INTRO!

29 0 0
                                    

"RAAAAAAAAAAM!!!"


Napasigaw ako sa harap ng maraming tao. Nakita nilang may pinupuntirya akong pangalan kaya halos silang lahat ay tumigil sa ginagawa nila o humintong maglakad. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong sumigaw sa galit dahil sa mga nakikita ko ngayon...


Nasa gitna sila ng mall ng makita ko silang naghahalikan. Wala na bang tinatawag na "PRIVACY" ngayon at kung ipagngalandakan nila yung ginagawa nila ay parang hindi sila SENSITIVE?! At least pumunta naman sila sa Motel di ba??? Tsaka! Hindi lang basta halikan ang nakikita ko...


It was a deep, deep, DEEEEEEEP KISS!


Teka! Hindi naman yun ang problema ko eh! Yung boyfriend ko! Si Ramsay! Si Ramsay Del Rosario ang problema ko! Lalong lalo na yung kasama nya!!! GRRRRR!!!


"L-Les!" Napatingin sila sa'kin nung kasama nya pagkatapos kong sumigaw. At mukhang wala lang kay girl yung nangyayari ngayon... "Heeey.... A-Anong ginagawa mo dito??"


Kabahan ka na.


Unti-unti akong lumapit sa spot kung nasaan sila. Talagang nakapagitna pa kami sa mga tao ah. Nanggigigil at nangangalit ako sa poot habang tinititigan ko ng napaka-cold na look si Ram. Dapat lang syang matakot sa mga tingin ko ngayon. Feeling ko parang makakapatay ako ng tao! WAAAAH!


"Babe?" Narinig ko na tinanong nung girl na halos nakalingkis na kay Ramsay... parang ahas... "Who is this.... thing??"


Ba... lakas ng loob. May disgust pa sa tingin nya sa'kin pagkatapos nya kong tingnan mula ulo hanggang paa.


"Les... I can explain, okay?" Hindi makatingin ng maayos si Ram sa'kin... At unti-unting napalitan ng nakasimangot na expression ko ang seryosong face ko. Malapit na talagang sumabog ang Bulkang Leslie...


Pero! Pero... nagpigil ako, at ngumiti ako sa kanilang dalawa...


"Hi!!!" Nakatawa't nakakunot na noo kong sabi sa girl...


"Uhmmm... Hi?? I'm... Jena, Ram's babe..."


Wooow! Babe! Tindi mo Ram... May babe ka na din pala ngayon, bukod sa "Mahal" mo (ako), sa "Beh" mo (yung isa pang girl na nahuli kong ka-text nya), at dun sa "Wifey" mo (yung isa nyang kasama sa taxi nung pauwi sya sa bahay nila).


"Shhh! Wag ka munang maingay!" Bulong ni Ram... Wow parang di ko naman narinig, dapat nilakasan mo na lang kasi di ka naman parang ipis kung bumulong eh... Pero nakangiti pa rin ako....


"Whyyy????" Sabi ng Jena habang patuloy pa rin syang nakaakap kay Ram... "Anyway, yeah. I'm Ramsay's GF? And you are????"


Alam nyo yung mga conyong mga girls na kung makapag-English, para silang nagtatanong at the end of their sentences? Eto yung Jena... Para akong nakikinig sa kinakaskas na blackboard! Nakaka-irita!


Pero kailangan ko nga pala syang sagutin, kaya...


Allergic Love ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon