Halimaw

3.1K 82 2
                                    

01

Nasa loob pala ako ngayon ng isang hospital, nakakatakot dito, pero parang ligtas ka na sa daming sundalo na makikita mo dito. Marami ring ibat ibang kwarto, may kusina din dito na sakto para sa isang daang tao. May kwarto din sila na puno ng mga bala ng baril, at ibat ibang sandata

May kwarto din sila na puno ng mga aso, may mga kwarto din sila para sa tutulugan ng mga tao.

"Dito ka na din matutulog kasama nila." agad na sabi sa akin ni Blaze, napatingin ako sa loob ng kwarto, malawak siya at may mga higaan, halos matatanda at mga bata ang nandito sa loob.

"Sila ang nagluluto at naghahanda ng mga pagkain dito at yan ang mga anak nila." dagdag ni Blaze. Napatango lang ako.

Hinila ako ni Blaze sa isang bakanteng kama na nasa pinakadulo at malapit sa bintana na nakasara lang at may lock pa.

"Salamat" nahihiya kong sabi, at napaupo sa gilid ng kama, umupo din siya bigla sa tabi ko.

"Taga san ka nga pala?" bigla niyang tanong, napatingin ako sa ibang tao na nakatitig lang samin, medyo naiilang ako sa mga titig nila.

"Ahh...nasa di kalayuan lang ang bahay namin sa hospital na ito." sagot ko at napatango lang siya, napatitig ako sa kanya, mala-anghel ang mukha niya, napakakinis, maputi, may mapulang labi at ang haba ng pilik mata niya, mas mahaba pa atah kesa sa pilik mata ko.

"May mga kapatid ka?" napaiwas ako ng tingin.

Angelica Carson, ate ko, isang guro sa isang napakasikat na Unibersidad, isa sa pinakasikat dito sa Pilipinas, nawala siya, namatay siya dahil sakin, iniligtas niya ako.

"Oo, pero wala na siya" isa na siyang, isa na siya sa kanila, isa na siya ngayon sa may mga sakit na tulad nila.

"Sorry." bigla niyang sabi at agad akong napailing

"Ayos lang yon, ikaw? May mga kapatid ka din ba?" tanong ko sa kanya, bigla siyang ngumiti pero ang ngiti na iyon ay parang may kahulugan, parang may halong pait at lamig.

"Oo pero wala na din siya." mahina niyang sabi, at napatahimik nalang ako. Bigla niya akong tinitigan kaya napatitig na lang din ako sa kanya

"Hindi mo ba ako? nakikilala?" napataas ang isang kilay ko sa tanong niya

"Ha?"

"Sikat kaya ako nong wala pa toh lahat." malungkot niyang sabi at napatitig ako sa mukha niya,

Sikat? kaya ba siya pamilyar sa akin?

"May hawig ako sa presidente noh?" bigla niyang sabi at natawa, presidente? napalaki ang mga mata ko bigla. Hindi kaya..

"oo...lumalabas na ako dati sa mga telebisyon, sumikat at kumalat na din ang mga litrato ko sa facebook, sa twitter. Oo anak ako ni Enrique Antoni." napangiti ako bigla, oo, nakita ko na pala siya sa youtube, dahil sa napakagwapo niya nakikita ko na din siya na umaarte sa mga telebisyon. Kaya pala pamilyar siya sakin at nakakatawang isipin na nakakausap ko siya ngayon.

Nakakausap ko ang anak ng presidente.

"Nung nangyari toh nawala lahat eh, naging malungkot lahat pero lahat nagkakaisa na. Walang mayaman, sikat, at mahirap." napatango ako sa sinabi niya, matatawa kayo kung sabihin ko na yung ibang artista ay nagkaroon na din ng virus at yung iba naman hindi na alam kung saan na nagpunta.

"Sige alis na ako may mga papatayin ulit kami..." bigla siyang tumayo at hindi ko alam kung bakit, hinawakan ko ang isa niyang kamay

"May kailangan ka?" tanong niya agad

"anong papatayin?" tanong ko bigla, at ngumisi siya

"Ano pa ba? Eh di mga halimaw, ginagawa namin yan gabi-gabi." napatayo ako habang hawak hawak ko pa rin ang kamay niya.

Alive But DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon