HINDI NA

1K 41 1
                                    

Huminto kami sa isang ...bar? nauna siyang bumaba ng motor, at naunang pumasok, pero syempre kung dati yung mga bar, ay maingay, puno ng kulay sa loob, maganda, ngayon hindi na, napatingin ako sa paligid, parang napuntahan ko na toh dati...hindi ko lang alam kung kailan...huminga ako ng malalim at sumunod sa kanya. 

"ahhhhhhhh!" sigaw ko nung may humawak ng kamay ko, at napalaki ang mga mata ko na isang kamay nalang ang humahawak ng kamay ko, kamay nalang, pilit kong tinatanggal pero ayaw matanggal, pero nagpapasalamat ako na kasama ko si Blake, tinulungan niya akong tanggalin ang kamay na mahigpit na kumakapit sa braso ko.

"tangna talagang mga katawan yan!" sigaw niya bigla, huminga ako ng malalim at napatingin sa braso ko na namumula, pati ba naman kamay nalang, buhay pa? napalibot ang tingin ko sa loob, puno ng basag na salamin at bote din, mga sirang upuan at mesa...maliit lang siya, at may maliit din na stage. Napayakap ako bigla kay Blake nung may lumabas na bungo sa stage, at napalaki ang mga mata ko nung napatitig ako sa katawan nito, kahit bungo nalang ang ulo niya ay masasabi kong babae ito, sa katawan niya, walang saplot! napaiwas ako ng tingin.

"ehh! patayin mo yan! Blake!" sigaw ko, bakit ba dito kami huminto? baka mas marami din ang nandito. At nagulat ako nung tumawa siya bigla at nakatitig lang siya sa katawan nung babae na bungo nalang ang ulo. Kaya napalo ko ang braso niya. Bastos!

"oo na...anong gagawin ko, alangan namang tirahin ko pa utak niyan eh wala na nga siyang utak!" inis niyang sabi sakin, kumuha siya bigla ng sirang kahoy sa gilid. at napatili ako nung nagsimulang tumakbo papalapit samin yung babae, napapikit ako pero narinig ko itong umungol sa sakit, napadilat ako nakahiga na ito malapit sakin, pinalo pala siya sa likod ni Blake. Huminga ako ng malalim. At kumuha ako ng basag na baso at isinaksak ko iyun sa dibdib ng babae, kung wala siyang utak sigurado akong may puso pa siya. 

"sayang...kung hindi lang sana siya naging halimaw, naikama ko pa sana..." tinitigan ko ng masama si Blake, at inirapan lang ako. napanguso ako at inapakapakan ko ang bungo. Pumunta bigla sa isang counter si Blake at nagbukas ng beer, ehh...pwede pa ba yan? at napaisip ako bigla kung bakit nasa mall siya kanina...

 Pumunta ako sa banyo kahit kinakabahan akong pumasok pero kailangan kong humanap ng tubig at linisin ang kamay ko na puno ng dugo masaksak lang ang puso ng babaeng yun. Kung sino man siya humihingi ako ng tawad...hindi ko na siya kayang pagalingin...nung nakarating ako, nakahinga ako ng maluwag nung may ilaw at mukhang malinis naman sa loob, at nagpapasalamat ako na may tubig agad akong naghugas ng kamay. Pagkatapos ay agad naman akong lumabas, at napatingin ako kay Blake, pero napatingin ako sa kahon na hawak niya, hindi ako maaring magkamali pero ang laman ng kahon na iyun ay mga droga, napahinga ako ng malalim at lumakad ako papalapit sa kanya.

"akin na yan!" agad kong sabi napatingin siya sakin sandali at binuksan ang kahon na puno ng droga

"kung swineswerte nga naman ako...meron pa pala toh dito." malamig na sabi niya at ngumisi, hinawakan ko yung kahon at hahablutin sana sa kanya kaso mas hinigpitan niya ang pagkahawak nito.

"alam mo naman siguro ang epekto nito diba.." inis kong sabi

"oo...wala ka ng magagawa, ang adik...nanatiling adik.." walang gana niyang sabi

"bitawan mo...akin na toh.."

"alam mo, kung gusto mo...hati tayo.."

"alam mo pa ba yang mga sinasabi mo?! ha?!" sigaw ko at dahil sa katigasan ng ulo niya ay parehas naming nabitawan yung kahon at nagkalat ang laman nito sa sahig

"ano ba! bakit ka ba nangengealam! eh hindi mo naman toh buhay!" sigaw niya bigla sakin, at hindi ko alam kung bakit biglang may pumatak na luha sa mga mata ko.

"sige! ubusin mo yan! tapos ano?! magiging halimaw ka ulit! magiging halimaw ka! sige bahala ka sa buhay mo!"sigaw ko, at lumakad palabas ng  bar na ito. siya na nga lang kasama ko ngayon, gagawin pa niyang sirain ang buhay niya, paano nalang kung magkaroon siya ng virus? mali itong pinasok ko, dapat sinabi ko nalang kay Blaze na gusto kong bumalik ng bahay...napatitig ako sa motor at tinadyakan ito ng paulit ulit kasi naiinis ako na hindi ko alam kung paano paandarin at patakbuhin ito. 

Napatigil ako nung may yumakap bigla sa likuran ko.

"sorry na..." rinig kong bulong niya, at humigpit ang yakap niya sakin, hindi ko alam pero parang ang sarap sa pakiramdam na yinayakap niya ako, parang ligtas ako at protektado.

"hindi na..." at naramdaman ko ang noo niya na sumandal sa balikat ko.

"dito lang muna tayo ngayong gabi...bukas babalik agad tayo sa hospital ni dr. fedrick.." bulong niya, at dahan dahan akong napatango. Dahan dahan akong humarap sa kanya na nakayuko, ewan ba bigla kasi akong nahiya. Hinawakan niya ang kamay ko

"Pero Blake....ligtas ba tayo diyan? " tanong ko, at natawa siya bigla

"hindi ko alam...pero wala na namang ibang lumalabas maliban dun sa babae at sa kamay.." at napatango lang naman ako tutal maliit lang naman siyang bar. Pumasok na kami at lumabas siya ulit para ipasok yung motor sa loob. at inilagay niya sa gitna ng kalsada yung katawan nung babae, hindi ko alam kung bakit dun niya nilagay, pati yung kamay, adik talaga.

 at inilagay niya sa gitna ng kalsada yung katawan nung babae, hindi ko alam kung bakit dun niya nilagay, pati yung kamay, adik talaga

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Alive But DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon