Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte

Chapter 5

216K 4K 390
                                    

Chapter 5

My phone was ringing so I immediately searched for it in my bag. Sinulyapan ko si Akiro na busy pagmamaneho pagkabasa ko sa screen kung sino ang tumatawag.

Umirap ako sa kawalan. I didn't expect she would call me. "Hello?"

"Ate!"

Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig sa boses ng kapatid ko. I thought it was my mom calling.

"Annika!" Umayos ako ng upo. "How are you, baby?"

Ang tagal na rin simula noong huli kaming nag-usap magkapatid.

"When are you gonna visit me? Don't you miss me, huh? We haven't seen each other for months."

"Ate's been very busy, Annika. I'm sorry."

Hindi siya umimik. Ramdam kong sinusulyapan ako ni Akiro kapag may pagkakataon.

"How's my baby?"

"Doing good."

Nagtatampo talaga. Ang tipid niyang sumagot.

Kinuha ko ang bottled water sa harapan ko at uminom, nag-iisip ng sasabihin kay Annika. Sa kabila ng batang edad niya ay hindi ko maitatanggi ang talino ng kapatid ko.

Pinanood ko ang nadaraanan naming buildings. "I promise we'll see each other soon."

"Just do it, ate."

Natapos ang pag-uusap namin. Pati siya ay nadadamay sa problema ko sa parents namin.

"Is that Annika?" Akiro asked.

"Yup! I actually thought it's my mom." My parents and I were not on good terms and he was aware of it.

Nakahanap agad siya ng parking space at itinigil ang sasakyan. He was about to say something but I stopped him with a kiss on the cheek. Palayo na ako nang bigla niyang hawakan ang batok ko. Titig na titig siya sa mga mata ko.

"Bakit sa pisngi lang? Gusto ko sa lips," pilyo niyang sabi.

I cupped his face and moved closer to kiss him, but immediately stopped because of a loud knock on the passenger window.

Rumehistro ang inis sa mukha niya. "Tangina, istorbo!"

I turned to face the window, laughing at his reaction. Ibinaba ng lalaki ang mukha. Nabura ang ngiti ko at agad na nilingon si Akiro na nakatingin na sa cellphone niyang nag-iingay.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Hello..." kausap ni Akiro sa kung sinong tumawag sa kanya. "All right! Ihahatid ko lang si Allison then deretso na ako sa library."

Hinawakan ko ang braso ni Akiro at umiling. Umulit ang malakas na katok sa bintana. Hindi na ako nag-aksaya ng oras sa takot sa maaari niyang gawin.

I got out of the car unable to look into Reid's eyes. Sinilip ko si Akiro at isinenyas ang cellphone niya.

Nilagpasan ko si Reid pero mabilis niyang nahablot ang braso ko. Hinila niya ako papunta sa sasakyan niya.

My heart was pounding fast against my chest. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok dahil pinagtitinginan na rin kami ng mga tao rito sa parking.

"Saan tayo pupunta?" lakas-loob kong tanong.

He didn't answer me and just started the engine. Napansin ko ang kanan niyang kamay. Namamaga ito at may sugat. Mabilis niyang pinaandar ang sasakyan at wala akong magawa dahil sa takot.

"Call Hera," he commanded.

Kumunot ang noo ko. "What for?"

Nasa Zambales siya, iyon ang sabi niya. Anong ginagawa niya rito?

"Tell her that you won't attend your classes."

"What? No!"

Nilingon niya ako at nakatatakot ang tinging ipinukol niya sa akin. His eyes darkened leaving me no choice. Hinanap ko ang cellphone ko pero hindi ko makapa sa bag. Inihagis niya ang cellphone niya bigla at mabuti ay nasalo ito ng kandungan ko.

Kinuha ko ito at nai-dial ang number ni Hera.

"Turn on the speaker phone," he said.

Sinunod ko ang sinabi niya at saktong sinagot ni Hera ang tawag.

"Hello?"

"Hera, it's me," I said, looking straight ahead. "Hindi ako makapapasok. Ayaw ni Reid—"

"Ano siya, batas?!" malakas niyang putol sa akin. "Kahit boto ako sa kanya, hindi pwede 'yang ganyan na hindi ka na lang niya papapasukin bigla—"

"It's on speaker mode," I stopped her.

"What? Shit!" And she abruptly ended the call.

Iniabot ko ang cellphone kay Reid na hindi siya tinitingnan.

"Birds of the same feathers flock together. Mag-best friend nga kayo." Inagaw niya sa akin ang cellphone.

Mas tumindi ang kaba ko nang napansing ang daan patungo sa bahay niya ang tinatahak namin. Pumasok agad ako sa bahay at dumeretso sa kwarto ko. Isasara ko na ito nang bigla niyang piitin ang pinto.

Hinayaan ko siya pero para na akong papatayin sa kaba. He locked the door and pushed me against it.

"Reid—"

"Seems like you really enjoy things when I'm not around." Inilapit niya ang mukha sa tainga ko, ramdam ko ang mainit niyang paghinga rito. "That asshole is stupid for using that car. Sabagay, hindi na ako magtataka. He doesn't have much money to buy a new one."

Nanginig ang mga kamay ko sa inis pero hindi ko ipinahalata. Wala siyang karapatang mangmata ng tao!

"Alam mo? Ang yabang mo."

"Hindi ako mayabang, nagsasabi lang ako ng totoo." Inilayo niya ang mukha at hinawakan ang braso ko. Hinigit niya ako papunta sa kama.

Binitawan niya ako at umupo siya. Inilibot niya ang mga mata bago muling tumingin sa akin.

"Is your ex a good kisser?"

Umirap ako at umatras. Patalikod na ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinigit ako palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko dahil pwersahan niya akong iniupo sa kandungan niya.

Pumiglas ako pero humigpit ang pagkakayakap niya sa baywang ko. "Ano ba?! Let go of me!"

"I won't!" he said firmly, almost shouting. "Kiss me, Allison."

Napalunok ako.

"Kiss me or else I'll beat him up to death."

"No!" Nagpumiglas ulit ako at hinawakan na niya nang mahigpit ang batok ko. "I hate you!"

An annoying smirk worked its way across his bad boy face, while looking directly into my eyes. Magsasalita sana ako nang bigla niyang inatake ang mga labi ko.

Nag-init ang mga mata ko pero pinigil ko ang pag-iyak.

His kiss was strong and demanding. He licked my bottom lip and his tongue tried to enter my mouth.

Sige, pagbibigyan kita. Gagawin ko ang lahat ng gusto mo hanggang sa magsawa ka pero ito ang tandaan mo, hindi mo magagawang saktan si Akiro habang buhay ako.

Don't Make The Bad Boy MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon