PART 4
Napagdesisyonan ng kapwa magulang nila Kathrina at James na ipakasal ang dalawa at pagsamahin bilang mag asawa habang tinatapos nila ang kani kanilang pag aaral..Habang ang puso naman ni Paolo ay wasak na wasak at durog na durog dahil sa kabiguan natamo mula sa kauna unahang babaeng minahal niya.
"Best ang saya saya ko talaga ngayon dati rati pangarap ko lang si James but now magiging asawa ko na siya at makakasama ko na siya habang buhay."Puno ng kasiyahan ang mga matang sambit ni kathrina sa kaibigan nitong si paolo isang gabi habang magkasama sila sa plaza kung saan sila madalas tumambay.Dahilan kung bakit Hindi na napigilan ni Paolo ang kanyang nararamdaman at unti unti ng tumulo ang kanyang mga luha.
"Hey why are you crying?"tanong ni kath dito.
"Wala masaya lang ako para sayo kath sana hindi ka saktan ng lalaking yon sana mahalin ka niya at alagaan ka niya."saad ni Paolo sabay pahid ng kanyang mga luha..
"Thanks pao dont worry im sure na aalagaan ako ni James like what you do to me mula ng maliliit pa tayo ikaw na kasama ko mahal ko si james at alam kong mahal din niya ako."saad ni kath.
"Mabuti naman."pigil na iyak na saad ni paolo.At niyakap ang dalaga.."Mahal na mahal kita kath.Pinili ko paring mahalin ka kahit ang sakit sakit na."saad ni Paolo sa sarili habang yakap ang babaeng pinakamamahal.
"Best ikakasal lang ako hindi pa ko mamamatay."biro ni kath sa kaibigan.
"Sorry nadala lang ako."hinging paumanhin ni paolo sa dalaga.Ikinasal sa huwes sina Kath at James dalawang linggo pagkatapos ng kanilang graduation sa highschool..Noon din ay araw ng pagluwas ni Paolo sa maynila upang doon magaral ng koliheyo.
"Anak sigurado ka bang hindi ka na pupunta sa kasal ni kath."tanong ni Lucy sa anak na batid ang sakit at pighating nararamdaman ng anak mula sa pagkabigo sa kanyang unang pag-ibig.
"Ma durog na durog na po ako hindi ko na kaya pang maging pino pa itong puso ko sa sobrang pagkawasak."malungkot na saad ni Paolo.Kasalukuyan na silang nasa terminal ng bus pa maynila.
"Im sorry nak kung pwede lang akuin ko yang sakit nararamdaman mo ginawa ko na anak wag lang kitang makitang ganyan."naiiyak naring saad ni lucy sa anak.
"Ok lang ako ma magiging ok din ako baka talagang hindi kami ni kath para sa isat isa ako lang nman kasi nag assume na pwede maging kami eh.Makakalimot din ako wag po kayong mag alala sa akin."saad ni paolo.
"Ok anak basta tawagan mo kami pag nakarating ka ng maynila ha magiingat ka doon.Itinawag na kita sa pinsan mo siya ang magsusundo sayo sa terminal."saad ng ina..
"Opo ma maraming salamat alagaan niyo po sarili niyo wag niyo na ako masyadong iisipin."si paolo.
"O yong mga pa cubao sakay na sakay na."narinig nilang tawag ng konduktor ng Victory liner na bus sa mga pasahero sa terminal..
"sige ma sakay na ako ha.Ingat kayo dito.7"paalam ni paolo sa ina sabay halik sa pisngi at yakap dito.
"Ingat ka din anak.sige na bka maiwanan ka ng bus."paalam narin ng kanyang ina.Sumakay na ito sa bus ilang minuto lang ay umalis na ang sinasakyan nito.Di pa sila nakakalayo ng may biglang tumawag sa kanya sa kanyang cellphone.Si kath..
Nakailang ulit itong tumawag hanggang sa magtext ito..
"Best saan ka na ilang minuto nalang kasal ko na hindi ka ba pupunta."
"Best bakit hindi mo sinasagot ang phone mo kasal ko nayon hindi ka manlang magpapakita.?"
"Oy best darating ka pa ba tinatawag na kami ng judge sana makahabol ka."
Sunod sunod na text ang kanyang natanggap mula kay kath ng oras na iyon.Tanging iyak nalang ang nagawa ni paolo ng mga oras na iyon habang binabasa ang mga text message ng kaibigan."Sana maging masaya ka kath."saad ni paolo sa sarili at itinuon sa labas ng bintana ng bus ang may luhang mga matang nito.
Ilang oras ang lumipas Namalayan nalang nito na nasa maynila na siya.Rinig na rinig na nito ang kaliwat kanang busina ng mga sasakyan at Maiingay na taong nasa lansangan.Sinalubong siya ng kanyang pinsan na si Jose na nagtratrabaho bilang isang sales agent sa maynila.
"Pinsan maligayang pagdating sa maingay na lungsod ng maynila kamusta."bati ng kanyang
Kuya jose."Ok naman kuya Jose eto nagbabakasakaling makapagenrol sa magandang eskwelahan dito sa maynila."saad ni paolo.
"Wag kang mag alala tutulungan kita.tara na para makapagpahinga ka."sambit ni Jose sa pinsan.
"sge po kuya."sagot narin ni paolo.Sumakay sila ng taxi at nagpahatid sa Recto manila kung saan nangungupahan ang kanyang kuya jose..Isang maliit na apartment siya dinala ng kanyang pinsan. Na halos magkakarugtong na ang kusina banyo at sala at may isang maliit na kwarto na may double deck.."Pasensiya ka na maliit lang itong apartment pero malinis at convenient naman ito kesa sa iba dito kasi sa maynila ang mamahal ng bahay parang may ginto."saad ni Jose.
"Ok lang po kuya ako na nga lang po makikitira magrereklamo pa ba ako? At saka tutulong narin po pla ako sa mga bayarin po dito.Sabi ni mama kesa naman magboard pa ako sa iba."saad ni paolo.
"Naku talaga yang si tita wag mo munang intindihin yan ang mahalaga makahanap ka ng school na makapag enrol ka."saad ng pinsan nito.
"Salamat kuya."Sambit ni paolo.
"Wala yon magkapamilya tayo kaya dapat magtulungan sige na ayusin mo na ang gamit mo yong kabilang side ng tokador bakante yan para sa mga damit mo maghahanda lang ako ng tanghalian natin im sure gutom ka na."saad ng kanyang kuya Jose. At lumabas na ng kwarto.Naiwan siyang nagiisa nang muling makatanggap ng tawag mula sa kaibigang si kath.Hindi niya ito sinagot bagkus pinatay nalang nito ang kanyang cellphone at inilapag sa table malapit sa may double deck.Inayos na lamang niya ang kanyang mga gamit at isinalansan sa tokador na sinabi ng kanyang kuya Jose.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
"BAT DI KO BA NASABI"
RomanceWhen you love someone all you have to do is to tell to the person whatever you feel.Or else the moment will Pass..