DALAWA

962 39 1
                                    

 "Rain welcome." sabi agad ni Blaze pagkadating namin . pagkapasok sa building. Wala paring binago dito. Naalala ko nung nandito ako, palagi akong gumigising . kasi nahihimatay ako.

"Rain...kung Hindi mo mamasamain gusto sana namin eh check yung"...

"wag!" bigla kong sigaw, rason para tumaas ang isang kilay niya pati yung iba niyang kasamahan ay napatitig sakin.

sana kung maari lang Muna ay wag nilang malaman tungkol sa dugo ko. Hindi pa rin naman kasi makakatulong ng buo ang dugo ko

"Blaze...tumitig ka sakin.." bulong ko at napatitig naman agad siya sa mga mata ko napapikit ako sandali.... Sa ilang beses na akong namatay ay bawat beses ay may napapansin pa akong iba pa sa katawan ko. sa kakayahan ng katawan ko. ng mga mata ko. at sana gumana ngayon.

"Wala akong impeksyon." bulong ko sa isip ko habang nakatitig pa rin sa mga mata ni Blaze na seryosong nakatitig lang sakin.

"halika...ipapakita ko sayo magiging kwarto mo." napahinga ako ng maluwag at gumana ito. na kaya kong lamunin ang utak niya. Napatingin ako kay Alexa na masama ang titig sakin. Tinitigan ko din siya

"wala akong impeksyon." bulong ko ulit sa utak ko at tumitg pa lalo sa mga mata niya pero nagulat ako nung bigla lang siyang umiwas ng tingin

"eh diretcho muna natin siya kay dr. fedrick." bakit? hindi gumana sa kanya? . teka. napatingin ako kay Blaze

"wala siyang impeksyon Alexane...hindi na kailangan si Dr." walang ganang sabi ni Blaze. Napahinga ako ng malalim, kailangan ko talaga makausap si Myra.

"bahala ka." inis pero walang ganang sabi ni Alexane at inirapan kami at lumakad na palayo. Napatingin ako kay Blaze na hinawakan ang kamay ko.

"halika na. hayaan mo siya" napatango lang ako agad at sumunod sa kanya.

"siya si Myra. magtabi lang muna kayo ng higaan. Mas naparami kasi ang tao ngayon, dito ka lang muna Rain...habang inaayos pa ang ibang kwarto." napatango lang ako at hinintay na lumabas si Blaze napatingin ako sa ibang tao na nandito sila pa rin yung mga taong kasama ko nuon dito. Napatitig ako kay Myra na nagtutupi ng damit napaupo ako sa tabi niya

"Myra.." napatingin siya agad sakin

"naalala mo ba ako?" tanong ko bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"kamusta na? project 101" napangiti ako at binigyan din naman Niya ako ng isang ngiti. napatingin ako sa mga taong busy naman lahat sa kanya Kanya nilang ginagawa.

"Myra...ilang araw na..ilang beses na din akong namatay...pero wala pa ring nangyayari....hindi pa rin ako bumabalik. Napapagod na ako." napaiwas siya ng tingin

"bakit hindi mo dahan dahanin at hanggang nagigising ka pa sa taong ito....bakit kaya...simulan mo muna kilalanin ang mga taong nagpasimuno ito. bakit? pagbumalik ka ba? alam mo na gagawin mo?" napahinga ako ng malalim tama din siya pero sa taong ito paano ko malalaman ? kung sira na ang lahat.

"nararamdaman ko ...na nasa loob ng building ito ang dalawang taong sangkot sa lahat ng mga nangyayari ngayon. " napatitig agad ako sa kanya. dalawang tao?

"Hindi ko mabasa kung sino sila...mahirap silang kilalanin...pero subukan mong tukuyin ang dalawa...nandito lang sila....sa kanila makukuha ka pa ng impormasyon at mapigilan sila sa nakaraan." mapigilan sa nakaraan pero sino sila?


Dalawang tao, napatingin ako kay Myra na katabi ko na natutulog na, tama siya siguro isa na din toh sa dahilan kung bakit hindi pa ako bumabalik sa nakaraan, siguro ay para hanapin muna ang mga taong nabubuhay pa at dahilan kung bakit nagkaganito ang mundo. Siguro may rason nga kung bakit naidala ako dito. kung bakit nandito ako ngayon.  Napahinga ako ng malalim, nasa loob ng building ito, ang dalawan taong maaring makapagbigay ng impormasyon, sino sila? at bakit dito? na halos lahat ng tao dito ay walang ibang ipinangarap kung hindi ang kaligtasan ng iba. Sabi ni Myra, dahil sa hindi ako tao normal daw na maramdaman ko ang kakaibang kakayahan ng katawan, at gusto ko pang malaman kung anong makakaya nito. Napapikit na ako at pinilit ang sarili na makatulog. 

Alive But DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon