na iyan. You will make him pay. You are his biggest karma.''Napailing na lamang ako. Talagang persistent ang kaibigan kong ito. Pero may point naman ito. Tama. Hindi kasali sa kung anong meron ako si Bryan. Kung anong meron ako iyon ay dahil sa ginawa ko at hindi sa kanya.
Well, I can't wait to see you again.
Mister Bryan Ryan Mancilla.
Co-president of JSM Enterprises and one of the most known pilots not just here in the country but in the world.I am your biggest karma.
"I think I sense a big event." panunukso sa akin ni Kharu. I know she already knew what's in my mind. Halos parehas ang takbo ng utak naming dalawa.
"Well, hindi na ako makapaghintay." ngumiti ako at saka na kami bumalik sa aming mga department. Mamaya hinahanap na kami. Mahirap yun.
Pagkarating ko sa 6th floor kung saan naroon ang department. Nakasalubong ko ang isa sa mga ka-team ko. Hinahanap raw ako ni Professor Torres, yung superior ko.
"Sir." kumatok ako pagkatapos at saka ko binuksan ang pinto.
"Mz, upo ka."
I do what he said so. Umupo ako sa tapat ng table niya. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinatawag pero hindi naman siguro ito sa pagmamanage ko kanina sa delivery Huwag naman sana.
"Sir. Dahil po ba ito ka—"
"No. Stop thinking of I want to thank you dahil ikaw ang naglead kanina habang nasa head meeting ako." pagputol niya sa akin. Nakahinga ako ng maayos dahil sa sinabi niya. Kala ko talaga.
"Welcome po sir." ngumiti ako at saka ko muli tiningnan ito.
"Where I am saying, Thank you. Bukod pa roon may nagrequest kasi na vip na ikaw raw ang magcheck up sa kanya. Her cousin recommends you, and sthr VIP want you to check on every month. Ikaw na ang magmo-monitor sa kanya."
That makes me happy. Hindi naman kasi ako makapaniwala na isang VIP ang magiging patient ko.
"Okay sir. Pero pwede po ba malaman kung sino ang nagrecommend sa kanya?"
"Hindi ko tanda ang pangalan. But all I knew that he is a great pilot."
Marami namang pilot di ba? Hindi lang naman siya. Kaya bakit parang binuhusan ako ng malamig na tibig rito.
Lumabas na ako pagkatapos at saka na ako nag rounds. May mga titingnan pa akong mga nakaconfine na pasyente. Kailangan ko na talagang libangin ang sarili ko!
********
"Bryan!" kilala ko ang boses na iyon at ngayon pa lang gusto ko nang bumalik sa loob at hindi na lumabas. Bakit ko nga ba nakalimutan na si Tiffany ang isa sa mga susundo dahil dala nito ang sasakyan ko.
"Kamusta ka na Tiff? Mukhang lumulusog ka na." panukso ko rito.
Ngumuso pa ito sa akin at saka naman pinisil ang pisngi ko. Masakit a.
"Isa, Tiff." I warned her. Masakit na talaga.
"Nakapanggigigil naman ang pisngi mo. Bakit kasi ang gwapo ko? Pero, hooray! Magiging gwapo ang magiging inaanak mo."
"Kung bakit gwapo ako. Pinanganak na akong gwapo."
Tinawanan niya lamang ako at saka kinurot ang tagiliran ko.
Kung hindi lang talaga ito buntis.
"Ang hangin mo naman masyado. May butas ba ang eroplanong pinalipad mo? Mukhang hangin na lamang ang laman" sagot niya sa akin. More likely pang iinis. Hindi ata makapaniwala sa kagwapuhan ko.
"May ipagyayabang naman kasi talaga ako. "
Inakay ko na ito sa loob ng sasakyan. Mamaya topakin naman ito.
Kinuha ko na yung susi na binigay sa akin ng driver ng pinsan kong ito at saka ko minaneho ang sasakyang nasa likod lamang nito.
Namiss ko ito.
"Sumunod ka sa amin a. May pupuntahan pa ako."
"Tiffany pagod ako sa byahe." pagdadahilan ko rito.
"Ewan sa iyo. Ikaw pagod? Baka sabihin mo maghahanap ka ng ka warmer mo. Ang lantod mo talaga!"
Ngumisi ako at saka ko pinindot ang roof para bumaba ito. Inapakan ko ang accelerator at hanggang sa magkarapat ang bintana nito at ako.
"I know and I am proud."
"Sus. Mamaya magka STD ka dyan. Makarma ka."
'STD? Safe ako. About karma, No worries and 'I already experiencing it."
"Buti nga sa iyo. Ang gago mo kasi."
I know Tiffany. I know.
Gago kasi ako at iniwan ko siya.
BINABASA MO ANG
Billionaire's karma
RomanceI never thought that love would make me realize how magical it is. I walked away, you do. Now that we were even, would we make things work out? If we really do love one another. Mz met Bryan in not so called romantic way for they started from a co...