CHAPTER 7 (PART 2): THE REAL DATE

308 5 0
                                    

"So set na yung date ng magiging date natin ah! This Christmas na iyon!" ang excited na sabi ni Larry.

"Kailangan ba talagang double-date?" tanong agad ni Michael. "I thought.."

"Well, iyon ang gusto ng mga makakadate natin, para raw wala tayong gawing kakaiba sa kanila..."

"Talaga bang iyan ang rason sa bakit double-date na magaganap?"

"Of course!"

Hindi kumbinsido si Michael sa sinasabi niya. Pinagpapawisan na nang malamig si Larry. Mabubuking pa yata ang pinaplano niyang pagbabantay sa dalawa.

"Larry, umamin ka nga. Nababading ka na ba kaya ka nag-aaya ng double-date?"

Halatang nagulat si Larry sa statement ni Michael. Tinitigan niyang mabuti ang kausap. Nang makita niyang seryoso ito ay saka siya bumulanghit nang malakas na tawa.

"Problema mo?"

"Panalo ang biro mo! Ikaw na ang magaling magjoke!"

"Ahh...ganun...okay..."

"Seriously, mas mukhang pa kayo ang magkapatid ni Kuya kapag nagpapatawa!"

Hindi na lamang siya pinansin ni Michael.

".............."

"Okay...okay...understood, wala nang double-date...seriously, paano mo naisip na bading ako?"

"Sa pagsasabi ng double-date na lang gawin natin...it's very rare na lalaki ang magsasabi noon sa kapwa lalaki. Iyon lang..."

"Well, I have my own intentions. Maisip ko pa lang na gapangin mo si Hyacinth, kinikilabutan na ako..."

"Don't you know the word 'privacy'?"

"Alam..."

"So alam mo na rin na mas maganda kung bibigyan mo kami ng 'privacy' ng asawa ko, hindi ba?"

"Ahehehe...."

"Ang problemahin mo na lamang ay ang date ninyo ni Sai, okay?"

"Sabi ko nga..."

Lumipas ang mga araw at napaghahalatang may kanya-kanyang plano ang mga lalaki ng Famiglia Celestia para mapasaya ang mga kasama nila sa buhay. CM was planning to spend his Christmas kasama ang mga apo kay Laurice. Harold was planning to give Laurice a Christmas date outside the country.

Sa side naman ni Yu, he would spend his Christmas with CM and Cath's parents. Kahit na ba sabihing madalas silang magtalo over simple things, he still gives respect to his old man. Well, you know na kung ano ang balak ng dalawa pang higher members ng Famiglia Celestia.

"Sai saan nga pala ang date natin?" tanong agad ni Larry.

"Ikaw itong nag-aya ng date tapos hindi mo alam kung saan pupunta...aba, umayos-ayos kang malandi ka kung ayaw mong mabigwasan kaagad kita nang wala sa oras!"

"Ahehehe...pasensiya naman..."

"Che!"

Samantala, sa bahay naman ng mag-asawa...

"Michael, kailangan ba talagang magdate tayo ngayong Christmas?"

"Wala namang masama roon, mag-asawa naman kasi tayo..."

"What I mean is, kailangan ba talagang magdaos tayo ng extravagant date? Hindi ba pwedeng gamitin na lang natin yung pera para makatulong sa mas nangangailangan?"

"Well, kung para naman sa kabutihan ng ibang tao, bakit hindi? Afterall, Christmas naman..."

"So okay lang sa'yo na wala tayong date?" tanong agad ni Hyacinth.

YOU ARE MY HOMEWhere stories live. Discover now