Chapter 2
Akiro smiled when he caught me looking at him. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng pagkirot sa dibdib ko.
"Allison, tigilan mo na ang pakikipagtitigan sa Akiro na 'yan!"
Nilingon ko si Hera, lantad sa mukha niya ang pag-aalala.
"Hera's right," Louie said. "Aren't you afraid of the consequences of your actions?"
I smiled bitterly. "Masisisi n'yo ba 'ko?" Dinampot ko ang baso ng tubig sa harapan ko at uminom dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko. "Dalawang taon ang relasyon namin. Dalawang taon."
They both sighed.
"But you're already married. You should act like one."
Maliban sa pamilya ko ay sila lang ang nakaaalam na kasal ako sa sikat na modelong iyon. They witnessed the civil wedding that happened six months ago. They were my best friends. Kaya kung may pinagkakatiwalaan ako ng sikretong ito ay sila lang dalawa.
"But—"
"No buts. Makinig ka naman," agap ni Hera.
Tumingin ulit ako kay Akiro. He was still staring at me but now, his forehead furrowed. I heaved a sigh, forcing a smile again.
"Damn!"
Nagulat ako sa biglang pagmumura ni Louie. Nilingon ko siya na lumarawan ang matinding pag-aalala sa mukha. Even Hera had the same reaction.
Humawak si Hera sa balikat ni Louie, napalunok. Binalingan niya ako. "Allison..."
Tumindig ang balahibo ko. Iginala ko ang tingin sa buong food court, tahimik ang lahat.
Tumingin ako sa gawi ni Akiro. Tumayo siya at itinaas ang sariling cellphone, kasabay ng pag-beep ng akin. Alam kong siya ang nag-text pero hindi ko na magawang tingnan ang cellphone ko. Hindi ko na rin siya nagawang ngitian bago siya tumalikod at lumabas ng food court.
"Allison..." tawag sa akin ng boses mula sa likuran ko.
Marahan kong iniikot ang sarili ko. Bago ko pa siya tuluyang makita ay bumuhos na ang malamig na tubig sa ulo ko.
"Masyadong mainit ang tinginan n'yo ng Akiro na 'yon. Naisip ko lang na baka masobrahan at magkasala ka. So as a good husband... I brought you some water," he whispered.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig. Napuno ng bulungan ang paligid.
"Dude..." si Louie. Tumayo siya at hinawakan ako sa braso. Inilagay niya ako sa likuran niya. "Alam kong wala akong karapatang mangialam pero hindi naman tama na ipahiya mo si Allison sa harap ng maraming tao—"
"Alam mo naman palang wala kang karapatan, Cruz," mariin niyang sabi.
Humigpit ang hawak sa akin ni Louie. Ramdam ko ang galit niya. Hinarap ko siya at pilit na ngumiti. "It's okay, Louie."
Muli kong binalingan si Reid at inagaw niya ako sa pagkakahawak ni Louie. "You know what, Louie?" Dinala niya ang kamay sa ulo ko at hinaplos ang buhok ko. He was looking at him darkly. "Minsan kailangan mong gisingin ang isang tao sa kabaliwan niya. Minsan kahit ayaw mong saktan siya, mapipilitan ka pa ring gawin. Pero 'wag kang mag-alala, hindi naman siya nasaktan, ginising ko lang siya." Binalingan niya ako at ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko. "Now, Allison? Gising ka na ba?"
Iniwas ko ang tingin. "Reid, umalis ka na." Wala akong narinig mula sa kanya kaya inulit ko. "Umalis ka na."
"How dare you command me?" he whispered, chuckling. "Ang lakas ng loob mong utusan ako. Baka nakalilimutan mong may kasalanan ka pa?"
Tiningnan ko siya. Tila nanuyo muli ang lalamunan ko.
"Okay, I'll leave but in one condition."
Bumaba ang tingin niya sa dibdib ko. Namilog ang mga mata ko at nag-init nang husto ang pisngi ko.
Hinubad niya ang black leather jacket niya at isinuot sa akin. Iba't ibang reaksyon ang nakuha niya sa mga nanonood.
Hinigit niya ako, dahilan ng pagsubsob ko sa dibdib niya na mas ikinagulat ko. Inilapit niyang muli ang mga labi sa tainga ko.
"Halata ang bra mo," bulong niya. "Magpalit ka kaagad pag-uwi."
Naglakad siya palabas ng food court. Nabalik lang ako sa katinuan sa impit na tili ni Hera.
"Oh my gosh!" Pinaypayan ni Hera ang mukha gamit ang kamay. "Dapat galit ako pero bakit ako kinilig?"
BINABASA MO ANG
Don't Make The Bad Boy Mad
Fiksi UmumAllison's almost perfect life flips the moment she married the popular model, Reid Marquez. Determined to make his life as miserable as hers, she comes up with a plan to make him fall to the deepest pits of hell. Can Allison succeed in bringing the...
Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte