Nakalabas na ko ng building kung saan nakatira yung Jon na yun. Nakakainis! Kala ko pa naman tuloy-tuloy na yung pagiging mabait nya sa'kin. Tapos parang may naramdaman pa ko sa kanya nung tinitigan lang nya ko pagkatapos nya kong hatakin papunta sa kanya.. Yun pala nakita ko lang din yung ugali ni Ramsay sa kanya. Sayang! May itsura pa naman yung guy na yun.
Nag-i-struggle pa rin akong alalahanin kung anong nangyari kagabi. Bakit ba hindi ko matandaan na nakilala ko yung Jon na yun? Pero in fairness ah, mukhang nagsasabi naman sya ng totoo. Wala naman akong nararamdamang masakit sa'kin, tsaka nung nakita ko yung sarili kong hubad kanina, malinis at mabango pa ko. Eh, whatever na lang talaga...
Medyo malapit lang ang bahay ko dito so naglalakad lang ako ngayon habang chinecheck ko yung laman ng bag ko. Mahirap na baka may naiwan ako dun na hindi ko alam, at wala na ata akong planong bumalik sa condo ng Jon na yun. Pero luckily, mukhang wala naman. Habang naglalakad sya, di talaga ako mapakali. Parang meron talaga akong nakalimutan. Yung utak ko? Hindi naman siguro.. Yung puso ko? Nakuha na ata ni 'Jon Snow'... joke. Bakit hindi ko maalala.
Napatingin ako sa katawan ko... SH*T!!! Yung maruming damit ko!
Ka-engot ko naman... Sa lahat naman ng kakalimutan mo Leslie Rose, yun talagang damit mo na puro suka?! Isa pa sinukahan mo din si guy!
Lumingon ako, at nakikita ko pa rin yung condo nya two blocks away. Iniisip ko kung babalikan ko pa ba. Kaso! Makikita ko na naman nga yung preskong guy na yun! Maiirita lang ako lalo, na ikasisira na naman ng araw ko gaya kahapon!
Hmmm! Sa kanya na yung damit ko. Kunwari sasabihin ko exchange na lang sa damit na pinagamit nya sa'kin ngayon. Tutal pareho naman silang maganda.
(LATER IN THE AFTERNOON... COFFEE SHOP)
"One green tea for Miss Sophie and a double chocolate chip frap for Miss Les?"
Nakaupo lang kami ni prendship Soph sa table dito sa coffee shop. Sa wakas nakuha na namin yung mga drinks. Kanina pa talaga sumasakit yung ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi. At ang masakit pa dun, mukhang hindi naman nakatulong yun para maging completely okay na ko.
Actually, hindi yun ang naiisip ko ngayon...
"Kala ko pa naman, gentleboy yung lalake na yun." Napag-usapan na namin yung mga nangyari kagabi dahil hinahanap din ako ni Soph kanina sa bahay. "Mayabang din pala. Tsss! Parehong-pareho lang sila ng Ram na yun."
Tawa naman ng tawa si Soph sa mga kinukwento ko. Ganito yung mga gusto nya eh. Yung sa mga kalokohan nauuwi yung mga nangyayari sa'ken, lalo na pag may involved na guy...
"Wuuuu.. parang hindi naman siguro."
"Anong di naman siguro?? You should've seen him!" sabay inom ko ng frap ko.
"Eh bakit ka ba talaga galit?"
"Huh?" Actually, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit. Wala namang masamang nangyari nung sinubukan nya kong "halikan" kanina. Pero tumuloy si Sophie sa sinabi nya...
"Galit ka ba kasi hinubaran ka nya kagabi o galit ka kasi di nya tinuloy na i-kiss ka?"
Nanlaki yung mata ko! "Baliw!" Sabi ko, habang tawa naman ng tawa si Sophie.
"H-hindi ah! Matitikman nya muna ang bagsik ko bago nya ko mahalikan!" Medyo halatang hindi totoo yung sinasabi ko. I also expected something different ang mangyayari.
"Sobra ka naman Les." Dagdag pa ni Soph. "Eh sa tingin ko okay lang naman na gawin nya yung ginawa nya kagabi. Sabi mo nga, lasing na lasing ka at puro suka, marumi ka. Pero imbis na iwan ka nya dun sa bar, eh dinala ka pa nya sa condo nya kahit di ka naman nya kilala at all."

BINABASA MO ANG
Allergic Love Reaction
Teen FictionThis story helps you to be ready for anything "love" anytime! Ask Wattpad if your heart's healthy enough to read "Allergic Love Reaction". Side effects may vary. If you experience love problems, breakups and other side effects, please stop reading "...