Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Chapter 11

188K 3.2K 106
                                    

Chapter 11

Bumaba ako ng kwarto nang narinig ko ang pagdating ng sasakyan. Dala ko ang kahon at pumunta ako sa living room. Pabagsak ko itong nailapag sa glass table.

He looked at me with confused eyes. Hinanap ko siya kanina sa buong bahay dahil sa dress pero hindi ko siya nakita.

"You want me wear that? Seriously?"

Kumunot ang noo niya. He opened the box, scrutinizing the dress.

"What's wrong with it?" His eyes raked over me and back to the dress.

Inagaw ko ito sa kanya at ipinakita ang likuran nito. It was a backless bodycon dress!

Muli niya akong tiningnan at sa inis ay ibinalik ko na ang dress sa kahon at kinuha ulit ito.

"Nakalimutan kong model ka nga pala. Ayaw mong mapahiya sa mga kaibigan mo, right?"

Halos mag-martsa ako paalis ng living room. Malapit na ako sa hagdan nang bigla siyang nagsalita, "She's really cute when mad."

Napatigil ako at nilingon siya. He was staring at his phone, a smirk playing across his lips.

Hindi ko na lang siya pinansin. Maybe he wasn't pertaining to me.

Natapos akong maligo at mag-ayos. I just put on a light makeup that matched the dress, and the black Opyum YSL heel sandals perfected the look. Isa ito sa mga regalo sa akin ni mommy noong pasko.

Pababa ng hagdan ay hindi ko maintindihan ang kaba ko. Tumingin ako sa gawi ng living room kung saan naghihintay si Reid. He was talking with someone on the phone.

Lumingon siya sa direksyon ko at napatigil sa pakikipag-usap sa kung sinuman ang nasa kabilang linya. Tumayo siya pagtigil ko sa harapan niya. He ended the call and started checking me out.

"You... you're beautiful."

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin. "Let's go?" Pilit kong kinalimutan ang inis ko sa kanya.

He wrapped his arm around my waist making me feel tensed. Tiningnan ko ang kamay niya, pagkatapos ay mukha niya pero hindi ko natagalan ang titig niya sa akin. Muli kong ibinaling ang tingin sa bakanteng hallway.

When we're already in the garage, he opened the car door for me.

"Thanks," I said.

Walang umimik sa amin sa loob ng sasakyan. I didn't have anything to say either. Pinanood at tiningala ko na lang ang buildings na nadaraanan namin.

Pagdating sa Zeus Bar ay nagmadali siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Inilahad niya ang kamay at tinanggap ko ito.

Pumasok kami sa bar at sinalubong kami ng ingay ng musika at malilikot na ilaw. Tumigil kami sa isang table at awtomatikong tumayo ang anim na lalaki. Isa-isa ko silang tiningnan. Hindi ko ipinahalatang namamangha ako sa kagwapuhang taglay ng bawat isa.

Reid cleared his throat, and I felt his hand crawl up my back.

"Do I need to introduce her to you, guys?" he asked his friends.

"Of course. But you're probably scared that one of us might steal her from you."

Tiningnan ko ang nagsalita. He looked as manly as Reid, but I guessed he was older than him.

Hinigit ako ni Reid palapit sa kanya at napahawak ako sa dibdib niya dahil sa gulat. Muntik pa nga akong mapamura.

I couldn't stop myself staring at his face. Ang ayos ng buhok niya at sobrang lakas ng dating.

Don't Make The Bad Boy MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon