CHAPTER 17: PHOENIX AND FRIENDSHIP

106 2 0
                                    

(a/n: this is an extra chapter only...ipapakilala ko lang ang independent group ng Famiglia Leone, ang Phoenix. Sana po ay magustuhan ninyo ang crazy antics ng mga members ng ating independent group...wag na rin po kayong mag-expect na madrama ang naging nakaraan nina Xander at Simon dahil pareho silang may saltik sa utak...)

Phoenix, iyon ang tawag sa independent group ng Famiglia Leone. Ang grupong ito ang gumagawa ng lahat ng mga imposibleng mission na hindi kayang gawin ng Famiglia Leone. Lahat ng members ng Phoenix ay pinipili ng mga previous members ng Phoenix. Ang bagong grupo ay kasalukuyang binubuo ng apat na miyembro...

Simon Alexis Montano, the current leader of Phoenix. Bihasa siya sa paggamit ng swords and sa kanilang apat, siya ang may pinakamalakas na boses. Napili siya ng previous member of Phoenix dahil natalo niya ito sa isang sword fight. Because ofthat fight, he obtained his title as the Sword Prince, sumunod sa galing ni Yu pagdating sa pakikipaglabanan gamit ang espada.

Prince Brian Gonzales, second in command. Mas gusto niya na tinatawag siyang Prince kaysa sa pangalang Brian. Kung ano man ang rason kung bakit mas preferred niya ang pangalang Brian, siya lang ang nakakaalam noon. He's an expert pagdating sa mga knives and daggers. Another trivia, nagiging baliw siya kapag nakikita niya ang dugo ng fiancee niya na nasa dulo ng kutsilyo niya. Usually, may suot siyang crown para ipaalam sa lahat na siya si Prince, weird niya nuh?

Francine Marie Anastacio, she's an expert in seducing their enemies. Magaling din siya sa mga paggawa ng mga cover up tactics for the group. She was also known as Viper dahil iyon ang code name niya kapag may mga missions sila. Mahusay din siya sa paggawa ng mga traps. Siya ay magaling din sa accounting dahil every cent na kinikita ng grupo ay sa kanya pinapahawak ni Mama Lucy for budgeting. There were times na kapag napipilitan lang siyang gawin ang isang mission ay pinapadulasan siya ng pera para sumunod agad. By the way, fiancee siya ni Prince and they always quarrel na para wala na ba silang nakitang matino sa isa't isa.

Lastly, si Ethan Luke Miranda, ang pinakamalakas sa kanilang lahat. Magaling siya sa Taekwondo and Judo. Madalas na siya ang inilalagay sa frontline dahil na rin sa galing niya sa pakikipagbasagan ng mukha. Madalas pa na siya ang ginagamit na decoy para mabaling ang atensyon ng mga kalaban sa kanya at hindi sa totoong pakay nila. Kahit na ganoon siya kalakas ay hindi rin niya itinatago sa lahat na isa siyang bakla. Dahil na rin sa kanyang mga abilidad as a member of Phoenix ay nakuha niya ang respeto ng ibang tao. By the way, mas preferred niya na tinatawag siya ng members na Mama Lucy, not Luke or Ethan. And madalas siyang may suot na eyeglasses dahil na rin sa may diperensiya ang mga mata niya.

Now, they were having a meeting about sa upcoming battle ni Simon against Xander, isa sa mga naging temporary boss ng Famiglia Leone. Xander was also Simon's rival noon pa man when they were kids. Kung ano man ang problema nila sa isa't isa, walang nakakaalam. But as of now, Simon was pissed with Xander's arrogance.

"Simon, are you willing to have a fight with him? Seryoso ka na ba diyan?" ang sunud-sunod na tanong ni Luke sa kanya.

"As if naman na may choice ako...position ko as your leader ang nakataya rito and besides, madali lang naman ang laban naming dalawa..." ang mayabang na sabi ni Simon sa kanya.

"Aba, dapat lang na manalo ka dyan dahil kahiya-hiya lang kapag natalo ka ng isang baguhan!" sabi agad ni Prince habang nililinis niya ang kanyang kutsilyo at ibinabato ang iba kay Francine.

Mabilis namang nakailag si Francine sa atakeng iyon, "Wala na bang ibibilis pa iyang pagbato mo? Seriously, hindi ka talaga makatatama ng kahit ano eh..." sabi ni Francine in a monotonous tone.

Prince smirked at her, "Ayaw lang kitang saktan nang malayuan...mas gusto kong makita na tumutulo ang dugo mo nang malapitan..."

"Blood maniac..." Francine rolled her eyes. "kunsabagay, hindi mo pa rin iyon magagawa lalo na at alam kong mabagal ka talaga..." nang-asar pa si Francine sa fiance niya.

YOU ARE MY HOMEWhere stories live. Discover now