JON

17 0 0
                                    

"Ikaw? Wala kang planong banggitin ang pangalan mo??"

Natawa ko sa question nya dahil di ako umimik. "Jon..."

"Jon... Snow???"

Natawa ako lalo, ang wild ng imagination nya. "Hinde... Brandon Jon Villanueva."

Nakatingin lang sa'kin 'tong girl na nasa harapan ko ngayon. Mukhang bumilib pa ata sa ganda ng pangalan ko. Nakataklob pa rin sya ng kumot ko.

Bigla syang tumayo, and she slowly approached me. She brought her right hand in front of me.

"Nice to meet you, Jon Villanueva."

Makikipagshake hands ba ko?? Maganda naman sya. Hmmmm. Alam ko na!

(Swooop!)

Kinuha ko yung kamay nya at hinatak 'to papunta sa'kin! Weird, halos magkalapit na ng husto yung mga mukha namin.

Pinagmamasdan ko lang ngayon ang itsura ni Leslie Tapang (name nya). Maputi... mapungay ang mga mata. Mapula ang labi na nangungusap... Quite an ideal girl for a guy actually pagdating sa appearance. Plus, palaban based sa nakita ko kahapon sa video.  Bagay sa last name nya... Not your ordinary normal girl.

Well... Kagabi ko pa talaga sya pinagmamasdan... habang nililinis ko sya.

(Flashback ko - pagkatapos akong sukahan ni Leslie Tapang)

Nakaupo lang ako sa bartable, mag-isa, gaya ng ginagawa ko every Friday dahil busy lagi si Ned sa mga "business" nya. Habang inuubos ko na yung huli kong bote ng beer, bigla na lang akong kinausap ng isang girl one chair away from me. Sa unang tingin ko, mukhang pagod lang sya, pero sa kilos nya, parang lasing na. Mukhang may pinagdadaanan.

Actually kanina pa sya daldal ng daldal tungkol sa lovelife nya. I can't help but listen kasi medyo nakakarelate ako sa kanya, kaso mas deep lang yung akin. Tsss, sino kaya gumago dito? Finally namukhaan ko sya. Sya nga yung girl na nakita ko sa scandal video kanina nung nag checheck ako ng FB! Paano napunta dito 'to??

Di nagtagal at nagkwento sya sa'kin, at natawa ko sa mga ginawa nya habang iyak sya ng iyak. Mahal na mahal talaga nya yung ex-boyfriend nya pero parang di naman mutual.. Naawa na din ako kaya binigay ko yung panyo ko at pinatahan ko na. Ayoko talagang nakakakita ng babaeng umiiyak.

Nung tinanong ko yung pangalan, di na sya mkasagot ng maayos. Yun pala....

"BLEUCCCCHHGGHHHH"

Oh F**K! Nasukahan nya ko sa damit hanggang sa mapayuko sya sa'kin. Pero di pa sya natapos, dahil sumuka ulit sya kaya buong damit ko puno na din ng alak at suka... Naku naman!

"Miss okay ka pa ba?"

Di na sya nakasagot. Pagkakita ko sa kanya, bagsak na. At natawa ko dahil punong puno ng suka yung mukha nya. Nagmix na yung luha makeup at suka, kaya natawa talaga ako. Gusto ko na sanang iwan 'tong weird na girl na 'to (as much as possible ayokong naa-associate sa kanila!), pero nakakaawa talaga yung pinagdadaanan eh... Kung ano-ano nang nangyari sa kanya ngayong araw...

Meh! Wala naman sigurong mawawala sa'kin. Kaya...

"Boss eto na yung bayad namin ni girl. Pasensya na sa dumi nya ah? Sige."

Ngayon kailangan kong malaman kung saan nakatira si girl. Ano ba naman klaseng mga gamit ang dala-dala nya? Puro make up! Wala man lang address book?! Di ko naman ma-contact yung mga kaibigan nya sa phone nya kasi may passcode!

Tsss... mukhang may kasama pa kong uuwi sa bahay.

Binuhat ko na sya papunta sa kotse ko. Para sa isang girl na maliit lang ang frame, ang bigat nya! Tapos tawa pa ng tawa habang naglalakad kami. Super-lasing si miss. Habang nagdadrive ako, akala ko susuka pa ulit, kasi para syang naduduwal. Buti na lang at napigilan pa nya at tinuloy na lang yung pagtulog nya.

Allergic Love ReactionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon