"Expect the unexpected."
ELLA's POV
Binalik yung cast sa braso ko matapos ang sleepover namin sa bahay ni Chris. Medyo awkward ang pagkain ko ng chopsticks sa kanan kong kamay dahil nahihirapan akong gumamit ng spoon and fork. Nasa cafeteria kaming magkakaibigan.
Kahapon, hindi pinatapos ni Joy ang klase. Bago pa mag lunch ay umuwi na siya agad, ang excuse niya ay sumsakit daw yung tiyan niya.
Bago pa kami nakapunta sa bahay nila tumawag na agad si tita Maribelle na mama ni Joy.
Sinabihan niya kami na bisitahin daw si Joy sa bahay dahil umiiyak daw siya at nagkulong sa kwarto. Malakas din daw yung pagtugtog niya ng taylo swift songs.
Pumasok kami sa kwarto niyang pinaliligiran ng kulay pink. Buhay na buhay ang kwarto niya at maliwanag ang paligid ngunit kalungkutan lang ang naramdaman namin.
Iyak siya ng iyak at naglabas ng sama ng loob. Inamin niya na mahal niya parin si Mj at medyo nag overreact lang siya. Siguro kung nasa posisyon ko siya ay gagawin ko rin ang ginawa niya.
Matapos niyang ilabas ang sama ng loob niya ay nilibre kaming lahat ni Chris at Via sa isang frozen yogurt shop.
Ngayon, medyo okay na si Joy. "Makikipag bati ka ba sa'kanya?"
Joy simply shrugged. "Ewan. Gusto ko, pero matapos ang away namin, nahihiya na 'kong kausapin siya. Tsaka medyo masama parin loob ko sa'kanya noh."
"Seriously?" tumaas ang kilay ni Via. "Nakakain ka na ng 5 ice cream kahapon tapos may sama ng loob ka parin? Grabe ha."
Nagpakita ng maliit na ngiti si Joy. Sa gilid ko ay nag d-drawing si Chris at Lara ng doodle sa cast ko. Nakasimangot si Chris habang nagd-doodle habang panay naman ang ngiti ni Lara. "Um... Okay ka lang Chrissy?"
"I just can't believe he's back." irita niyang pagsabi. Binalita ni Chris at ng iba pa naming kaklase na nakita niya daw si Blue kahapon sa campus' gates. Nagulat ako nung narinig ko ito at medyo nainis na rin.
"Me too! Diba sabi niya never na siyang babalik dito?" aniya ko.
Sumimangot si Joy. "Sino?"
Pumasok si Joy sa Carson High noong grade 8 kami at umalis si Blue noong grade 7, kaya hindi siya kilala ni Joy.
"Si Sean Blue Carson." iritang sabi ni Chris.
Maslalaong kumunot ang noo ni Joy at ngumuso siya. "Is he kuya Grey's brother? At bat parang naiirita ka sa'kanya?"
Hindi nagsalita si Chris. "Kasi naman 'tong si Chris, best friend niya dati si Blue bago naging bulakbol at sira ulo yang pinsan ko."
Nanlaki ang mata ni Joy. "Pinsan mo si Blue? Meaning pati rin si Grey? Wow. Colorful pangalan nila ha."
Tumawa si Joy.
"Um.. yeah? Sa side ni mommy."
"WHAT?! Bakit ngayon ko lang toh nalaman?" tanong ni Joy. Ngumiti naman si Via at nag shrug. "I can't believe kamaganak mo ang may ng school. That's big bruh."
Ngumiti ako at tinignan ang cellphone ko. Nag text si Max at maslalo akong ngumiti. Binuksan ko ito at binasa ng tahimik.
Crush kong gwapo:
Good morning Ella! How are you doing? I heard that you got your cast back on? :)
Binuksan ko yung isa niya pang message na kakarating lang.
Crush kong gwapo:
Na mention ko na ba na ang tangos ng ilong mo? Look to your right El
Tumingin ako sa kanan ko at nakita ko si Max na nakatitig sa'kin. Kinilig ako ng sobra ngunit sinubukan ko itong pigilan, which by the way is impossible. Ngumisi siya at kumaway bago bumalik sa pag kain niya.
BINABASA MO ANG
ON HOLD
Teen FictionBuong buhay ni Lara Lennards, all she did was protect her heart from pain. Never siyang nagkaroon ng crush o pagtingin sa isang tao. Pagpasok niya bilang high-school sophomore, akala niya okay na ang lahat. Akala niya safe na siya sa comfort zone ni...