CHAPTER 2: BIG BROTHER

479 9 0
                                    

Hyacinth was nervous, ilang linggo na ang lumipas at hindi pa siya kinakausap ng kapatid niyang si Yu buhat nang dumating ito mula sa honeymoon nila ni Cath. Hindi naman niya ito masisisi dahil may kasalanan pa rin siya nangyari.

"Hyacinth, pinatatawag ka ni Yu..." sabi ni Cath sa kanya. "punta ka na lang sa library..."

"S-Sige, salamat..."

Pinuntahan ni Hyacinth ang kapatid at hindi niya inaasahan na naroon rin si Michael na kasalukuyang kinakastigo ni Yu.

"K-Kuya..." ang mahinang tawag niya.

"Oh, mabuti at nandito ka na, may pag-uusapan tayong tatlo...." ang seryosong sabi ni Yu.

"Tungkol saan naman iyon?" tanong agad ni Michael.

"It's all about you and my sibling," sagot agad nito. "gusto ko lang malaman kung kumusta ang mga unang araw ninyo bilang mag-asawa..."

"Kuya, I'm not happy with it...napilitan lang ako..." protesta agad ni Hyacinth. "I married a stranger!"

"But still, kasal na tayong dalawa. Nagkaroon na tayo ng exchange of vows and hindi rin uso ang divorce dito."

"And so? May annulment naman ah!"

"Ano naman ang gusto mong mangyari? Lumaking walang magulang ang baby natin?"

"As if namang nabuntis mo ako kaagad!"

"I knew I---"

"ENOUGH! Pinapunta ko kayong mag-asawa dito para kumustahin ko at hindi para pakinggan ang mga away ninyo..."

Biglang natahimik ang dalawa mula sa pag-aaway nila kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Yu.

"Let me guess, lagi lang kayong nag-aaway na dalawa kapag iniiwan na kayo ng matanda..."

Hindi sila sumagot, "Silence means na totoo ang naiisip ko tungkol sa pagsasama ninyong dalawa. Next question, sa iisang kwarto lang ba kayo natutulog?"

"Hindi..." sagot agad ni Hyacinth. "ayaw ko siyang papasukin sa kwarto ko eh..."

"Bakit naman?" tanong agad ni Yu.

"Manyakin pa ako ng manyakis na iyan...eh di ako naman ang kawawa..."

Napailing na lamang si Yu. Alam niyang shocked ang kapatid sa nangyaring kasalan. Lalo na at alam nilang pareho ni Michael na may amnesia pa rin si Hyacinth.

He was hoping that one day, maalala ni Hyacinth ang asawa at kung ano talaga ang naging relasyon nila noon.

"Ako? Manyakis? Hmmm...yan na ba ang endearment mo sa akin, Love?" ang mapang-asar na tanong ni Michael.

"YUCK! Manyak!"

Ngumisi lamang si Michael na ikinainis ni Hyacinth. Binigyan niya ng matinding irap ang asawa.

"Hyacinth, lumabas ka muna ng library..."

"Okay..."

Nang nakalabas na ng library si Hyacinth, hinarap na ni Yu si Michael.

"Do you still remember kung ano lang talaga ang ipinakiusap ko sa'yo bago kami umalis ni Cath for our honeymoon?" tanong agad ni Yu.

"Alagaan at bantayan lamang si Hyacinth...iyon ang sinabi mo..."

"Tanda mo pa rin pala, well, listen, iyan pa rin ang ipapakiusap ko lalo na at mag-asawa na kayong dalawa."

"I know, hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Hyacinth..."

"By the way, gusto ko sanang malaman kung paano kayo napunta ni Hyacinth sa iisang kwarto at paanong may nangyari sa inyong dalawa..."

Michael smiled, "That's the best night for me..."

YOU ARE MY HOMEWhere stories live. Discover now