CHAPTER 3: TEASE

408 8 2
                                    

Maagang nagising si Hyacinth, agad siyang napatili nang nakita niyang nakayakap pa rin sa kanya si Michael.

"BITAAAAWWW!" tili agad niya na ikinagising ng asawa niya.

"Ano'ng nangyari?" nasa tono nito ang pag-aaalala.

"Ikaw, ialis mo ang braso mo sa bewang ko!" ang mataray na sagot niya.

"Eh paano kung ayaw ko?" biglang yumapos nang mahigpit si Michael sa kanya.

"Sinabi ko na ngang bitaw eh! Bakit ba napakakulit mong manyak ka?!"

"Kasi masarap kang kulitin..."

"BITAAAWWW!"

*knock knock knock*

Natigil lamang si Michael sa pangungulit nang biglang bumukas ang pinto at nakita si Yu.

"Kayong dalawa, masyado kayong maingay. Kung gusto ninyong magsigawan, doon ko kayo dadalhin sa forest! Ayaw ko ng maiingay sa pamamahay ko!" bigla ring isinara kaagad ni Yu ang pinto pagkatapos ng pang-umagang sermon.

Naiwang nakatulala si Hyacinth, ang akala niya ay matatahimik na siya sa bahay ng kuya niya.

She glared at her husband, na ipinagkibit balikat lamang ni Michael.

"Mag-ayos ka na kung ayaw mong madagdagan pa ang almusal na sermon mo kay Yu," ang masuyong paalala ni Michael sa kanya.

Padabog siyang bumaba ng kama at kumuha ng gamit niyang pampaligo at bihisan. Nakatingin lamang sa kanya si Michael.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Iniisip ko lang kung pwedeng sabay na lang tayong maligo..." ang nakangising sagot nito.

Kinilabutan at pinamulahan siya ng mukha, kahit na alam niyang asawa niya ang kausap niya, hindi pa rin niya maiwasang hindi maasiwa sa sinabi nito.

"Biro lang," ang nakangiting sabi nito. "sige na pumasok ka na sa banyo kung ayaw mong magkulong tayong dalawa doon..."

"Manyak ka talaga!"

Tumawa lamang si Michael at lumabas na ng kwarto nilang dalawa. Agad siyang pumasok ng banyo at naligo. Habang naliligo siya, hindi niya maiwasan ang hindi mag-isip. Nalilito na siya sa sitwasyong kinalalagyan niya.

September 5 at 4:07am via mobile · Like

Lorna Marcelino "Paano kung mainlove ako sa kanya, pero wala na pala siyang pagmamahal para sa akin? At bakit ganoon, lagi siyang kasama sa mga panaginip ko? Does it mean na may nakaraan talaga kaming dalawa?" takang tanong niya sa sarili.

Tinapos na lang niya ang paliligo at nagbihis. Paglabas niya ng banyo ay naabutanniyang nagpupunas na ng buhok si Michael.

"Saan ka naligo?" tanong agad niya sa lalaki.

"Sa kabilang room, baka pasukin kasi kita kung hindi ko ginawa iyon eh..."

"Manyak ka talaga," bara agad niya.

Hindi sumagot si Michael at sa halip ay niyakap na lamang siya nito.

"T-Teka, magbihis ka na," biglan g nailang si Hyacinth sa suot ni Michael na bathrobe. "l-lalabas na ako."

Bago pa man makapagsalita si Michael ay nakalabas na si Hyacinth.

*dugdug dugdug*

Naitapat ni Hyacinth ang kamay sa kanyang puso, "Bakit ganoon? Parang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya..."

"Cinthy!" narinig niya ang tawag sa kanya ni Larry.

"Larry? Ginagawa mo dito?" tanong agad niya.

YOU ARE MY HOMEWhere stories live. Discover now