STRANGER

1K 48 0
                                    

"ano bang ginawa mo sa kwartong iyun..." seryoso niyang tanong, dinala niya ako sa baba dito sa kusina at pinainom niya ako ng tubig at umupo siya sa tabi ko.

"ayos ka na ba? ano ba kasing nangyari?" napatitig ako sa kanya, hinawakan niya bigla ang kamay ko

"nanlalamig ka..." bulong niya. bakit ngayon ko lang nararamdaman na may kulang sakin, na parang wala akong alam tungkol sa sarili ko. Parang may nawawala na pilit kong hinahanap. Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni Blake. Hindi ako maaring magkamali, akin ang bracelet na iyun, napatingin ako sa mga mata ni Blake na nakatitig sakin. Maari bang nakilala ko na siya nuon pa? napaiwas agad ako ng tingin, napahawak ako sa noo ko. Namatay....aksidente...pero wala naman akong nararamdamang iba sa katawan ko, maliban lang sa sinasabi nila na nakakapagpagaling ako, at sa pagbabalik balik ko sa nakaraan. Pero sa iba, ako pa rin si Anika...

"tignan ko muna yung mga kinuha mo sa grocerry...tapos kain na tayo ha?" napatango lang ako. napakagat labi ako naalala ko ulit ang kwartong iyun...ang katawan na iyun...maari bang...katawan ko yun? pero bakit?

"Anika.." napatingin ako kay Blake na ngayon ay inilalagay isa isa ang mga pagkain na nakuha ko kanina sa mesa

"pahinga ka lang muna..." napatayo ako, siguro...kailangan ko munang magpahinga...

"san mo gusto magpahinga? hatid muna kita.." agad akong umiling

"ahh...wag na..ako na...sa sofa nalang ako." sagot ko, binigyan niya ako ng isang ngiti at tumango siya, napatitig ako sa braso niya na may tattoo, na nakita ko na sa hospital...na parang nakita ko din dati, napailing iling ako at lumabas na ng kusina, napahiga ako sa sofa, at napapikit...at may luhang lumabas ulit sa mga mata ko...

"ayoko na! kung ganito ka nalang palagi, walang patutunguhan ang relasyon na toh...siguro nga tama sila papa! dapat nung una palang nilayuan na kita!" napadilat ako. napataas ang isang kilay ko, pumikit ulit ako

"paano ang anak natin Anika?" napadilat ulit ako, napahawak ako sa dibdib ko, an...anak? napahawak ako sa tiyan ko. Pumikit ulit ako

"bubuhayin ko siya mag-isa, ng wala ka...ayokong lumaki siya, na may amang tulad mo." napadilat ulit ako...ama...anak...napahawak ako sa noo ko..hindi ko maintindihan...sinong ama? at anong anak?

"hindi na kita mahal....Blake.." napaupo ako bigla, sumikip bigla ang puso ko..Bla..Blake? huminga ako ng malalim...an..bakit nabanggit ko ang pangalan ni Blake? napapikit ako bigla

"Blake ano ba bitawan mo ako! ayoko na!" napadilat ako at napatakip ako ng tenga nung may narinig akong isang sasakyan , dalawang sasakyan na nagkabanggaan, gabi...napahawak ako sa tiyan ko...yung aksidente..napatayo ako bigla...

"Anika?" napatingin ako sa likuran ko si Blake...ang kasama ko sa aksidente, ang kasama ko sa kotse...ay si Blake...pero paanong ngayon lang...binigyan ko siya ng isang ngiti

"ahh...sa banyo lang ako." sabi ko at napatango lang siya, pumasok ulit ako ng kusina at dumiretcho ng banyo, napahilamos ako, at napatitig sa salamin...Napaluha ulit ako..

"Kain na tayo...mabuti nalang may gas pa kayo." sabi niya sakin, sabay kaming naghapunan, at naalala ko na sana nandito pa sila mama, papa at ate, para hindi ako nahihirapan ng ganito. Nagluto siya ng adobong baboy, may kinuha kasi akong karne kanina, sabi naman niya hindi pa daw sira, siguro kasi parang may kuryente pa naman ang grocerry na iyun nagluto na din siya ng kanin, may bigas pa kasi kami dito sa bahay.

"masarap ka pa rin magluto.." bigla kong sabi, napatitig siya sakin, masarap ...pa rin...

"bakit? natikman mo na mga luto ko nuon?" tanong niya bigla

"ahh..wa..wala..hehe..kain na tayo.." sabi ko kaagad, at nag-iwas siya ng tingin, pero parang may lungkot bigla sa tingin niya. Pagkatapos naming kumain ay dumiretcho na kami sa taas, pinabayaan namin yung mga hugasan sa kusina.

"tabi nalang tayo..." sabi ko bigla nung nakapasok na kami sa kwarto ko, napatitig siya bigla sakin

"ahh..kasi...malawak kasi ang bahay...natatakot ako.." sabi ko kaagad, at tumango sya

"sige..sa sahig nalang ako..sa kama ka.."

"malaki naman kama ko kaya kasya tayo.." napakagat labi ako, ano bang sinasabi ko.

"sige...wala namang problema sakin." sabay ngisi niya sakin, napanguso lang ako, nauna akong humiga sa kama

"nandito pa pala toh." bigla niyang sabi at napatitig ako sa hinawakan niya yung gitara...

"may gitara pala diyan." sabi ko, at napataas ang isang kilay ko

"bigay ko toh sayo eh." may ibinulong siya bigla pero hindi ko narinig, umupo siya sa tabi ko dala yung gitara.

"marunong ka bang gumamit niyan?" tanong ko, kahit alam ko ...kasi narinig ko na siya dati diba.

"oo...may banda ako dito...at sa bar na tinulugan natin kagabi...dun kami tumutugtog.." sabi niya at may naalala ko bigla, yung kanta..

"dun ko din siya nakilala.." nakahiga ako siya nakaupo at nagsimula siyang magtugtog ng gitara.

"ayaw nga lumapit sakin yun...pero dahil sa gwapo ako naakit ko siya.." napaupo ako at napangiti bigla... sinong siya?

"Turn Around
Turn Around and fix your eye in my direction
So there is a connection
I can't speak
I can't make a sound to somehow capture your attention
I'm staring at perfection
Take a look at me so you can see
How beautiful you are " at nagsimula siyang kumanta habang nakatitig sakin, di ko naman din maiwasang mapatitig sa kanya.

"You call me a stranger
You say I'm a danger
But all these thoughts are leaving you tonight
I'm broke and abandoned
You are an angel
Making all my dreams come true tonight " napaiwas ako ng tingin, ang kantang toh..

"ito ang una kong kinanta sa kanya..." at napahinto ako ng sunod na sunod na mga pangyayari ang pumasok sa isipan ko. Bigla niyang isinandal sa tabi ang gitara, at umusog siya papalapit sakin, napatingin ako sa kanya nung hinaplos niya bigla ang pisngi ko...at nagulat ako nung biglang lumapit ang mukha niya sa mukha ko...hahalikan ba niya ako?

"magpahinga na tayo..napagod ako eh.." sabi niya at humiga na ng maayos sa tabi ko. napahinga ako ng maluwag.. at nahiga sa tabi niya.

____

STRANGER BY SECONDHAND SERENADE

Alive But DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon