"Love is a game and I wanna play."
LARA
"One strawberry yogurt ice cream and chocolate chip supree."
Nakangiti si Jett habang ibinigay ang order namin sa babaeng nagtatrabaho sa counter. Pumunta kami ni Jett sa Heartpump Ice Cream parlor na bagong bukas lang sa subdivision. Sabi niya kasi, para mapatawad daw niya ako, ay dapat ilibre ko daw muna siya sa ice cream. Ang galing noh?
Nakangiti siya ng parang bata habang pasimangot kong inabot ang bayad. Grabe! Magaling tong blackmailer. Pasalamat siya at pinahahalagahan ko ang pangako ko kay mama at papa kung hindi matagal ko ng tiniris ang ulo neto.
"Okay lang po kayo Miss?" tanong ng babae. Mukhang kasing idad lang namin ang babae. Hindi natanggal ang kanyang ngiti kahit nung tinanong niya ako.
"I'm fine."
"Nako po, after you taste our latest ice creams mawawala na po yang simangot niyo!" masaya niyang sabi.
Sumandal si Jett sa counter at ngumiti sa babae. "I agree, yung nags'serve pa nga lang napapangiti na 'ko paano pa kaya yung ice cream diba?"
Nakasimangot pa rin ako habang kinindatan ni Jett yung babaeng mukhang kamatis na sa sobrang pula. Ugh! May nakatago siguro tong bulsa para sa kalandiaang dinadala niya kung san-san.
"I-I'll just fetch your order po." nahihiyang sabi ng babae.
Tumngin sa akin si Jett. "What?"
"Kadiri ka, alam mo yun?"
"Bakit? Ano ba sinabi ko sa'kanya!" natatawang tanong ni Jett. I just rolled my eyes at him. "Gusto mo bang sayo lang ang atensyon ko?"
Sinapak ko siya sa brasa. At nagsimulang maglakad patungo sa pintuan.
"Hoy! Joke lang naman. Grabe, you're more KJ than Chrissy." hinila niya 'ko pabalik. Inirapan ko siya ngunit hindi niya ito nakita dahil agad siyang tumingin sa labas. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko agad sa ang lalakeng may kulay asul sa buhok. Sean Blue Carson.
Pinakawalan ako ni Jett at tumingin sa direksyon namin si Blue. Nagkawayan ang dalawa. "Saglit lang, kunin mo na lang orders natin ha. Be right back."
Kinindatan niya ko bago siya dumertso kay Blue. Sa tingin niya ba na mapapasunod niya ko dahil sa kindat niya? Ugh. What an idiot.
"Hoy! Wag ka ngang mangiwan!" sumigaw ako ngunit nasa labas na siya. Ugh! Buti na lang at hindi kami naguusap madalas sa school dahil sa iba't ibang schedules namin, kung 'di ay matagal ko na talaga itong kinaaway.
Halos 1,000 kasi ang estudyante sa Carson, 400 sa middle school at 600 sa High School. Kaya sa dinami-daming estudyante ay imposibleng makilala o makausap lahat ng nag-aaral doon.
Bumalik na yung babae at inabot sa akin ang orders namin. "One strawberry yogurt and one choco chip supreme!"
"Thanks." kinuha ko ang ice cream na nasa counter.
"Oh asan na yung ka-date mo?" ngiti ng babae.
Lumingon ako sa labas. "Hindi ko yung ka-date noh!"
The girl looked taken back. "Oh, manliligaw ba? Well, gwapo siya huh. If I were you matagal ko na yun sinagot."
I rolled my eyes. Grabe ha. "Well miss, hindi ikaw ako. Tsaka that guy is a big a-hole, us girls can do so much better than... that."
Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Tinalikuran ko siya at nakita kong naguusap parin sila ni Blue. I hate Jett so much. Ewan ko kung bakit sobra ang galit ko sa'kanya! Yung tipong galit na napapakunot ang noo mo kapag naririnig mo ang pangalan niya o nakikita siya.
BINABASA MO ANG
ON HOLD
Teen FictionBuong buhay ni Lara Lennards, all she did was protect her heart from pain. Never siyang nagkaroon ng crush o pagtingin sa isang tao. Pagpasok niya bilang high-school sophomore, akala niya okay na ang lahat. Akala niya safe na siya sa comfort zone ni...