Damit

1.1K 50 1
                                    

Halos mapatili ako nung nagising ako. Pagkadilat ko kasi mukha agad ni Blake nakita ko, mukha ni Blake na nakatitig sakin. Napaupo agad ako at inayos ang buhok ko, nakaupo siya sa gilid ng kama.

"Hindi ko Alam...pero...parang kilala na kita bago ng lahat ng toh." sabi niya bigla at naubo ako kasi naninigarilyo sa harapan ko.

"an..ano ba Blake! sa labas ka nga!" sigaw ko, bigla niyang tinakpan ang bibig ko

"shhh...natutulog pa sila.." bulong niya at napatingin ako sa mga kasama ko dito sa kwarto, tulog pa, itinaboy ko ang kamay Niya sa bibig ko.

"may muta ka pa oh." sabi Niya bigla, nahiya naman ako at napaiwas ako ng tingin at chinek ko naman mata ko. wala naman .

"anong kailangan mo?" inis kong bulong, Hindi ko maiwasang maubo sa paninigarilyo niya. Kung ano na ang nangyari sa mundo, ganito pa rin siya. teka? Hindi ko naman alam kung ganito na talaga siya .

"Si Blaze?" tanong ko nung maalala ko siya. Bigla siyang tumayo

"nasa opisina ni Dr. Fedrick." walang gana niyang sagot at lumakad na paalis sa kwarto. Napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Bumangon na ako at inayos ang hinigaan ko. Napatingin ako sa sarili ko. wala pala akong damit . Lumabas ako at lumakad papunta sa opisina ni Dr. Fedrick. Nung nakarating na ako sa harapan ni Dr. fedrick hindi na ako Kumatok agad akong pumasok

"ahh..sorry." sabi ko kaagad at nalaiwas ng tingin sa kanila ni Alexane at Blake na..nag...hahalikan..

"Anika? anong ginagawa mo dito?" napatingin agad ako kay Blaze, ngumiti ako ng pilit. Lumakad siya papalapit sakin

"Ahh..wala ...wala kasi akong pamalit.." sabi ko at napatingin siya bigla sakin mula ulo hanggang paa. pero para sakin? Hindi na uso ang mga damit pero naman...siguro meron sila nun dito.

"sumunod ka sakin." sabi niya at napatango ako sumunod ako sa kanya sa labas. Habang naglalakad kami...

"Anika? San ka nakatira?" tanong niya bigla

"ahh...bakit?"

"Hindi pwede?"

"diba nakarating na tayo dun?" sabi ko bigla at lumingon siya bigla sakin. Nakipagtitigan siya sakin, nagkamali ako ...

"ahh..ibig kong sabihin..nadaanan na ninyo siguro yung bahay namin" sabi ko kaagad at napatango lang siya at lumakad ulit kami, huminto kami sa isang kwarto. Binuksan niya iyun at puno ng Ibat ibang damit pati na din under wears meron

"ikaw na bahala pumili." sabi niya at napatango lang ako.

...

Your votes and comments are highly appreciated :)

Alive But DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon