"BAT DI KO BA NASABI"

31 1 0
                                    

PART 10

Inilihim ni Fiona ang kondisyon ng sakit niya sa kasintahan.Ayaw niya kasi etong magalala pa sa kanyang kalagayan.Natatakot rin siya na baka dumating ang panahon na kaawaan nalang siya ng nobyo.

"Hay at last gragraduate na tayo ilang days nalang."Nakangiting sambit ni Fiona habang magkaholding hands silang namamasyal sa luneta..Napagpasyahan nilang mamasyal muna sa park ng maaga silang makalabas sa kani kanilang klase.

"Oo nga eh malapit narin nating makamit mga pangarap natin.Pagkagraduate ko magaaplay agad ako ng trabaho pagkatapos nuon pagiipunan ko ang kasal natin at panimula ng buhay natin."nakangiting sambit ni Paolo at niyakap si Fiona pagkatapos nilang umupo sa damuhan.

"Kasal."gulat na saad ni Fiona.

"Oo kasal natin fion bubuo tayo ng pamilya ikaw ako at mga anak natin."buong pagmamahal na wika ni paolo at hinaplos ang mukha ng nobya..Itinuon ni Fiona sa ibang deriksyon ang kanyang mga mata .

"Paano kung hindi kita mabigyan ng anak.?"malungkot na sambit ni Fiona.

"Anong klaseng tanong yan syempre magkakaanak tayo.?"sambit ni Paolo.

"What if nga hindi.?"si Fiona.

"Eh d magaampon nalang tayo maraming mga bata diyan na kailangan ng isang  buong pamilya."saad ni Paolo.

"Ok lang yon sayo? Kahit hindi mo kadugo?"saad ni fiona.

"Oo naman wala naman sa dugo ang pagiging magulang eh.teka nga bakit ata napakaseryoso mo ngayon? Is there anything wrong?"tanong ni paolo.

"Wala naman natanong ko lang."sambit ni Fiona.

"Ah fion Pwede bang daan muna tayo sa bahay bago kita ihatid nagtext kasi si kuya Jose uwi daw ako importante."saad ni Paolo pagkaraang mabasa ang text message ng kanyang pinsan.

"Yah sure much better ayoko pa din naman umuwi eh gusto kong makasama pa kita ng matagal."saad ni Fiona.

"Hmmm naku naman naglalambing ang girlfriend ko "saad ni paolo at pinisil ang
Ilong ni Fiona...

"Surprise!!!"Gulat na gulat si Paolo ng mabungaran niya ang mga magulang at kuya nito pagkabukas niya sa pinto sa inuupahan nila ng kanyang Pinsan.

"Ma pa akala ko before graduation pa kayo pupunta."nakangiting saad ni paolo at niyakap ang ama at ina.

"Sinundo ko sila sa terminal para naman masorpresa ka."sambit ni jose.

"Kuya."saad nito at niyakap narin ang kanyang kuya macky.

"Kuya Jose talaga akala ko kung anong emergency na eh."natatawang sambit ni paolo.

"Naku anak naexcite na kami kaya pumunta na agad kami dito nakakuha kasi ng leave etong papa mo sa hospital tapos ang kuya mo may medical mession daw sa makati at ako naman may natitira pa ako 15 days na leave sa bangko kaya ginamit ko na."saad ng kanyang ina.

"Ah ganun po ba buti naman po at nakapunta kayo agad para naman po makapamasyal narin po kayo."sambit ni paolo.

"May kasama ka ata anak siya na ba si Fiona ang girlfriend mo?"tanong ng kanyang ama.

"Ay opo pa siya nga po pala si Fiona girlfriend ko po at magiging future daughter in law niyo."pakilala ni paolo sa dalaga na ikinasiko dito ni Fiona.

"Magandang gabi po tita tito kuya macky lagi po kayong ikinikwento ni pao sa akin."saad ni Fiona.
"Ganun ba iha.ikaw nga rin eh every tumatawag kami pangalan mo bukambibig niyan.Totoo nga talaga napakaganda mo iha."saad ni Lucy.

"Ay hindi naman po pero maraming salamat po sa papuri."nakangiting saad ni fiona.

"Walang anuman iha iyon naman ang katotohanan eh.by the way dito ka na magdinner ha magluluto ako."saad ni lucy.

"Sige po tita thank you po."sagot ni Fiona.

"Ahmm pao tawagan ko lang sila mommy sasabihin ko lang dito na ko  magdidiner."paalam ni Fiona.

"Ok sige fion pero walang signal dito eh sa labas pa wait samahan kita."wika ni Paolo.

"No.no need pao kaya ko na tulungan mo nalang parents mo."saad ni Fiona.

"Are you sure?"tanong ni pao.

"Yah sandali lng nman ito eh"sagot ni Fiona at lumabas.

"Opo my magpapahatid po ako kay Pao."sambit ni Fiona sa ina pagkatapos itong makapag paalam na doon na sa inuupahan ng kasintahan magdidinner dahil dumating ang parents ay brother ng nobyo.

"Ok anak take care ok i will tel your dad nalang nasa office pa kasi siya basta yong gamot mo anak ha saka yong inhaler mo gamitin mo agad pag d ka na makahinga.."
Paalala ng ina.

"Ok mom dont worry.I love you mom bye."

"Bye anak i love you more."sagot ni Feliza sa anak.Pagkatapos nilang magusap pumasok muli si fiona sa loob ng inuupahang bahay ng kasintahan.

"Oh nakausap mo na ba ang mommy mo?" Tanong ni paolo.

"Yah sabi ko magpapahatid nalang ako sayo."wika ni Fiona.

"Ah ok tara na nakapaghanda na sila mama at papa ng dinner kain na tayo.."anyaya ni Paolo.

"Ok sige" saas ni fiona na nakaangkla pa sa kamay ng kasintahan..

Napuno ng halakhakan at tawanan at kwentuhan ang maliit na kusina ng bahay na iyon.Naging kaclose  agad ni Fiona ang mga magulang ni paolo maging ang kanyang kuya macky hindi iyon nakakapagtaka dahil mabait at madaling maging kapalagayan ng loob si fiona.

"Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili sayo npakabait mong bata."sambit ng ama ni paolo.

"Mabait din po ang anak niyo tito di naman po nakakapagtaka nagmana po siya sa inyo napakaswerte ko nga po at siya ang boyfriend ko."nakangiting sambit ni Fiona

"Ang kabaitan o yong kagwapuhan?"pabirong saad ng papa ni Paolo.

"Pareho po tito."nakisakay naring biro ni Fiona.At muling nagkatawanan.

Kinabukasan..

"Fion saan ka na?"tanong ni Paolo sa kasintahan habang kausap nito sa telepono.Ngunit tinitingnan niya ito sa malayo kasalukuyan itong nakatayo sa may water station at may kung anong kinuha sa bag.Isa iyon lagayan ng iniinom nitong vitamins.nakita niya itong itinaktak ng dalaga pagkatapos itinapon ang bote sa trash can ng makuha ang kahuli hulihang laman nito.Nakita niya ring tila hapong hapo ang dalaga na umupo sa table at kinuha ang isang maliit na bagay sa kanyang bag ilang beses niya ito itinaktak at tila itinapat sa kanyang mukha hindi iyon nakita ni paolo sapagkat patalikod mula sa kanya ang pagkakaupo ni fiona.

"Andito ako sa canteen ikaw san ka na may class ka pa ba."sambit ni Fiona nakita niya itong sunod sunod ang pagbuga at paghinga nito.

"Ah palabas palang ng class pupuntahan kita diyan" medyo kunot noong sambit ni paolo.

"Ok sige cant wait to see you na.."sambit ni fiona
.
"Me too."saad ni Paolo.

Kinuha niya ang bote ng gamot na itinapon ng dalaga sa basurahan ng dumaan siya sa water station ng canteen at dagli niya itong isinilid sa bulsa.Nakatalikod sa kanya ang dalaga kaya hindi siya nito nakita..

"Pwede ba ako maupo sa tabi ng girlfriend ko"sambit ni Paolo.Gulat man ay dagling inihulog ni Fiona ang inhaler nito sa loob ng kanyang bag.

"Andiyan ka na pala ang bilis mo ata."sambit ni Fiona.

"Gusto na kasi kita makita eh"payakap na sambit ni paolo.

"Ano nga pala hawak mo kanina."tanong ni paolo ng umupo narin ito.

"Ahhh yon wala white flower.medyo nahilo kasi ako kanina kaya inamoy ko."saad ni fiona.

"Nahilo ka bat d ka nagpunta sa clinic.tara sasamahan kita."saad ni paolo.

"No wag na noh mainit lang kasi kaya ko nahilo.dont worry nothing so serious ok.At saka nasa tabi lang kita ok na ako."saad ni fiona.

"Hmm talaga lang ha.ikaw talaga napakabolera mo."natatawang saad ni Paolo at pinisil ang ilong ng dalaga

"Eh match pala tayo bolero karin eh."natatawang saad ni fiona.

"Oo match na match talaga tayo."saad ni paolo at kinabig at niyakap ang kasintahan..

Itutuloy...

"BAT DI KO BA NASABI" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon